MONICA: NANGUNOTNOO AKO na pinakiramdaman ang paligid. Nakahiga na ako sa malambot na kama at dama ang pamilyar na lamig, bango at prehensya ng lugar na kinaroroonan ko. Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko. "Nakauwi na ako," piping usal ko. Dahan-dahan akong napadilat ng aking mga mata. Sa nanlalabong paningin ko ay unang bumungad ang liwanag at ang pigura ng lalakeng nahihimbing sa aking tabi. Nakatagilid ito ng higa at katulad ko ay wala maski anong saplot sa katawan. Tanging ang makapal naming kumot ang siyang nakatabing sa katawan naming magkayakap. Maingat kong naiangat ang kamay na hinaplos ang sabog-sabog nitong buhok. Napakagwapo niya talaga kahit kita ang pagod sa kanyang mukha. "Good morning, Mokong ko. Salamat ulit at sinagip mo ako," bulong ko. Nangilid ang luh

