Chapter 7
Bulung bulungan sa CAV’s TV ang mga bagong programa na ieere kasama na ang ilang teleserye na pinagbibidahan ng mga sikat na artista ngunit isa sa bagong segment na pinag uusapan ng mga news anchor at reporters ay ang Dare to Say the Truth. Bawat isa sa mga datihan at mga senior reporters ay umaasam na mabibigyan sila ng break para humawak ng naturang programa sa telebisyon.
“I have three candidates to fill the position para sa Dare to Say the Truth Program and I am suggesting to this group na bigyan natin sila ng simulation how they will handle the question and answer sa kanilang guest on their own para makita natin paano nila mamamanage ang takbo ng usapan given na nangyayari talaga na ang flow ng interview ay nalilihis depende sa sagot ng guest at paano nila mahandle ang situation ng maayos,” suhestiyon ng Chief Officer Content ng CAV’s TV na si Charina Ocampo.
“I agree with the idea mas makikita natin kung sino sa kanila ang mahusay mag handle ng mga critical scenario lalo na at live na eere ang Dare to Say the Truth what do you think?” tanong ng Board of Director na si Jinkee Ong.
Bawat pinuno ng limang pangunahing departamento ng CAV’s TV ay sumang ayon sa suhestiyon ni Charina Ocampo kaya’t napagkasunduan din sa meeting na iyon na sa susunod na linggo ay iimbitahan ang tatlong empleyado para sa simulation ng may magkakasunod lamang na oras para makita nila ang pinakadeserving na maging host ng bagong programa.
Umugong ang pangalan ni Sophia Mier Zaragosa ang editorial writer sa sports ng CAV’s TV at si Kenzi Madrigal na isa ng news anchor ng station ngunit hindi pa nabibigyan ng sariling programa. Bukod sa kanilang dalawa ay wala ng maisip ang mga kasama nila kung sino ang pangatlong option ng management kaya’t maging ang ordinaryong staff ay nakaabang kung sino ang bubuo sa tatlong pinagpipilian ng management.
Dumating ang araw na pinakahihintay ng mga empleyado ng CAV’s TV at hindi maiwasan ang magbulungan ng malaman na si Maria Ellize V. Nunez ang kasama sa pinagpipilian na mag host para sa bagong programa ng tv station.
“Sino ba yung Maria Ellize Nunez na yun mukhang malakas sa pamahalaan imagine isang field reporter ang makakatunggali ng tahirang news anchor at editor?” komento ng isa sa mga empleyado ng News Department.
“Parang narinig ko na ang pangalan ng Ellize na yun at talagang gumagawa daw ng sariling pangalan bukod sa maganda at matapang walang sinisino sa mga iniinterview at kahit ang mga mapangahas na tanong ay hindi nito kinakatakutang ibato sa kausap,” sagot naman ng isang reporter.
“Puwes labanan pala ito ng best of the best abangan na lang natin ang susunod na kabanata basta ako kay Papa Kenzi ako,” paingos na sagot ng reporter mula sa sa News Department.
Naiiling naman na pinagmasdan lang siya ng mga kausap sa naging aktuwasyon saka bumulong, “matagal na niya kasing crush si Sir Kenzi kaya doon talaga ang boto niya kahit panay lang ang pacute sa tv,” bulong ng naiwang kausap.
Unang sumalang sa simulation si Kenzi Madrigal at binigyan siya ng scenario kung saan siya ang mag iisip ng dapat at nais niyang itanong sa kanyang guest.
“Okay Mr. Kenzi Madrigal you have fifteen minutes to outline your questions para sa simulation and here’s the scenario. You are going to conduct a live interview sa isang sikat na actress na napapabalitang nag undergo ng plastic surgery para sa enhancement ng kanyang ilong at dibdib at nagkataong na isa sa pinagpipilian para gumanap ng lead role sa pelikulang Wonder Hero at kasalukuyang binabash dahil hindi daw natural ang gandang taglay nito kaya hindi pa makapagdecide ang producer kung sa kanya ba ibibigay ang project dahil nag aalala na possible na i-boycott ang movie kung umpisa palang ay inaayawan na siya ng tao and the producer will decide once na matapos ang interview sayo ni Miss for they believe na maassess nila ang acceptance ng tao sa feedback ng interview mo. So it’s up to you how would you handle the interview. Remember you have fifteen minutes to outline your questions and fifteen minutes for actual simulation,” paliwanag ni Miss Charina kay Kenzi.
Butil butil ang pawis ni Kenzi dahil akala niya ay basta na lang niya babasahin ang tanong na ipupukol sa aarteng guest sa simulation na iyon kaya’t puro projection sa camera ang pinaraktis niya ngayon ay hirap siyang magapuhap ng pwedeng itanong dahil parang ayaw gumana ng utak niya. Pagsulyap niya sa orasan ay nakita niyang limang minuto na ang nakakalipas ngunit wala pasiyang matinong tanong na naisusulat hanggang sa naisip niya na magsulat ng basic questions na usually ay tinatanong niya kapag nasa group interview sila sa morning news segment ng istasyon.
“Okay in two minutes we will proceed to actual simulation,” paalala ni Miss Charina na nanonood sa labas kasama ng Board of Director at iba pang opisyal ng kumpanya.
Parang totoong inteview ang magaganap dahil naroon din ang camera man na kukukuha ng ng video para sa gagawing interview pati na ang staff at scriptwriter ay abala sa pagtugon sa gawain nila habang umeere ang interview at pinapanood naman ng mga bossing sa likod ng salamin.
Ilang minuto pa ay narinig na ni Kenzi ang hudyat mula kay Miss Charina para simulan ang interview kay Miss Deseree kaya’t wala siyang nagawa kung hindi ipunin ang natitirang lakas ng loob at humarap sa camera para sa simulation.
“Magandang umaga Pilipinas and you are watching Dare to Say the truth at ngayon ay makakasama natin ang isa sa pinakahinahangan sa showbiz industry walang iba kung hindi si Miss Deseree Illustre, palakpakan natin siya,” simula ni Kenzi.
“Good morning Kenzi and good morning po sa lahat ng nanonood sa Dare to Say the Truth,” bati ni Miss Deseree.
“Miss Deseree kwentuhan mo naman kami how your journey starts at paano ka napasok sa pag aartista?” tanong ni Kenzi.
“Bata pa lang ako ay talagang pangarap ko ng mag artista kaya nung may nakakita sa aking talent scout at alukin ako ay hindi na ako nagdalawang isip na pumayag kahit na tutol na tutol ang parents ko sa naging desisyon ko,” sagot ni Deseree.
“You mean tutol ang parents mo na maging artista bakit naman daw?” tanong ni Kenzi.
“Katulad ng mga karaniwang dahilan ng magulang na magulo daw ang showbiz at mapapabayaan ko ang pag aaral ko once na pumasok ako sa pag aartista,” sagot ni Deseree.
“So how are you now at ang relasyon mo sa kanila okay na ba kayo? tanong ni Kenzi.
“I’m still working na maunawaan nila na masaya ako sa pinasok ko and in time alam ko na matatanggap din nila ang desisyon ko,” sagot ni Deseree.
“Nakakalungkot naman na hindi pa rin pala tanggap ng parents mo how about your study are you still studying or nakagraduate ka na?” tanong ni Kenzi.
“Nag stop muna ako sa ngayon Kuya Kenzi medyo mahirap talagang pagsabayin yung work at study pero I am planning to continue maybe next semester,” sagot ni Deseree.
“I guess that is one of the reasons bakit hindi pa rin okay with your parents na mag artista ka since nadelay na ang study mo na sana ay gusto nilang maiprioritize mo,” komento ni Kenzi.
Sa likod ng salamin ay iiling iling si Jinkee Ong sa naging takbo ng interview dahil malinaw naman ang content bakit sasalang sa interview si Miss Deseree at mukhang hindi doon naianggulo ni Kenzi ang takbo ng usapan. Alam naman niya kaya lamang nananatili sa posisyon si Kenzi ay dahil sa looks nito at pagiging malapit niyang kamag anak.
Maya maya pa ay tumunog ang bell sign na tapos na ang oras na nakalaan para kay Kenzi.
“”Okay Mister Kenzi Madrigal thank you so much sa iyong participation and once na we are done with the decision ay padadalan ka ng letter informing the result,” bilin ni Miss Charina bago tuluyang lumabas si Kenzi Madrigal sa simulationroom.
Kasunod na sumalang si Sophia Mier Zaragoza at katulad ng naunang sistema ipinaliwanag ni Miss Charina ang magaganap mula sa paggawa nito ng outline ng tanong hanggang sa oras na nakalaan para sa simulation.
“Are you ready Miss Zaragoza?” tanong ni Miss Charina.
“Yes Madam I am ready,” confident na sagot nito.
Nagsimula na ang oras nito at tahimik na gumawa ng sariling script. Kitang kita ang determinasyon kay Sophia na walang sinayang na oras at tuloy tuloy ang pagsusulat ng mga tanong na ibabato sa kausap once na magsimula ang simulation.
Kitang kita na punong puno ang card na dapat sana ay sulatan lang ng outline ng tanong. Ilang tunog na ng buzzer ay hindi pa rin ito maawat sa pagsulat.
“Miss Saragoza your time is up para sa outlining ng questions,” hindi na napigil ni Miss Charina na magsalita dahil ayaw pa ring paawat sa pagsulat ni Sophia.
Doon lang natigil sa pagsulat si Sophia ng marinig na ang boses ni Miss Charina.
“The actual simulation will now begin,” wika ni Miss Charina.
“Okay in one....two.... three action,” hudyat ng floor director.
“Hello World naririto na naman po tayo para saksihan ang mga kaganapan sa mundo ng showbiz at ngayon ay makakapanayam natin si Miss Deseree ang napakakontrobesyal na artista sa panahon ngayon at ano pa ang hinihintay natin palakpan natin ang napakasexy, napakaganda at fresh na fresh na si Miss Deseree Illustre!” simula ni Sophia.
“Thank you Miss Zaragoza I am glad to be here at mabigyan ng pagkakataong mainterview,” sagot ni Miss Deseree.
“Masaya rin kami na kasama ka today and we heard na may possibility na ikaw ang gumanap sa lead role ng Wonder Hero, is it true?” tanong ni Sophia.
“Well I can’t give an answer to that una wala pa namang kumakausap sa manager ko, pangalawa I’m still busy with my on going project,” sagot ni Deseree.
“What project ba are you in? kwentuhan mo naman kami,” tanong ni Sophia.
“Kasama pa rin ako sa on going teleserye ng Isa Lang Ang Asawa Ko at baka mga kalagitnaan pa ng taon matapos,” sagot ni Deseree.
“Ano ba ang role mo sa teleseryeng Akin Lang Ang Asawa Ko and how it help sa career mo bilang artista?” tanong ni Sophia.
“I play the role of mistress and that role helps me a lot lalo na sa pagiging kontrabida at maldita,” sagot ni Deseree.
“Sa palagay mo saan ka mas madadalian pagiging kontrabida o bida?” tanong muli ni Sophia.
“Madali lang kasi sa akin ang magmaldita feeling ko nga parang it runs with the blood pero challenging din naman sa akin kung sakali na mabigyan ng lead role at kung mabigyan man ay sisiguraduhin ko na paghuhusayan kong gampanan ang ipinagkatiwala nila sa aking proyekto.
Naiinip na ang panel sa nagiging daloy ng interview at hindi pa nila marinig na nakapagbato na ito ng tanong na related sa surgery na pinagawa nito. Mabuti na lang at dalawang minuto bago matapos ang interview ay napahapyawan nito na maitanong.
Matapos na masabi kay Sophia ang prosesong gagawin at mabanggit na ipapaaalam na lang sa kanila ang resulta thru letter ay humingi muna ng ten minutes na break ang Presidente at Board of Director na si Jinkee Ong.
“Are you sure Miss Charina those two are your best assets? I doubt it baka pati yung huling sasalang ay iisa ang karakas mabuti pa na i-hold na lang muna ang bagong programa abay pagtatawanan lang tayo ng ibang tv station kapag ganyang klase ang maghandle ng programa,” diretsahang komento ni Jinkee Ong.
“Since andito naman na tayong lahat let us give her a chance to be heard we will never know what’s on the other side of the river kung hindi natin pupuntahan the same thing goes with this one pakinggan natin siya Ma’am Jinkee and then saka tayo magdecide kapag natapos siya.
“Okay be it,” suyang sagot ni Jinkee Ong na bumalik na sa kinauupuan.
Pumasok na si Ellize sa simulation room at kahit na kumakabog ang dibdib sa nerbiyos ay ipnilit niyang unawain ang binibigay na instruction ni Miss Charina.
“You have fifteen minutes to outline your questions sa senaryong binigay ko then another fifteen minutes for actual simulation so good luck galingan mo I know you can do it,” pagpapalakas ng loob sa kanya ni Miss Charina sabay pisil sa kanyang kamay.
Tila nadagdagan naman ang lakas ng loob ni Elliz sa gesture ni Miss Charina sa kanya kaya’t kalmado na siyang nagsimulang magsulat ng mga tanong na ibabato niya sa guest.
Makalipas ang labing limang minuto ay humudyat na si Miss Charina para simulan ang simulation.
“Good evening everyone you are now watching Dare to Say the Truth kung saan we will unveil the darkest secret and we will let the truth be known kaya’t samahan ninyo ako ngayong gabi sa isa na namang kapana panabik na edisyon kasama ang nag iisang Diyosa ng Kagandahan walang iba kung hindi si Miss Deseree Illurtre!” simula ni Ellize na punong puno ng energy.
Pagkarinig sa entrada ni Ellize ay bigla napaupo ng maayos si Jinkee Ong at matamang nakinig sa susunod tanong na ipupukol ni Ellize.
“Okay Miss Deseree I will not ask questions na alam ko naman na na research na ng mga fans at viewers mo ha, I will go straight to the point dahil alam kong ito rin ang mga tanong na pinakakaabangan ng mga tao,” paalala ni Ellize.
Alanganin naman ang naging ngiti ni Miss Deseree nahalatang kinabahan sa pagiging prangka ni Ellize.
“According to reliable source isa ka sa possible na pinagpipilian para sa lead role ng Wonder Hero but still, the producer is undecided for the very reason na kumakalat sa social media na ang ganda raw na taglay mo ay produkto ng siyensya will you confirm it or deny it?” diretsahang tanong ni Ellize.
“Well Miss Ellize I will not deny na nag undergo ko ng enhancement sa aking katawan dahil bilang artista naniniwala ako na isa sa puhunan ko ang magkaroon ng maayos na itsura at hindi naman porket nagparetoke ako ay naabawasan na ang kakayanan ko sa pag arte still ako pa rin ang Deseree na nakilala nila may nagbago man sa akin iyon siguro ay mas gumanda lang ako sa paningin nila,” sagot ni Miss Deseree na ikinangiti ni Ellize.
“I love the spirit Miss Deseree yung tipong between life and death ka tapos nagawa mo pang mag joke but seriously speaking I myself I don’t see anything wrong sa body enhancement lalo na at wala ka naman inaapakang tao at sa palagay mo ay makakatulong ito na mas maging confident ka sa trabahong gingawa mo then go for it di ba but since we can’t control how people will think or react with your decision it is your chance now to appeal para matanggap ka nila whole heartedly,” hudyat ni Ellize kay Miss Deseree.
“To be honest hindi po madali ang sumalang sa live interview na ito lalo na at ang tanong na ibabato sa akin at ang sagot na ibibigay ko ay hindi na mababago pero buong tapang ko pa ring sasagutin ng totoo ang tanong ni Miss Ellize dahil gusto kong maging totoo sa inyo at umaasa na matatanggap ninyo ang pagpapakatotoo kong walang inhibisyon, walang pagkukunwari at pagsisinungaling. Ako po si Miss Deseree Illustre umaasa na matatanggap ninyo sa kabila ng pagiging retokada ko ay buong pusong mag aalay ng talento at kakayanan sa larangan ng pag arte,” buong damdamin na sagot ni Miss Deseree.
“Thank you so much Miss Deseree and with this episode mukhang lahat tayo ay pinaalalahanan na nobody’s perfect and we all have flaws but the good thing is that we are able to recognize that flaws at handa nating gawin ang lahat para maitama iyon ang we salute Miss Deseree sa lakas ng loob na magpakatotoo sa harap natin lahat and I hope na you can give her a chance to show her talents dahil alam naman natin kung gaano siya kahusay sa larangan ng pag arte,” pagwawakas ni Ellize.
Hindi makapaniwala si Jinkee Ong sa naging daloy ng interview pakiramdam niya ay hindi isang simpleng simulation ang naganap dahil totoong totoo ang dating sa kanya ng interview.
“I think we can push the project Miss Charina,” nakangiting komento ni Jinkee Ong habang nakatitig sa mukha ni Ellize na noon ay nakikipagkamay kay Deseree Illustre.