Chapter 9
“Iba talaga kapag inspire ang aking frenny at nadadalaw ng boyfriend grabe ang rating ng episode mo today nilamon ang kasabay na palabas sa kabilang channel,” bati ni Berna kay Ellize.
Sinilip naman ni Ellize ang resulta ng rating at napangiti siya sa laki ng agwat ng kalaban nilang channel.
“Magaling kasi ang teamwork ng team mo my dear Berna hindi ka toxic katrabaho kaya nakakapag isip ng maayos at malayang nakakapagcontribute ng ideas ang lahat kahit na yung mga scriptwriters natin unlike sa mga naririnig kong team na lagi silang under pressure na kailangan nlang talunin ang katapat na palabas kaya sa halip na makapag isip sila ng maayos ay hindi tuloy nila magawa,” kwento ni Ellize.
“Halika na at i-treat kita ng coffee,” alok ni Berna kay Ellize.
“Ay hindi ko tatanggihan yan,” sagot ni Ellize na tumayo kaagad sa kinauupuan.
Umabrisiyete na si Ellize dito habang naglalakad sila palabas ng studio sa tapat kasi nito ay mayroong coffee shop na madalas nilang tambayan kapag yari na ang trabaho.
“Ilang taon ka na ba sissy?” wala sa loob na tanong ni Berna habang naglalakad sila patawid sa coffee shop.
“Bata pa ko I’m only twenty six, bakit mo naman naitanong,” ganting tanong ni Ellize.
“Hindi ka pa ba inalok ng kasal ni Martin?” tanong ni Berna.
“One time napag usapan namin yan pero I made it clear to him na wala pa sa isip ko ang magpakasal maybe when I reach the age of thirty baka sakali na maisip ko na,” nakangiting sagot ni Ellize.
“Aren’t you afraid na maagaw pa ng iba si Martin with his looks at sa dami ng kayamanan at impluwensyang mayroon siya I’m sure na maraming babae ang umaaligid at nagpapapansin sa kanya,” komento ni Berna.
“Naiisip ko yan Berna pero hindi naman dahilan yon para pasukin ko ang buhay may asawa ng dahil lang sa takot akong mawala siya isa pa para sa akin kapag gusto tayong lokohin o iwan ng taong mahal natin wala na itong pipiliing sitwasyon kahit na kasal pa kayo o nagli- live in lang just like what happened to Miss Audrey iniwan pa rin siya ng lalaking mahal niya kahit na binigay at ininuwa niya ang lahat,” sagot ni Ellize.
“Sabagay may point ka diyan isa pa halatang halata naman kay Martin na truly madly deeply inlove sayo yung tao ano ba ginawa mo at nagayuma mo siya ng sobra?” hindi makapaniwalang tanong ni Berna.
“Grabe ka hindi ko siya ginayuma nagpakatotoo lang ako at sabi naman niya iyon daw ang talagang nagustuhan niya sa akin,” kwento ni Ellize.
“Ang sabihin mo na attract siya sa lakas ng personality mo na hindi basta nadungo kahit na alam mong maimpluwesyang tao siya,” sagot ni Berna.
“Whatever sissy ang mahalaga andito na tayo sa coffee shop at alam mo na ang favorite kong flavor ng frappe Nutella with cream puff,”pag iiba ni Ellize sa usapan.
“Okay sissy sit back and relax, cakes baka may type ka, ako I want choco mousse,” alok ni Berna.
“Black forest sissy and ako na magbayad ng cakes natin,”alok ni Ellize.
“Huwag na next time ka na lang,” tanggi ni Berna.
Ilang minuto lang na naghintay ang magkaibigan at naiserve na ang kanilang order.
“Sissy baka naman lumobo na ako niyan mamaya ay magkikita pa kami ni Martin,” komento ni Ellize.
“Naku ano ka ba sissy konting work out mo lang I’m sure sunog na ang ikinarga mong pagkain today ikaw pa napaka disiplina mo sa katawan ang dami kayang naiinggit sa perfect figure mo,” sagot ni Berna.
“Perfect ka diyan, by the way matanong nga kita medyo personal nga lang but its okay kung ayw mong sagutin," pasakalye ni Ellize.
"Sure basta huwag lang Math," pabirong sagot ni Berna.
"have you ever consider na magpatransgender kung talagang type mo naman na maging babae,” tanong ni Ellize.
“Ay ano ka ba sissy babae ang puso ko pero siyempre natatakot pa rin ako una sa Diyos pangalawa sa magiging reaksyon ng katawan knowing na hindi simpleng procedure ang magpa transgender,” sagot ni Berna.
“Bigla tuloy nag pop ang idea sa akin na maybe sa next episode ng programa natin we can feature someone na nagdare mag patransgender since unti unti naman ng natatanggap sa society natin ang existence ng l***q Community,” hirit ni Ellize.
“Napaka witty mo talaga sissy imagine kahit sa ordinaryong conversation na ganito nakakaisip ka ng bright idea sa totoo lang ikaw ang gem ng grupo natin at hindi ko hahayaan na mawala ka sa amin over my dead sexy body,” eksaheradang komento ni Berna.
Natawa naman si Ellize sa reaksyon ni Berna at nakikita niyang napapangiti ang katabi nilang costumer na lalaki sa katapat na table na lihim na sumusulyap kay Berna.
“Haba ng hair mo Bernz ha mukhang type ka pa ng boylet sa gilid,” bulong ni Ellize.
Palihim naman sinulyapan ni Berna ang tinutukoy ni Ellize at nginitian ito ng magtama ang kanilang tingin.
“Bernz I’ll just go saglit sa comfort room okay ka lang ba dito or you want to go with me?” tanong ni Ellize.
“Go ahead I’ll just wait you here,” taboy ni Berna kay Ellize.
Tumayo na si Ellize at naglakad patungo sa comfort room habang naiwan naman si Berna na panay ang pacute sa lalaking nasa kabilang table ng hindi makatiis ay nilapitan niya ito.
“Hi, bago ka dito?” tanong ni Berna.
“Yeah, kaka start ko pa lang sa work diyan ako sa tapat sa tabi ng CAV’s tv nag tatrabaho,” sagot ng lalaki.
“Really? Diyan naman kami sa CAV’s tv nagwowork anong trabaho mo?” tanong ni Berna.
“Gym Instructor ako baka type mo na mag enrol here’s my card,” nakangiting alok ng lalaki.
Agad naman kinuha ni Berna ang tarhetang iniabot ng lalaki at inilagay sa kanyang wallet.
“Pag iisipan ko ang inform kita once na decided na ako by the way I’m Berna Ledesma,editor sa CAV”s tv,” pakilala ni Berna.
“Whoahh! Big time pala ang kausap ko,” hindi makapaniwalang sagot ng lalaki.
“Ano bang big time empleyado lang ako doon,” sagot ni Berna.
“I’m Erickson Dela Pena,gym instructor,” pormal na pakilala nito sabay abot sa kamay para makipagshake hand kay Berna.
Naudlot ang pagbalik ni Ellize ng matanaw na nakikipag kamay si Berna sa lalaking kanina lang ay nahalata niya na nagpapacute kay Berna.
Mukhang nakasimple ang aking frenny at nakikipag kamay na sa lalaking kanina lang ay lihim na nakikinig sa usapan nila,bulong sa sarili ni Ellize.
Natanaw naman siya ni Berna na pabalik na kaya’t ng nakabalik siya sa table ay ipinakilala siya ni Berna sa lalaki.
“Sissy meet Mr. Muscle ang gym instructor na si Erickson Dela Pena diyan daw siya nagwowork sa tabi ng office natin, Erickson meet my sissy na kasing ganda ko Maria Ellize V. Nunez ang pinakacharming na host ng Dare to Sat the Truth,” pakwelang hirit ni Berna.
“Hello Ma’am Ellize nice meeting you po,” magalang na bati ni Erickson.
Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Ellize dito at nagpaalam na babalik na sa table nila. Sumunod naman sa kanya si Berna na halatang kinikilig pa rin
“Umayos ka halatang halata ka na kinikilig sa kanya kukurutin kita diyan,” pabulong na banta ni Ellize.
“Totoo ba?” sagot ni Berna na bahagya pang hinawi ang mahabang buhok na akala mo dalagang pilipina.
“Oo huwag mo na munang sulyapan at panay naman din ang pa cute sayo ng lintik,” nakangiting bulong ni Ellize kay Berna.
Hindi naman nakakibo s Berna pero hindi niya sinunod si Ellize sa halip ay sinulyapan niya itong muli at kinawayan.
“Patay dun! Naku kakain na nga lang ako at nangangamoy ng magkaka lovelife ang coffee shop na ito,” naiiling na komento ni Ellize sabay subo sa cake na nasa kanya pang harapan.
Matapos na makakain ang magkaibigan ay tumayo na sila para bumalik sa opisina ng matanaw sila ni Erickson na tumayo na ay mabilis din nitong tinapos ang pagkain at nag sabi na sasabay na rin tumawid sa kanila kung maari bagay na hindi naman natanggihan ng dalawa.
Pagbalik sa office ay masigla si Berna at alam na alam ni Ellize ang dahilan.
“Mukhang masaya si Mamsh Berna ah,” bati ni Bea.
“Oo nga sa lahat nga ng nanlibre siya itong masaya kahit na siya ang gumastos,” makahulugang sagot ni Ellize.
“Ay ang daya bakit kayo lang bakit hindi kami kasali?” biro ni Bea.
“Ay kulang ang anda saka isa pa nilibre na kayo ng jowa ni Ellize kanina ng pakabonggang tanghalian kaya tama na yun masama yung madalas malibre baka masanay,” biro ni Berna.
Natawa naman si Ellize sa naging sagot nito kay Bea habang kakamot kamot naman ng ulo si Bea sa hirit ni Berna.
Pagsulyap ni Ellize sa orasan na nasa dingding ay nakita niya na mayroon pa siyang isang oras bago ang usapan nila ni Martin kaya’t nagpaalam siya kay Bea na babalik sa kanyang mesa para magtrabaho. Pagupo sa kanyang computer ay nagsimula na siyang mag research tungkol sa transgender kung saan unang nagkaroon ng record nito hanggang sa makakuha siya ng datos saang bansa may pinakamataas na record nito.
“Sissy ano na naman yang ginagawa mo?” tanong ni Berna ng matanaw siyang nakatutok sa computer.
“Nagbabasa lang ako tungkol sa transgender sissy,” sagot ni Ellize.
“Ay wow ikaw na talaga ang babaeng walang pahinga sige nga ano na ang details na nakuha mo?” tanong naman ni Berna.
“Well ang nakuha ko pa lang naman ay kung saan unang nakapagtala ng nag undergo ng medical procedure o yung tinatawag nga na transgender saka saang bansa may pinakamaraming bilang na nag undergo nito,” sagot ni Ellize.
“Anyone in mind na naiisip mo na pwedeng maimbitahan sa show mo next week?” tanong ni Berna.
“Wala pa akong naiisip eh how about you sissy do you have someone in mind?” tanong ni Ellize.
“Actually I have someone in mind na kanina pa lang na nag uusap tayo sa coffee shop but I am not sure kung willing ba siyang i-reveal sa public na isa siyang transgender,” sagot ni Berna.
“We will never know unless we try to ask,” hamon ni Ellize.
Nagkibit balikat si Berna, “let me think about it and I’ll try to ask him kung willing siya and once na sumagot I’ll text you,” nakangiting sagot ni Berna.
“Kilala ko ba sissy na curious naman ako ng bongga?”tanong ni Ellize.
“Yeah kilala mo pero since he is a dear friend at nag promise ako na top secret yon hindi ko muna i-reveal sayo unless napapayag ko na siya okay,” sagot ni Berna.
“Okay,” tanging naisagot ni Ellize na muling ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
Sampung minuto bago mag alas singko ay nakatanggap na ng tawag si Ellize na nasa harap na ng studio si Martin at tinatanong kung papasok pa siya sa opisina or hihintayin lang sa labas si Ellize.
“Pababa na ako sweetie just give me five minutes para makapag out ako and I’ll be there,” sagot ni Ellize sa tawag ni Martin.
Pagbaba nito ay diretso sa sasakyang nag hihintay pinagbuksan naman siya ng driver para makasakay sa sasakyan ni Martin at pinaandar na nito ang kotse patungo sa Japanese Restaurant na madalas nilang kainan ni Martin.
“Sweetie ano ba ang aayusin mo sa Macau bakit parang ang tagal naman yata dati ay two to three days lang nakabalik ka na bakit ngayon ay one week at possible pa na maextend,” tanong ni Ellize.
“I need to meet new investors para sa bagong project I am planning to expand my export/import business sa Macau at iyon sa mga kalapit pang bansa nito pero inuna ko muna doon as center at pinakamagandang location among sa mga bansang target kong mapasok,” paliwanag ni Martin.
“Baka naman mawalan ka na ng oras sa akin dami ng kailangan mong i-momonitor mo na negosyo,” biro ni Ellize.
“That will never happen kaya nga inaalok na kitang mag pakasal para mas madalas na magkasama na tayo at matulungan mo akong mag manage ng business natin,” sagot ni Martin.
“Alam mo naman na first love ko ang trabaho ko at masaya ako sa ginagawa ko and I’m asking you to give me atleast three years para i-enjoy ang buhay as news caster and anchor then after that ay magiging full pledge Mrs. Evangelista na ako,” sagot ni Ellize.
“Okay wala na akong sinabi kapag talaga ikaw ang kadebate ko ay lagi na lang akong talo,” sagot ni Martin na itinaas pa ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.
Bahagya naman kinurot ni Ellize ang tagiliran nito na tila nagustuhan ni Martin sa halip na iiwas ang katawan ay hinuli nito ang kamay ni Ellize at saka niyakap ng mahigpit.
“How I wish we can be like this forever at kapag Mrs. Evangelista ka na wala kang ibang gagawin kung hindi yakapin at mahalin ako araw araw,” bulong nito sa tenga ni Ellize na ikinakilig naman ng dalaga.