Chapter 23 Pagdating sa Macau ay kaagad siyang nagtungo sa bahay ni Mr. Fujiwara inabutan niya doon ang asawa at anak nito na hindi pa rin makalma sa pagluha dala ng labis na pagkabigla sa biglaang pagpanaw ng asawa. “My condolences,” puno ng sinseridad na wika ni Martin sa asawa ng yumao. Nangingilid ang luha na lumingon si Mrs. Fujiwara bakas sa mga mata nito ang tanong kung sino siya kaya’t maagap namang nagpakilala si Martin. “I’m Martin Vera Evangelista and I am his friend and business partner,” pakilala ni Martin. Nang marinig ang kanyang pangalan ay bigla nagbago ang reaksyon nito kaagad na kinuha ang kanyang kamay at walang tigil sa pasasalamat. “I am very grateful to you Mr. Evangelista my husband told me everything about you, how you helped him and trust him,” nangingilid m

