Persuade

2246 Words
Chapter 11 Nang masiguro na plantsado na ang lahat ng kailangan nila ni Chin ay sinabihan niya itong bumalik na sa kanyang silid habang siya naman ay nagtungo na comfort room para magshower at gumayak para sa unang meeting nila ng araw na iyon. Nasa lobby na sila ng hotel at matiyagang naghihintay ng may pumasok na siang balingkinitang babae na maputi at sopistikada halata sa kilos nito at pananamit na nabibilang sa alta sosyedad kaagad itong lumapit sa receptionist kasunod ang anim na lalaki na halatang body guard nito sa kilos at galaw pa lang. “I’m Jacquelyn Del Moro and I have a meeting with Martin Vera Evangelista,” pakilala nito. “Good afternoon Madam, actually Mr. Evangelista is already here,” nakangiting sagot ng receptionist. Walang emosyong tiningnan ni Jacquelyn ang receptionist kaya’t ang ngiti na ibinigay nito sa kanya ay bahagyang nawala at nakaramdam ng pagkailang sa naging reaksyon nito. Lihim na tinanaw ni Martin si Jacquelyn at kung paano ito makipag usap sa receptionist. Kitang kita niya kung gaano kalakas ang personality ni Jacquelyn na kinumpasan na lumayo ang mga bodyguard na isa isang nagsipuwesto paikot sa lugar kung saan ito nakaupo. Tinannaw niya si Chin at hudyat iyon na lapitan na nila ang mesa kung saan ito nakaupo habang ang mga body guards naman niya ay kanina pa nakapwesto ng maayos. “Good morning Miss Del Moro, I am Chin Villafuerte the secretary of Mr. Martin Vera Evangelista the owner of MVE Shipping Company and MVE Corporation and we are glad for this opportunity to finally meet you in person,” bungad ni Chin na iniabot ang kamay para makipag shake hands dito. Nahiya naman ito na hindi abutin ang kamay ni Chin pero halata na nagdalawang isip pa ito kung makiipagkamay o hindi. Matapos na makipagkamay ay pinakilala naman ni Chin si Martin. “Miss Del Moro , meet my boss Martin Vera Evangelista,” pakilala ni Chin. “Nice to meet you Miss Del Moro,” simula ni Martin na seryoso at walang kangiti ngiti ang mukha. Tila iba ang naging dating nito kay Jacquelyn sanay kasi siya na sa mga kabusiness transaction niya na sa simula pa lang ay todo ngiti na sa kanya at halatang nagpapacute lalo na sa kalalakihan na madalas sa unang pagkikita pa lang ay hindi maitago ang interes sa kanya and this Martin Vera Evangelista is quite different. “Nice to meet you too Mr. Evangelista,” sagot ni Jacquelyn. “Pwede na siguro tayong maupo,” singit ni Chin ng mapansin na nakatayo pa rin silang tatlo. “Yeah sure, sorry nawala sa loob ko,” sagot ni Jacquelyn. “Whoah! Miss Del Moro you know how to speak our native language?” hindi makapaniwalang tanong ni Chin. “Yeah, actually Miss Chin, my mom is a Filipina and she really wants me to learn how to speak tagalog,” sagot ni Jacquelyn. “Oh, that’s nice of here maybe one day I can thank her na hindi ako mahirapang makipag usap sayo dahil nakakaintindi ka ng tagalog,” biro ni Chin. Natawa naman si Jacquelyn bagay na hindi inasahan ni Martin dahil kanina lang ay kitang kita niya kung kaano ito kasuplada ng kausapin ng receptionist. “We all know the very reason whay we are here I believe I already sent the business proposal in your email,” simula ni Chin sabay sulyap kay Martin na pinakikiramdaman kung pagsasalitain na ba niya ito. “Actually I am still analyzing your business proposal and to be honest I am thinking how our business will benefit if we agree to accept your business proposal,” sagot ni Jacquelyn. Tiningnan ni Chin si Martin hudyat iyon na pareho nilang alam kung paano mapapa oo ang kanilang kausap. Sinundan naman ito ng tingin ni Jacquelyn dahil alam niya na sa reaksyon ni Chin ay si Martin na ang nais niyang pasagutin. “Well, Miss Del Moro if you can find time to review our company you will find out how strong and stable it is, not to mention the other business tycoon all over Asia who recently signed a business deal with us and wish also to expand their assets and you said you are still thinking and undecided whether to accept our proposal....try to imagine how would other casino and resort owners will feel if Asian gathering will be host by your resort? It will surely promote your business which means more assets more income,” simula ni Martin. Napatitig dito si Jacquelyn na tila napapaisip. “You can conduct some research if you still in doubt with my company or if you want we some presentation available now for your reference we can play it any time you want,” alok ni Martin na puno ng kumpiyansa ang pagsasalita. Nacurious naman si Jacquelyn kung ano ang mayroon sa dalang presentation nila Martin kaya’t sumang ayon siya na tingnan ito. Agad naman kinuha ni Chin ang bag at laptop saka nag request sa hotel para sa ma-access ang kwarto for business purpose para makita sa wide screen ang mga baon nilang pasabog na siguradong makakapagpa oo kay Jacquelyn Del Moro matapos mapanood ito. Tahimik na naghintay si Jacquelyn sa loob loob niya ay pagbibigyan lang niya na makapagpresent ang mga ito bilang pakunswelo dahil alam niya na nag effort ang mga ito na bumiyahe para lang makausap siya ng personal. Kitang kita niya kung gaano kakumpiyansa at kasimpatiko si Martin ng tumayo at humarap sa kanya para sa presentation. “Good Morning, let me properly introduce myself as the owner and CEO of MVE Shipping Industry and MVE Corporation and today I will take you through all aspects of our business. I am pleased to share our 2015 financial and operating results and discuss the promising future for the export and import industry here in your country. A future that will continue to deliver superior value to shareholders over the longer term. Isa isang ipinakita ni Martin sa kanyang slide presentation ang strategic location ng kumpanya niya sa Pilipinas, Hongkong at Singapore kasunod ang mga world class products na in-export nila sa iba’t ibang bansa. Idagdag pa ang iba’t ibang investment nito sa miningat oil company. “We provide a unique opportunity for investors all over Asia and we consider your country as the center of our biggest investment for the coming years and I believe my secretary already sent the business proposal to you which explains in detail what kind of business we are planning to establish. You will probably meet hundreds of investors and business tycoons once I decided to push the business meeting here in Macau particularly in your casino resort if you want,” pang iingganya ni Martin. Pinilig ni Jacquelyn ang ulo sa mga ipinakita ni Martin at sa ideya na makakahalubilo niya ang mga negosyante na maaring makatulong sa kanya financially lalo na ngayon na isa isa ng nagsisisulputan ang mga bagong bukas na casino and resort sa kanilang bansa. “If you are still in doubt take a look at how we establish a solid year of operational excellence as the leading shipping company in different countries I’ve mentioned,” dagdag pa ni Martin. “Well you have a very strong convincing power Mr. Evangelista and I admit that right now and then I can sign the business proposal but our business is a family business and my parents also need to know and decide on this matter so if you could patiently wait just give me a couple of days and I will arrange for you with my parents,” sagot ni Jacquelyn. “Actually we are about to stay here because aside from you we also have a meeting with Cleo Jean Chan of Calamandarin Oriental Hotel Group and other business partners who happened to be here enjoying the beauty of Macau,” sagot ni Martin. Pagkarinig sa pangalan ni Cleo Jean Chan ay tila nakaramdam ng tensyon si Jacquelyn dahil ito ang pinakamatinding karibal ng kanyang Casino and Resort at kung sakali na ipakita ni Martin ang business proposal nito ay sigurado siyang hindi nito pakakawalan ang pagkakataon na magkaroon ng malawak na koneksyon sa katulad ni Martin na matagumpay na negosyante. “Well, I guess I can sign the agreement now and explain my decision to my parents I am pretty sure that they will also agree with my decision,” biglang bawi ni Jacquelyn. Pagkarinig sa sinabi nito ay walang inaksayang oras si Chin na inilabas ang mga nakahanda ng dokumento para mapirmahan nito. Malapad ang ngiti ni Martin matapos na matapos mapirmahan nila ang lahat ng dokumento. “I assure you, you will never regret the decision you made today,” wika pa ni Martin. “I will expect that Mr. Evangelista and since we are business partners now would you like to visit our casino?” alok ni Jacquelyn. “I love the idea,” sagot ni Martin. “So what are you waiting for let’s go,” aya ni Jacquelyn. “We will go with you just make sure that you can bring us back here before five o’clock,” singit ni Chin. “Why such in a hurry?” komportable ng tanong ni Jacquelyn. “You know the life of a businessman every minute is important and we have to meet an important client that’s why we have to here at five o’ clock,” matapat na sagot ni Martin. “Okay I assure you that you will be here at five o’clock or maybe we can set another day para naman mas maenjoy ninyo yung place just give the date na libre kayo,” suhestiyon ni Jacquelyn. “Chin, kindly check our schedules,” utos ni Martin. “Sir we have one day available and that will be on Saturday,” sagot ni Chin. “Okay Saturday will be the day for JDM Casino Resort International, sagot ni Martin. Matapos na maisara ang pag uusap ay muli silang bumalik sa mesang okupado nila at pinaserve na ang pagkaing pinahanda ni Martin sa hotel. “We decided to request Filipino Cuisine for you to experience our tradional food in our country,” paliwanag ni Chin ng mapatitig si Jacquelyn samga pagkaing inihahapag ng waiter. “Actually my mom used to cook Filipino dishes that is why I am familiar with pork and chicken adobong, pinakbet and what do you call this?.....abraw?” nalilitong tanong ni Jacquelyn. “Whoah you tried all of that? So how do you find it?” tanong ni Chin na komportable na rin at magaan ang loob kay Jacquelyn. “I love pork adobo but inabraw will be better if we combine it with fried fish or grilled pork,” wala sa loob na sagot ni Jacquelyn. “Oh you are very lucky today because we have chicken adobo, abraw and grilled pork plus the authentic achara which is one of the products being export by the MVE Corporation,” wika ni Chin. “So what we are waiting for you set aside your diet plan and enjoy the food,” nakangiting hudyat ni Chin habang tahimik lang na nakikinig sa kanila si Martin. Matapos na makakain ay hindi na rin nagtagal ang grupo at nagpaalam na si Jacquelyn na babalik na sa kanyang opisina matapos na makuha ang cellphone number ni Chin at Martin. Sinundan ng tanaw ni Martin at Chin ang papalayong grupo hanggang sa nakalabas na ang sasakyan kung saan lulan ito. “Iba ka talaga Sir Martin wala akong masabi, imagine ung reaksyon niMIss Jacquelyn na alam na alam kong walang intensyon na makipagnegosasyon sa atin at tila napilitan lang maupo at makinig sa business presentation mo agad agad nakapagdesisyon at napapirma mo sa kontrata,” hindi makapaniwalang wika ni Chin. “You have a hundred ways to kill the cat,” makahulugang sagot ni Martin. “Ang ganda naman niyang pusa bakit mo papatayin,” papilosopong wika ni Chin. “Hay naku Chin Chin Villafuerte ang mabuto pa ay bumalik na muna ako sa kwarto gusto kong umidlip kahit saglit bago ang meeting natin with Mr. Fujiwara mamayang gabi bahala ka na sa mga kasama natin pakainin mo silang gusto nila at babalik na ako sa kwarto,” paalam ni Martin. “Okay sir salit salit na lang sila para may bantay pa rin kayo,” sagot ni Chin. “Hindi na okay lang ako hayaan mo ng sabay sabay silang kumain,” tanggi ni Martin. “Iyan naman ang hindi uubra sir huwag matigas ang ulo sukdulang ako ang bumantay sa pintuan ng kwarto mo masiguro ko lang na merong magpoprotekta sayo.” Sagot ni Chin na ayaw pumayag sa gustong mangyari ni Martin. “Ang hirap naman akala ko si Ellize lang ang lagi kong kakotra mukhang may nahingahan na rin dito,” biro ni Martin. “Aba talaga lang sir kabilin bilinan kaya iyan sa akin ni Ma’am Ellize na bantayan ka at siguraduhing hindika nalilipasan ng gutom, maayos ang damit at nakakatuog ng maayos baka awayin ako nun kapag nakitang nangalumata at namayat ka,” sagot ni Chin. “Ang hirap ng napapaligiran ng nmga babaeng diktator hindi ako manalo,” naiiling na sagot ni Martin. “That’s for your own good Sir kaya huwag ng matigas ang ulo,” nakangiting sagot ni Chin habang nakatapat na sa tenga ang cellphone at tintawagana ng dalawang bodyguard na unang babalik kasama ni Martin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD