ALDRICH: "Umm, tama na," awat nitong nakukurot na ako kung saan-saan. Napahagikhik akong binitawan ang mga labi nito na kinabig siya sa baywang at mahigpit na niyakap! Fvck! Parang lulukso na ang puso ko palabas ng ribcage nito sa mga sandaling ito habang yakap-yakap ko ang Mokang ko sa harapan ng lahat at naka-live broadcast pa sa buong bansa ang proposal ko dito! Mabuti na lang talaga at nag yes ito. MATAPOS ang graduation nito ay nauna na ang pamilya naming umuwi ng mansion para doon ipagdiwang ang pagtatapos nito at ang proposal ko sa kanya. Pumuslit kasi kami ni Monica na mag-date muna at mamayang gabi pa makakauwi para makapagsarili muna kaming mag-asawa. Bagay na pinaunlakan naman ng pamilya namin at hinayaan na muna kami nito. Hindi mapalis-palis ang matamis na ngiti sa mga

