Chapter 42 “What! Andiyan si Ellize?Bakit hindi mo sinabi agad sa akin?” sunod sunod na tanong ni Martin. “Sir ang totoo po ayaw talagang ipasabi ni Ma’am Ellize kasi gusto niya kayong isopresa,” paliwanag ni Miss Chin. “Okay sige pabalik na ako diyan,” wika ni Martin. “Pero sir....umalis na po si Ma’am Ellize,” singit ni Miss Chin. Natahimik si Martin ng malamang nakaalis na ang nobya wala naman siyang maapuhap na isagot kaya mas pinili niyang tapusin na lang ang pag uusap nila ni Miss Chin.Habang nakasakay sa kanyang kotse ay naisipan niyang sa condo unit ni Ellize magpahatid. “Mang Berto sa condo po tayo ni Ellize dumiretso,” hudyat niya sa driver. “Okay po sir,” sagot ni Mang Berto. Habang nasa biyahe papunta sa condo unit ni Ellize ay sinubukan niya itong tawagan. Ilang beses

