Chapter 10
Kampante si Ellize sa pagmamahal na ipinaparamdam sa kanya ni Martin sa halos isang taon nilang pagiging magnobyo ay hindi niya nasubukang nambabae o nahuli na nakipagharutan ito sa ibang babae kahit na nga marami ang nagpapakita dito ng interes dahil bukod sa gwapo at simpatiko na ay mayaman at maimpluwensya pa ito.
Pagpasok nila sa loob ng restaurant ay aral na ang mga waiter at waitress na naroon agad ng may sumalubong sa kanila para ihatid sa mesang nakareseba para sa kanila. Pansin naman ni Ellize ay tila mas espesyal ang ayos ng mesang nakalaan sa kanila kumpara sa ibang mesang naroon.
“There’s something unusual in this place,” hindi napigilang puna ni Ellize.
Ngumiti lamang si Martin na iginiya siya para ganap na makaupo sa silya na naroon.
“Maybe you miss the ambiance of this place and the food that makes you forgot your diet,” sagot ni Martin.
“Oh look who’s talking I guess that statement will suits you better,” ganti ni Ellize.
“Me again?” kunyaring hindi makapaniwalang reaksyon ni Martin.
Hindi napigilang pisilin ni Ellize ang pisngi nito na akala mo teenager na nagpapacute sa kanyang crush na crush din naman siya habang palihim naman na napapangiti at nagkakalabitan ang mga waiter at waitress na gesture nila sa isat isa na alam mong damang dama rin nila ang pagmamahal ng mga ito.
“Waiter!” tawag ni Martin sabay kaway sa dalawang waiter na nakaantabay lang sa kanyang pagtawag.
Mabilis na lumapit sa mesa nila ang dalawang waiter at naghintay ng hudyat kung ano ang nais ni Martin.
“Can we have the menu baka may magustuhan pa ang aking sweetie bukod sa naipareserve ko,” tanong ni Martin.
“Sure Sir,” sagot ng waiter sabay abot sa menu.
“Sweetie I guess okay na yung inorder mo actually hindi pa ako masyadong gutom at nagkape kami kanina ni Berna,” tanggi ni Ellize.
“Sweetie I told you to mimize your coffee intake, lahat ng sobra masama baka magpalpitate ka na naman niyan sige ka,”paalala ni Martin.
“Opo minsan lang naman and natuwa lang si Berna sa rating ng program namin kanina,”paliwanag ni Ellize.
“How is it?” tanong ni Martin.
“You better see it na lang sweetie,” nakangiting sagot ni Ellize na kinuha ang cellphone at ipinakita dito ang current rating ng programa kung saan siya ang host.
“”You’re so awesome! Grabe from 39.7 agaist sa 3.2 rating ng kasabay mong programa, congratulations sweetie I’m sure matutuwa sayo niyan si Miss Charina,” wika ni Martin sabay halik sa kanyang pisngi.
“Aba siyempre naman ikaw ba naman ang dalawin ng prince charming mo bago ka sumalang sa programa hindi ka ma-inspired,” sagot ni Ellize.
“Baka naman sa studio na ako mag opisina niyan araw araw dalawa tayong babayaran ng management,” tumatawang sagot ni Martin.
“Naku baka kulangin pa ang suswelduhin mo sa dami ng taong pinapakain mo tuwing pupunta ka sa studio,”naiiling na sagot ni Ellize.
“Maliit na bagay lang iyon sweetie nakita mo ba yung ngiti nila hindi ang saya,” sagot ni Martin.
“Sige na nga wala na akong sinabi,” tanging nasambit ni Ellize.
Ilang minuto pa ay palapit na ang waiter na may dala ng kanilang pagkain. Napasinghap si Ellize ng maamoy ang mga pagkaing inorder ni Martin tila naingganya at natakam siya sa amoy nito.
“Hindi pa rin talaga nagbabago ang authentic na amoy ng mga pagkaing paborito ko dito amoy palang nag iimbita na ng extra rice,” biro ni Ellize.
Napangiti pati ang mga waiter na naglalagay sa mesa ng kanilang pagkain. Isa iyon sa katangian ni Ellize na bentang benta kay Martin ung kakaibang sense of humor niya na kahit simpleng sitwasyon ay nagagawa niyang masaya.
Matapos na maihatag sa mesa ang mga pagkain ay kinuha ni Martin ang tissue at pinunasan nitong mabuti saka iniabot kay Ellize pagkatapos ay nilagyan nito ng kanin ang kanyang plato at pinamili ano sa mga ulam ang nais niyang unahing tikman.
“Sweetie okay na ako na lang ang kukuha ng ulam masyado akong nabubusog sa pag aasikaso at pagmamahal mo sa akin baka mamay niyan hanap hanapin ko eh bigla kitang pauwiin kahit nasa Macau ka,” biro ni Ellize.
“Pagbigyan mo na ko minsan minsan na nga lang kita napagsisilbihan ng ganito,”sagot ni Martin.
Pinanood na lang ni Ellize si Martin na hindi maawat sa nais nitong gawin at ng matapos ito ay nakangiti itong tumingin sa kanya.
“Mukhang mas lalong sasarap ang lasa ng pagkain ko ngayon dahil inihain ito sa akin ng punong puno ng pagmamahal,” seryosong wika ni Ellize sabay pisil sa kamay ni Martin.
Ellize looks at Martin with so much love in her eyes though she never said a single word Martin can feel the message of her look and the way she touches his hand say it all.
“Kumain na tayo at baka mabusog na tayo kahit na hindi natin tinitikman ang pagkain,” paalala ni Martin.
Nagsimulang kumain sina Martin at Ellize na paminsan minsan ay nasasalitan ng usapan tungkol sa negosyo, pulitika at kung anu-ano pa.
“Sweetie anong oras ang flight mo bukas?” tanong ni Ellize.
“Eight o’ clock ng umaga sweetie,” sagot ni Martin.
“Naku dapat pala ay maaga kang magpahinga, how about your things okay na ba baka naman hindi mo pa naayos...... I can help,” alok ni Ellize.
“No need to worry sweetie naitawag ko na kay Manang Irma at sabi naman niya ay okay na isasakay ko na lang daw sa eroplano,” sagot ni Martin.
Tumango tango naman si Ellize ng malaman na maayos na ang mga kakailanganin nito.
“After ng dinner natin I suggest na we better go home alam ko pagod ka rin maghapon ang maaga pa ang flight mo bukas kaya kailangan mong magpahinga mahirap mag isip ng maayos kapag kulang sa tulog baka sa halip na makumbinsi mo mga investors ay hindi mo makumbinsi at wala kang energy,” suhestiyon ni Ellize.
“Opo ang dami talagang paliwanag eh hindi naman ako tatanggi,” sagot ng nakangiting si Martin.
“Pagbalik mo pala pwede ba tayong dumalaw sa orphanage?” tanong ni Ellize.
“Sure last month pa nga pala tayo dapat na dumalaw sa kanila kaso hindi natuloy pero promise pagbalik ko ay on top siya sa to do list ko,” pangako ni Martin.
“Okay aasahan ko yan,” sagot ni Ellize.
Matapos makakain ay inihatid na sa condo niya si Ellize doon siya namumuhay na mag isa habang ang pamilya naman niya ay mas piniling manatili sa kanilang probinsya at pagyamanin ang kanilang mgalawak na bukirin at grocery store sa palengke.
“Good night sweetie magpahinga ka na pag uwi huwag ng mag intindi ng kung anu-ano pa and mag iingat ka sa biyahe mo bukas hind na kita maihahatid pero tell when will you come back and if you want pwede kitang sunduin noon s airport,” bilin ni Ellize ng maihatid siya nito sa condo.
“Yes sweetie and I’ll call you everyday alam ko naman ang oras na libre ka na sa trabaho kaya hindi ka rin maiinip para lang akong nasa opoisina at ikaw naman ay nasa trabaho,” kumbinsi ni Martin.
“Pero gusto ko ako unang sasalubong sayo once you come back,” hirit ni Ellize.
“Okay as you wish,” sagot ni Martin.
Matapos ang paalaman ay niyakap ng mahigpit ni Martin ng nobya saka hinalikan, “ I love you sweetheart,” bulong nito kay Ellize.
“I love you too sweetie,” ganti ni Ellize sabay halik sa labi ng nobyo.
Tila nagustuhan naman ni Martin ang ginawa ni Ellize kaya’t ang halik na dapat ay dampi lamang ay tumagal ng ilang minuto at bago pa lumalim ang halik na iyon ay kumalas na si Ellize sabay bulong, “ I love you sweetie nakatingin sa atin ang driver mo...goodnight na ingat, I love you so much,” wika ni Ellize habang marahang kumawala sa pagkakayapos ni Martin.
Napabuntong hininga naman si Martin ngunit wala na siyang magawa isa pa kailangan na nga rin niyang umuwi ng makapagpahinga ng maayos.
“Okay sige na nga aalis na ko goodnight,” nakangiting paalam ni Martin .
“Good morning ladies and gentlemen. This is a pre-boarding announcement for flight 89 B to Macau. We are nowinviting those passengers requiring special assistance to begin bording this time. Please have your boarding pass and identification ready.
Anunsyo sa loob gn airport kung saan naroon na si Martin at ilang minuto pa ang hinintay ay nagsimula na ang biyahe ni Martin patungong Macau.
“Sir Martin, here’s your schedule for today at one o’clock you have an appointment with Jacquelyn del Moro the owner of JDM Casino Resort International and at six o’clock another meeting with Cleo Jean Chan the CEO of Calamadarin Oriental Hotel Group and at eight o’ clock another set of meeting with Kilawis Export ,” paalala ng secretary ni Martin.
“Okay you have all the documents need right?” tanong ni Martin sa secretary.
“Yes sir same with the presentation and blank contract sakaling magkasundo po kayo ng inyong kabusiness deal,” sagot ni Secretary Chin.
Tuloy tuloy naman sa paglalakad papunta sa kwarto ng hotel na nakareserba sa kanila si Martin kasama ang apat body guard at secretary nito para saglit na makapagpahinga at makakain bago ang business meeting niya.
Tatlong magkatabing silid ang inokupa ng grupo isa para sa seretary na si Chin at at ang dalawa pa ay para kay Martin at sa mga bodyguard.
“Ilagay na muna ninyo ang gamit sa kwarto ninyo but we need to discuss and review some details ng business agreement with them Chin so in thirty minutes pumunta ka sa kwarto ko para maayos natin bago tayo humarap sa kanila later okay?” bilin ni Martin sa secretary.
“Yes sir, noted po,” sagot ni Chin.
Pagpasok sa silid na nakalaan para kay Martin ay gumawi siya sa gawing bintana ng hotel kung saan tanaw nila ang nagtataasang buildings na nakapalibot sa hotel. Marahil isa iyon sa dahilan kung bakit napakapopular ng hotel na kanilang tinuluyan at maraming mayayamang turista at negosyante ang nais na doon mag stay kitang kita kasi ang malawak at magandang lugar ng Macau at very strategic ang lugar sa mga nais ng bagong business venture.
My Dear Ellize you must see this place and I’m sure you gonna love it, bulong ni Martin sa hangin habang naiisip ang maamong mukha ng nobya.
Kagaya ng napagkasunduan ni Chin at Martin eksaktong thirty minutes ay kumakatok ito sa kanyang silid dala ang mga papeles na kailangang ipresent sa meeting mamaya. Kumpiyansa naman si Chin na kumpleto ang lahat ng inihanda niyang papeles na kakailanganin dahil very hands on ito pagdating sa negosyo ay ilang beses nitong sinisiguro na walang mali sa mgadetalye na nakapaloob lalo na sa kontrata.
“You’re here kumain na ba kayo?” tanong ni Martin ng makita si Chin.
“Opo sir kayo po ba ay kumain na rin?” balik tanong ni Chin.
“Later na lang after ng business meeting alam mo naman na hanggat hindi ko nakikita ang resulta ng lakad natin ay wala pa akong ganang kumain,” seryosong sagot ni Martin.
“Naku sir kelan ba kayo hindi naging successful ang business deal mo abay limang taon na kong nagtatrabaho kasama ka ay wala pa akong natatandaan na nakatanggi sa business proposal mo at halos lahat nga ay gustong makipag tie up sayo,” matapat na komento ni Chin.
“Loyalista talaga kita Chin,” tanging nasambit ni Martin sa pagiging positibo ng kanyang secretary.
Naalala niya tuloy noong una itong nag apply kasabay ang mga bagong aplikante. Kitang kita niya na tensiyunado ito una marahil sa edad nito na mahigit ng trenta habang ang mga kasabayan ay halos mga bagong graduate sa kolehiyo at sopistikadang magsikilos at ismarteng ismarte sa pagdadala ng damit habang siya ay napakasimple at manang na manang.
Isang bagay ang tumatak kay Chin kung bakit niya ito mas pinili na maging empleyado kumpara sa mga bata at naggagandahang aplikante iyon ang sagot nito kung bakit siya umalis sa dating pinapasukan at mas pinili na mabakante ng trabaho for years at naglakas na lang ng loob muli na sumubok ng mag apply sa kumpanya niya.
“Based on your resume you are working with a prominent company with a very good salary so why you decided to leave your spot in that company?” tanong ni Martin.
“You are right sir I have a very nice salary not to mention the other privelege given to me by my previous boss but what makes me decide to leave my position there is rivalry of position between my boss and his older brothers who wanted to put him down. They wanted me to betray my boss and promise to double my salary but since my boss is not just a boss to me but a family I never agreed to join with them and since nag iisa lang ang boss ko against them they win the battle at nakuha ang position that was the time I decided to leave the company I cannot work with them anymore,” sagot ni Chin.
“Okay you wait outside with the other applicants then later on we will announce the result of the interview,” hudyat ni Martin ngunit sa isip niya ay tapos na ang application process nakapili na siya ng bagong sekretarya at walang iba kung hindi si Miss Chin na nakita niya kung paano magpahalaga ng loyalty sa kanyang amo.