MONICA: KABADO AKO habang nakaupo katabi ang mga magulang ko at hinihintay na tawagin ako sa harapan. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama! Sobrang kabado ko ngayon na para namang hindi na ako nasanay na laging una sa klase. Ibang-iba ngayon! Napapalapat ako ng mga labi. Panay ang inom ko ng tubig para ibsan ang kaba ko pero hindi naman nababawasan! Habang lumilipas ang mga sandali ay lalo akong nati-tension! Napapabuga ako ng hangin na ikinalingon sa akin ni Mama. "Okay ka lang, anak?" bulong nito. Hinawakan nito ang kamay kong nanlalamig at naninigas na sa sobrang kaba! Marahan nitong pinisil-pisil iyon na tila nire-relax ako. "O-opo, Ma," bulong ko. Ngumiti ito na napapisil pa sa kamay ko ng paulit-ulit hanggang sa naibsan na ang paninigas at panlalamig non. Kahit paano ay na

