NAGISING si Sab kinaumagahan dahil sa walang tigil na pag-ring ng telepono. Pupungas-pungas niyang kihuha ang hand piece at sinagot ang tawag. "Hello?" paos niyang tanong. Nakapikit pa rin ang kaniyang mga mata dahil sa tindi ng hang over na nararamdaman. "Hello, Sab? Anong oras na. Nasa'n ka na? Papasok ka ba? Ngayon ka lang na-late ng ganito katagal. May sakit ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Trisha sa kabilang linya. "Bakit? Anong oras na ba?" "11:00 A.M. na, Sab. Okay ka lang ba? Mukhang naparami yata ang inom mo kagabi." "Medyo. Sige na. Maliligo na ako. See you later." "Okay. Ingat ka." Iyon lang at tinapos na nito ang tawag. Minasahe niya ang sumasakit na sentido. Mayamaya ay naramdaman niya ang pag-uga ng kama at may kung anong pumatong sa ibabaw ng kaniyang tiyan. Dahan-d

