Chapter 24 Hindi na alam ni Martin kung paano niya nagawang simulan ang dapat sabihin kay Mr. Minamoto ang mahalaga ay nasimulan niyang banggitin na hindi matutuloy ang inaasahang pagbubukas ng shipping company ng MVE sa Macau sa susunod na buwan. “What happens? Do you have any problems with the paper I know someone who can help us,” tanong ni Mr. Minamoto. Isang malalim na buntong hininga ang pinawalan ni Martin bago sumagot. “That’s not the problem everything was okay and I thought we can launch our business earlier than expected but something unexpected happens,” sagot ni Martin. “What is it please don’t go around the bush,” naiinip na tanong ni Mr. Minamoto. “The money that I sent to Mr. Fujiwara for the payment of the property was nowhere to be found,” diretsang sagot ni Martin.

