Proud Boyfriend

3109 Words
Chapter 8 A week after ng simulation ay nakatanggap ng letter ang tatlong sumalang sa simulation pero iisa lang sa kanila ang mapalad na nakatanggap ng sulat na may positibong balita at iyon ay walang iba kung hindi si Maria Ellize V. Nunez. “My God sister hindi pa rin ako makapaniwala na kinabog mo ang mga senior sa loob,” hindi mapigilang komento ni Bea na kasama ding field reporter ni Ellize. “Ako din sister hindi ko pa rin mapaniwalaan na ako ang napili dahil alam kong mahusay din sila at may experience na pagdating sa hosting,” sagot ni Ellize. “Well kagaya ng sinabi sayo ni Stephen there something in you na na wala sa kanila at maybe iyon ang nagbigay sayo ng edge to win their votes pero sister sana makasama ka pa rin namin sa ibang pagkakataon o malay mo kami pala ang magiging field reporter mo kung sakali,” komento ni Bea na hindi pa man ay nalulungkot na. “Gusto ko nga sana na kayo pa rin ang grupo na kasama ko kaya lang kung yung program na ilalaunch ay more on face to face interview sa mga guests palagay ko malabo ang pangarap natin unless you also work with me sa loob as camera man si Kuya Stephen at scriptwriter ka naman sa loob,” paliwanag ni Ellize. “That’s how her journey as Dare to Say the Truth started,” pagtatapos ni Martin sa kanyang kwento. “Kaiba talaga ang talent ng aking frenny Ellize no doubt bakit napakadedicated niya sa trabaho dahil hindi pala ganoon kadali ang pinagdaanan niya bago narating ang posisyon niya ngayon and I heard hindi lahat ng mga nauna niyang kasama sa programa ay tanggap siya agad that’s why she said very thankful siya na isang baguhan ding kagaya ko ang nakatrabaho niya na walang prejudgement sa kanya,” komento ni Berna na hindi namalayan ang papalapit na si Ellize. “Late na ba ko my dear Berna?” bungad nito na hindi alam na naroon sa opisina ni berna ang kanyang nobyo at naghihintay sa pagdating niya. Napalingon naman si Berna sa gawing pintuan ng opisina niya kung saan nagmumula ang boses ni Ellize at kitang kita niya ang pagkakgulat nito ng makitang naroon at nakaupo ang nobyo. “Hey sweetie what are you doing here?” gulat na tanong nito pagkakita kay Martin. “I just want to suprise you and see how busy you are with these wonderful people around you,” masuyong sagot nito sabay tayo at halik sa pisngi ng nobya. “You suprised me really! At ngayon pa talaga ako nalate kung kailan ka nanupresa,” nahihiyang sagot ni Ellize. “Naku sister baka maniwala si Martin na late ka hindi siya late masyado lang siyang nasanay na thirty minutes before yung oras niya ay nandito na siya sa station and as you can see mayroon pa siyang fifteen minutes bago ang call time niya,” kontra ni Berna sa statement ni Ellize. “I know ganyan talaga siya alam mo ba Berna na the first time na nalate ako ng one minute lang naman sa usapan namin noong may schedule ako ng interview with her nalate ako ng one minute and you know what happened? Hindi ko na siya inabutan sa meeting place and I received a message saying you must know how to respect time because people around you are trying their best to use it to the fullest,” hindi napigilang kwento ni Martin. “So what happen kung hindi pala maganda ang first encounter ninyo?” tanong ni Berna na lalong nacurious sa love story ni Ellize. “Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil first time akong napagsalitaan ng ganoon kahit na nga sa message lang ay pahiyang pahiya ang pakiramdam ko gusto ko na sanang magretrack ng interview but I realized her point kaya sa halip na makipagmataasan ako ay humingi ako ng dispensa sa kanya,” dagdag na kwento ni Martin. “Madali mo naman yatang napalambot ang matigas niyang puso eh,” komento ni Berna. “Actually hindi, tinatawagan ko siya noon pero hindi na sumagot hanggang sa personal ko siyang pinuntahan sa studio kung saan siya nagrereport para personal na himingi ng dispensa and it takes a few days pa bago ko naramdaman na napatawad niya ako kaya nung nagreschedule ng interview I’ll make sure na andoon ako sa location fifteen minutes bago ang official time ng usapan namin,” natatawang kwento ni Martin. “Sweetie ha masyado mo naman akong binibisto baka mamaya isipin ni Berna na napaka bad ko,” malambing na sagot ni Ellize sa nobya sabay kawit sa beywang nito. Hinalikan naman sa ulo ni Martin ang nobya sa naging gesture nito sa kanya. “I’m just proud lang na ipaalam sa kanya na you’re such a great influence for me to become a better and responsible person siyempre hindi madali yun sa isang kagaya ko na sanay lang at napapalibutan ng mga tauhan na puro yes amen ang alam isagot sa akin,” paliwanag ni Martin. “Naku ha parang gusto ko naman ng humanap ng inspirasyon masyado naman akong naiinggit sa pagmamahalan ninyong dalawa,” hindi napigilang sabihin ni Berna. “Maiba ako, I know hindi mo ako basta bibisitahin ng walang kang mahalagang sasbihin right?” what is it?” tanong ni Ellize. “Wala na talaga akong maipagkakaila sa future Mrs. Evangelista ko Berna kabisado na talaga ang galaw ko,” sagot ni Martin. “You mean may dahilan talaga bakit ka nandito at binisita si frenny?” tanong ni Berna. “Actually yes, I am about to leave tomorrow papuntang Macau and It will take a week or a couple of weeks bago ako makabalik depende sa inaayos kong negosyo and ayoko naman na sa phone lang ako magpapaalam sa aking sweetie that’s why personal na akong pumunta dito,” sagot ni Martin. “See, I told you alam na alam ko na na may iba ka pang dahilan kaya ka nagsuprise visit sa akin,” malungkot na sagot ni Ellize. “Don’t be sad sweetie you can come with me if you want just say yes at right now ay ipapaayos ko ang ticket mo,” sagot nito sabay hapit sa kanya palapit sa dibdib nito. Langhap na langhap ni Ellize ang mabangong katawan ni Martin sa pagkakadaiti niya sa dibdib nito tila gusto niyang kayapin ito ng oras na iyon at halikan pero siyempre hindi niya iyon gagawin tama na ang mga simpleng yakap at halik dito. “Para namang pwede ang gusto niya,” himutok ni Ellize. “Bakit naman hindi if you want I can call Miss Jinkee or Miss Charina para mabigyan ka ng vacation so you can come with me,” alok ni Martin. Nag isip si Ellize napatingin siya dito matapos ay kay Berna na noon ay naghihintay rin ng sagot niya. “Sweetie next time na lang siguro nakakahiya na bigla ko na lang tutuwaran ang management pati na ang mga kasamahan ko,” sagot ni Ellize. Nakahinga naman ng maluwag si Berna ng marinig ang sagot niya. Nag iisip na kasi ito kung sino ang posibleng papalit sakaling i-grab ni Ellize ang offer ni Martin mabuti na lang at hindi ito nagpabigla bigla ng desisyon. “Final answer na ba yan sweetie?” tanong ni Martin. “Yes sweetie next time na lang siguro kapag naiplano natin ng mas maaga makakapag paalam din ako ng maayos kung sakali sa management,” sagot ni Ellize. “Don’t worry it will be a week lang siguro at makakabalik na ako I’ll make sure na tatawagan kita everyday kaya parang nasa paligid lang ako,” sagot ni Martin. “Hay frenny bukod kang pinagpala sa babaeng lahat napakagwapo na napaksweet pa ng iyong sweetie sana makatagpo rin ako ng katulad niya,” hindi napigilang wika ni Berna. Natawa naman ang magnobyo sa actuation ni Berna na akala mo tunay na babae na naghahangad ng tapat na kasintahan. “Bu the way nagpadeliver ako ng pagkain para sa inyo ng team and later I’ll pick you up sana after duty mo for us to have dinner nagpareserve na ako sa favorite restaurant mo,” paalala ni Martin kay Ellize. “Naku nag abala ka pa, hindi ba nakakahiya naman?” sagot ni Ellize. “Ano ka ba sila ang kapamilya mo dito that’s why kpamilya ko na rin sila, so paano hindi an ako magtatagal at alam ko na maabala kita kapag dito ako nag stay babalik na lang ako ng five o’clock para sa early dinner natin,” paalam ni Martin. “Sure, see you later sweetie ingat ka,” tugon ni Ellize sabay halik sa pisngi nito. “Miss Berna huwag mong masyadong pagurin ang sweetie ko ha bahala ka na sa kanya,” nakangiting bilin nito bago tuluyang tumayo at lumabas na ng kwarto. Nang masiguro ni Berna na nakaalis na si Martin ay si Ellize naman ang hinarap nito. “Frenny napakaswerte mo talaga pero mamaya na tayo magchikahan in ten minutes ay sasalang ka na so be ready at i-check ko lang ung set up sa labas kung ayos na ha andiyan na rin daw yung guest mo today nasa kwarto lang at inaayos ng konti ang make-up para maganda ang pasok sa camera,” bilin ni Berna. “Okay sissy,” sagot ni Ellize sabay tingin sa salamin para suriin kung may kailangan siyang i-retouch. Pumailanglang na ang tunog ng station id ng Dare to say The Truth at ilang commercial pa ang pumailanlang bago nagsimula ang programa. “Good morning everyone you are now watching Dare to Say the Truth kung saan we will unveil the darkest secret and we will let the truth be known and today makakasama natin ang isa sa pinagpipitagan sa mundo ng showbiz and today as we celebrate the Mother’s Day episode alamin natin ang journey ng isang single mother with especial child and how she handle the challenges na kasama sa pagpapalaki ng kanyang anak so let us all welcome Miss Audrey Terrencio!” Hudyat ni Ellize sabay palakpak para i-welcome ng studio audience ang kanyang guest sa umagang iyon. “Thank you so much Miss Ellize I am so glad to be here at mapili ninyo as one of your guest sa napaka popular na Dare to Say The Truth,” sagot ni Audrey. “We are also thankful na napaunlakan mo ang inbitasyon namin para sa episode na ito at willing na mag share ng journey mo as a woman and as a mother sa iyong anak na as you said ay mayroong special needs, so huwag na natin pakatagalin at alam kong excited na rin ang ating mga manonood to here your story so how it started yung lovelife mo and bakit nauwi sa hiwalayan in the first place,” unang banat ni Ellize. “Alam mo Miss Ellize may katigasan kasi ang ulo ko talaga na most of the time kapag ginusto ko gagawin ko ang lahat para makuha ko at yun and hindi nakaligtas doon ang love story ko I have this guy na sobrang nagustuhan pero hindi niya ako type pero sabi nga hindi kayang tumanggap ng rejection ng ate mo kaya baligtad instead na siya ang nanligaw ako ang nanligaw sa kanya,” pakwelang kwento ni Audrey. “Really how did you do it? Paano ba manligaw ang isang Audrey?” tanong ni Ellize. “Sabi nila the best way to a man’s heart is through his stomach kaya mega luto ang ate mo at lagi akong naggigibsung ng lafang sa kanya and feeling ko naman ay nasarapan niya ang luto ko kaya ang next noon ay inimbita ko siya to go out nung una ayaw ayaw pa kasi nga alam ko may iba siyang nagugustuhan but since sabi ko nga makulit ako kaya ayun napaoo ko rin siya sa huli hanggang sa may nangyari sa amin one time na naparami ang inom namin at doon nabuo si Angelo,” dagdag ni Audrey. “So kumusta kayo after you found out na buntis ka?” tanong ni Ellize. “I thought once na mabuntis ako I can win his heart pero mali pala ako Miss Ellize mas naging mainitin ang ulo niya at laging lasing umuwi hindi na rin nagtrabaho tulog,kain inom ang naging routine niya habang ako naman kahit malaki na ang tiyan ay tuloy ang kayod lalo na at malapit na akong manganak, then one month na lang at manganganak na ako kinausap niya ako saying na hindi talaga niya ako kayang pakisamahan for life and he want his freedom hindi ako nakakibo kasi parang sasabog ang dibdib ko sa sama ng loob na after all sa hiwalayan din pala magtatapos ang kwento namin and that morning hindi ko na siya nakita sa bahay umalis na siya and until now wala na akong balita,” malungkot na kwento ni Audrey. “I’m sorry to here that so now that you found out na wala na talaga at umalis na si Lover Boy how’s your life paano ka in a month sabi mo ay you are about to give birth,” tanong muli ni Ellize. “Life must go on umiyak ako after finding out na wala na talaga siya but after that nagpakatatag ako para sa anak ko mahirap pero kinaya naman not until nanganak na ako at nadetect na may especial need ang aking anak, doon ako parang sasabog Miss Ellize ung struggle kung paano i-handle yung ganoong sitwasyon ng mag isa bukod pa sa financial need na kailangan kong akuin mag isa at pagpapagamot sa kanya para kahit na ganoon ang status ni Angelo ko ay maranasan niya ang normal na buhay,” naiiyak na kwento ni Audrey. “Can you share with us the most painful experience na naramdaman as a mother and how you handle it,” tanong ni Ellize. “Alam mo Miss Ellize ung rejection ng tatay ni Angelo isang araw ko lang iniyakan okay na ako pero iba pala kapag anak mo na yung involve doble yung sakit paulit ulit na kung pwede lang na ikaw ang sumalo ng lahat ng sakit na nararamdaman nila mula sa mga taong nakapaligid na instead na maunawaan na mayroon silang especial needs ay maririnig mong tatawaging abnoy, mongoloid ang anak mo napakasakit Miss Audrey and minsan gusto ko na talaga silang patulan,”malungkot na kwento ni Audrey. “Tama ka Miss Audrey yan yung nakakalungkot na scenario sa buhay ng mga taong may especial needs hindi naman lahat pero may ilan na sa halip na maging mas maunawain ginagawa pa nilang katawa tawa ung mga alam nilang may kakulangan sa pag iisip and sana sa pagkakataong ito na naririnig ka ng mga taong iyon ay magkaroon sila ng realization how lucky they are na normal ang pag iisip at maiwasan na nila ang gawing katawa tawa ang mga tao na may especial need like your son,” komento ni Ellize. “So now kumusta ka at kumusta si Angelo how old is he now? Nakaenrol ba siya now sa regular school,” tanong muli ni Ellize. “Angelo is already ten years old but his mental age ay nagre-range lang sa edad ng two to three years old at first siyempre nasa denial stage pa ako believing na he can have a normal life kasama ng mga normal na bata at his age so I enrol him sa public school but since may especial needs nga siya hindi talaga siya nakakasunod sa mga lesson at nagiging tampulan pa ng tukso that’s why nung kinausap ako ng teacher niya at sinabi ang sitwasyon ni Angelo naghanap kami ng school na pwede ko siyang ipasok,” sagot ni Audrey. Matamang nakikinig si Ellize at hinayaang magpatuloy sa kwento niya si Audrey. “Isang school yun ng mga bata na talagang ina-address ang mga bata na may especial need at siyempre isa itong private school kailangan ko talagang magtrabaho to sustain his medication pati na ang pag-aaral niya and thankful naman ako na sumasapat ang kinikita ko sa mga raket sa mga gastusin naming mag-ina,” detalye ni Audrey. “How about his father talaga bang hindi na nagparamdam after na umalis that was ten years ago right?” tanong ni Ellize. “Hindi na Miss Ellize and one time habang papasok ako sa work accidentally nakita ko siya lalapitan ko sana kaso natanaw ko may lumapit ng babae na mukhang misis niya at buntis kaya hinayaan ko na lang tutal naisip ko hindi naman kami pianpabayaan ng Diyos sa mga pangangailangan namin and I am very thankful Miss Ellize na sa kabila ng marami pa naming pinagdadaanang medication ng aking anak ay tuloy tuloy ang blessings at projects na natatanggap ko and right now we are enjoying doing videos para sa aming vlog na so far ay mayroon ng one million followers and subscribers kung saan madalas naming i-feature ang day to day journey namin ako as single mom at si Angelo as someone who have a especial needs,” sagot ni Audrey. “That’s good and I hope na yung mga videos ninyo na napapanood for sure ng maraming tao ay maging wake up call sa kanila to treat them better na kaya nilang mamuhay just like an ordinary child of his age so its your chance Miss Audrey to promote your page,” hudyat ni Ellize. “Thank you Miss Ellize, I am inviting everyone to please do watch,like and subscribe our channel Angelo My Little Angel at Chubie Channel ngayon palang po ay nagpapasalamat na ako sa inyo, thank you and God Bless po,” sagot ni Audrey. “That you so much Miss Audrey you are such an insoiration to us yung journey mo as a woman and as a mother ay hindi madali pero nakikita namin sayo kung kaano ka kadeterminado to fight for Angelo and win this battle against descrimination para sa mga batang may especial needs I admire so much I hope, happy Mother’s Day Miss Audrey,” puri ni Ellize dito sabay yakap. “Thank you so much Miss Ellize,” tugon nito. Matapos ay iniabot dito ni Ellize ang bouquet ng bulaklak bilang pasasalamat. “Isa na naman pong inspiring story ang napanood natin and I hope na hindi lang tayo nag enjoy kung hindi kinapulutan din natin ng aral ang buhay ni Miss Audrey thank you and see with next week,” paalam ni Ellize na siyang hudyat na tapos na ang episode ng araw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD