Chapter 41 “Grabe ang kaba ko dun akala ko mahuhuli na ko ng buhay,” hinihingal na litanya ni Clemente ng magkita sila ng sumunod na araw ni Marco. “Anong palusot ang ginawa mo?” tanong ni Marco. “Katulad ng napag usapan natin doon ako natulog sa supply room mabuti na lang at inaakala ni Manong Kanor na maaga lang akong pumasok kaya hindi na ako gaanong nagpaliwanag,” kwento ni Clemente. “Asan na yung video cam kung ganoon,” naiinip na tanong ni Marco. “Teka naman masyado kang excited pahingahin mo muna ako ng ilang minuto,” sagot ni Clemente. Hindi na nakipag talo si Marco sa hirit ni Clemente at hinayaan na kusa na lang nitong ilabas ang video camera na nasa loob ng back pack nitong dala. “Mas mainam kung kuhanin mo na lang yung SD card ng camera at sa laptop mo panoorin para mas

