Chapter 40 Kinabukasan araw ng Linggo ay maaga silang nakauwi ng Kimira City. Ikinatuwa ni Ellize na walang gaanong traffic kaya’t may oras pa siyang humipo ng mga gawain sa condo at maayos ang ilan sa mga halaman niya sa bahay. “Gusto mo bang bumaba muna para makakain kayo ni Manong Berto?” along ni Ellize. “Hindi na sweetie gusto ko na ring makauwi at may mga iniwang papeles sa bahay si Ms. Chin for signature na kailangan bukas ng umaga before office hour kaya kailangan kong yariin yun kung ayaw kong matambakan,” sagot ni Martin. “Okay pero take time to rest huwag masyadong abusuhin ang sarili ayokong mabiyuda kaagad,” pabirong bilin ni Ellize. “Ibig bang sabihin niyan ay magpapakasal na tayo?” ganting biro naman ni Martin. “Here we go again mabuti pa ay ipag drive nyo na po ang Si

