Chapter 6
"Oh My God! tama ba ang nakikita ko? Si Martin Vera Evangelista ba ang papalapit?" hindi makapaniwalang tanong ni Berna sa kasamang camera man.
"Naku sir siya nga,"wala sa loob na sagot ng camera man.
"Imbiyerna ka ha nakasuper blouse ako at pa girl na pagirl tapos wagas na wagas ang pagkaka sir mo," nakairap na sagot ni Berna.
Hindi nakakibo ang camera man nawala sa loob niya na feeling babae nga pala ang kanilang editor in chief.
"Sorry po,"tanging nasabi ng camera man.
"Hello good morning,"nakangiting bati ni Martin kay Berna.
Para namang dalagang kilig na kilig ang itsura ni Berna na hindi magkandaugaga kung paano magpapacute sa kaharap.
"Hello good morning mukhang masisimulan ng maganda ang umaga namin dito sa studio ah kapag ganitong magagandang awra ang dumarating ay siguradong good vibes ang kasunod,"komento ni Berna.
"Ikaw talaga Miss Berna ha pinapasaya mo ang umaga ko, by the way I am looking for Ellize is she here na ba?" tanong ni Martin.
"Naku mukhang suprise ang pag punta mo ngayon dito ah, maya maya pa ang pasok nya mga thirty minutes pa siguro at andito na yun if you want you can wait inside," alok ni Berna.
Hindi naman tumanggi si Martin na sumunod na sa paglalakad ni Berna papasok sa receiving area ng studio.
"What do you want coffee?juice or tea?" alok muli ni Berna.
"Later na lang Miss Berna and I hope you can join us later nag padeliver ako ng almusal para sa lahat,"sagot ni Martin.
"Wow napakagenerous talaga ng boyfriend ngg aking sissy napakaswerte talaga nya sayo,"hindi napigilang masambit ni Berna.
"Maswerte rin ako kay Ellize she is an extra ordinary woman at alam mo ba na siya lang ang babaeng nagbigay ng sobrang challenge sa p*********i ko," komento ni Martin.
"Really masyadong malihim ang sister ko na yun napaka private ng lovelife never naikwento sa akin kung paano kayo nagkakilala, so tell me bakit ka nachallenge sa aking sissy?" excited na tanong ni Berna.
"Well siya lang ang kauna unahang babae na nagsuplada sa akin, that was two years ago.
“I was invited sa isang lecture para sa mga business management students at naroon siya as one of the field reporters then she boldly ask if I am willing to involve myself sa mga illegal transaction just to earn money," natatawang kwento ni Martin habang naaalala pa kung paano niya iyon sinagot.
"What a very bold question but don't worry I will definitely answer your question but let me know you name first," request ni Martin sa mapangahas na reporter.
"I'm Maria Ellize V. Nunez of field reporter of CAV's TV,"pakilala nito sa sarili.
"What a very lovely name,okay Miss Ellize you asked me if I am willing to involve myself in any illegal act just to make sure that I will gain profits well my answer will be a big NO why? simply because I trust myself more than anything else na I can be a successful one dahil in the first place inaaral ko muna ang lahat ng pros and cons sa lahat ng bagay na papasukin ko and sinisiguro ko na may nakaabang na akong solusyon sa mga posibleng magiging problema bago pa ito dumating and I believe effective naman ang strategies kong yun dahil continous naman ang growth ng aking assets at business not only here but also in other Asian countries," kumpiyansang sagot ni Martin.
“Aren’t you threaten sa mga kakumpitensya mo na willing to go beyond what is right matalo ka lang sa negosyo?” muling tanong ni Ellize.
“Definitely I’m not as I’ve said bago pa dumating ang alon ay napaghandaan ko kaya it will be hard for them na mapabagsak ako,” sagot ni Martin.
“Any important lesson you want to share sa mga students who dream to be like you someday?” tanong pa rin ni Ellize.
“Don’t stop dreaming and when you dream you must start working with it kahit na estudyante pa lang kayo, learn to foresee youself what you want to be in the next five or ten years and start working with it kahit na mahirap kahit na maraming balakid never stop believing na you can achieve it because once you give up no one will work for you to achieve what you dream of,” seryosong sagot ni Martin.
Palakpakan ang mga estudyante na hindi maitago ang paghanga habang ipinakikita ang mga larawan ng journey ni Martin mula sa buhay estudyante niya na nagbobote bakal para lang makapasok hanggang sa maging working student ito makatapos lang ng pag aaral hanggang sa pagsisimula nito ng buy and sell industry na naging daan para unti unti niyang maaral ang kalakaran ng pag iimport at export hanggang sa makapagtatag ng malaking kumpanya. Ang MV Evangelista Shipping Company.
Matapos ang open forum ay binigyan ng pagkakataon na magpakuha ng larawan ang mga mag aaral kay Martin habang ang mga field reporters naman ay abala sa pagkuha ng larawan at nag uunahan na makapanayam pa siya ngunit sa pagtataka ni Martin ay hindi niya natanawan na nakigulo pa sa kapwa reporters si Ellize.
Hinanap ng kanyang mata ang field reporter na si Ellize na tumanim sa kanyang isip ang pangalan bukod kasi sa angking ganda nito ay nabasa na agad niya na malakas ang personality nito at walang takot na magtanong sa kanya ng diretsahan. Natanawan niya ito na kausap at iniinterview ang isa sa mga student leaders ng paaralan at mas higit siyang humanga sa husay nito sapagkat alam nito kung paano lulutang sa iba ang balitang ikakarga niya karamihan kasi ay sa kanya nakatuon ang balitang ieere sa kanilang telebisyon at diyaryo samantalang si Ellize ay binigyang buhay ang impact ng symposium bilang mga mag-aaral na magsisimula pa lamang na pumasok sa mundo ng pagnenegosyo sa hinaharap.
Lihim niyang kinambatan ang isa sa kanyang tauhan at agad naman itong lumapit.
“I want you to get an info about that field reporter Maria Ellize V.Nunez and I want it on my table this evening,” pasimpleng bulong niya sa tauhan.
“Noted sir,” sagot ng tauhan.
Pagkatapos makipag usap ng tauhan ay mayroon na itong tinawagan na marahil ay siyang mag background sa iba pang detalye tungkol kay Ellize habang habang papalapit naman ito kay Ellize na noon ay abala sa pag iinterview sa mga estudyante.
“Excuse me Ma’am Ellize is it okay po ba kung mahingi namin ang contact number nyo at ng tv station ninyo sooner or later kasi ay balak sanang i-request ng company namin na mag advertise at mag feature ng mga bagong product and we are planning to do it with your tv station,” wika ng tauhan ni Martin ng magkaroon ng pagkakataong makausap si Elize.
“Sure no problem, here is my personal contact number at eto naman ang number ng tv station,” nakangiti si Ellize habang iniaabot ang papel kung saan niya isinulat ang detalye.
Magalang na nagpaalam ang tauhan ni Martin maya maya pa ay umalis na ang kanilang grupo sakay ng magarang sasakyan ni Martin para bumalik sa opisina nito habang naiwan pa ang ilang reporter na kinukumpleto ang report na kanilang ipapasa.
“Miss Ellize matagal ka pa ba diyan tayo na lang ang naiwan dito baka pwedeng sa istasyon mo na yan ituloy nagugutom na ko,” tanong ng camera man na si Stephen.
“Saglit na lang malapit na patapos na ako para editing na lang ako pagdating sa station just give me five minutes please,” sagot ni Ellize.
Tango na alng ang isinagot ni Stephen dahil alam niya na hindi rin niya mababaklas sa gingawa si Ellize sa ilang beses nilang pagsasama sa labas para kumalap ng balita ay alam niya na ganoon ito ka workaholic hindi tatayo sa ginagawa ng hindi tapos o kumpleto ang detalyeng nakuha. Nilibang na lang niya ang mga mata sa panonood ng mga estudyante na nagpaparoo’t parito sa kanyang harapan.
“Tayo na mukhang ikaw naman yata ang ayaw umalis ah,” biro ni Ellize ng hindi siya agad napansin ni Stephen na nakatayo na sa harapan nito.
Mabilis na napatayo si Stephen pagkarinig sa sinabi ni Ellize at binitbit ang dala nilang camera patungo sa sasakyan.
Nasa biyahe na sila pabalik ng tv station at nagkukwentuhan ng hindi mapigil ni Stephen ang magkomento.
“Alam mo Miss Ellize pakiramdam ko ay hindi tayo magtatagal na magkasama sa field,” wika ni Stephen.
“Bakit naman palagay mo ba matatanggal na ako? hindi ba nila nagustuhan ang mga nauna kong ipinasang balita?” nag aalalang tanong ni Ellize.
Napangiti naman si Stephen sa nakitang reaksyon ni Ellize saka sumagot.
“Siyempre naman hindi ka maalis masyado ka namang kabado nasobrahan ka ba sa kape?” biro ni Stephen.
“Kung hindi ako matatanggal eh bakit naman hindi tayo magkakasama ng matagal sa field?” nagtatakang tanong ni Ellize.
“Nararamdaman ko kasi na magiging mabilis ang promotion mo at pakiramdam ko isa ka sa pinagpipilian na maging host sa ila-launch na bagong programa ng istasyon pero top secret yun ha huwag mong ipapahalata na may alam ka,” bilin ni Stephen.
“Saan mo naman nakuha ang ideyang yan?” ayaw maniwalang tanong ni Ellize.
“Hindi ba at madalas na naroon ako sa loob kahit na may on going meeting ang mga boss ay gamay na sila na nasa paligid lang ako at nag aayos ng mga gamit sa studio kaya narinig ang usapan nila last week pero kapag napromote ka na huwag mo kong kakalimutan ha at lagi mo akong babatiin sa show mo,” biro ni Stephen.
“Naku ikaw talaga mahirap asahan yun lalo na at bago lang ako isa pa may mga senior sa akin na mas deserving na mabigyan ng break,” sagot ni Ellize.
“Mas senior nga sayo kaya lang hindi naman nabiyayaan ng beauty, charm at boldness na meron ka at sa palagay ko iyon ang qualities na nakita sayo ng ng ating mga boss kaya maaga kang napaborito pero huwag lalaki ang ulo mo ha at huwag na huwag mo kaming kakalimutan kung hindi lagit ka sa akin hindi kita kukuhanan ng maganda sige ka,” diretsahang sagot ni Stephen.
“Siyempre naman hinding hindi mangyayari yun kayo pa ba ang makakalimutan ko eh kayo nga itong una kong naging kaibigan sa tv station na ito ung iba lalo na yung mga nasa loob parang mga saradong pintuan at hindi magkakakilala,” komento ni Ellize.
“Paano naman kasi yung mga nasa loob lahat magagaling kaya bawat isa akala kakumpitensya ang kasama na kailangang gwardiyahan panigurado ko magugulat ang mga yun kapag galing sa labas ang biglang mabibigyan ng break at isa na rin sigurong paraan yun ng management para iparating sa kanila na lahat ng talents ay visible sa mata ng mga boss kahit na nasa labas o sa loob man ang mga ito nagtatrabaho,” sapantaha ni Stephen.
“Bahala na kung magkatotoo man yang sinasabi mo ay salamat kung hindi naman ay tuloy lang ang trabaho dahil sa totoo lang ini-enjoy ko naman ang ginagawa natin sa labas yung tipong para tayong nakikipag habulan para makakuha ng magandang balita nandoon naman talaga ang thrill ng pagiging isang reporter,” sagot ni Ellize.
“Sa ngayon oo pero may mga pagkakataon na nakakatakot rin ang buhay ng field reporter lalo na kung maaassign ka sa pagkuha ng balita sa mga nagrarally o kaya naman ay sa nagbabarilan pirmis din na nasa panganib ang buhay mo kaya kung mabibigyan ka ng pagkakataon na magtrabaho sa loob huwag na huwag kang tatanggi,” bilin ni Stephen kay Ellize.
“Yes Master Stephen,” birong sagot ni Ellize.
“At ang pinaka hindi mo dapat kalimutan ay ililibre mo kami ng tanghalian once na bumaba ang promotion mo,” hirit ni Stephen.
“Ay grabe siya sa pinakahuwag kakalimutan pero siyempre oo naman ang sagot ko kahit samahan mo pa ng meryenda at hapunan very much willing pero sana kayo pa rin ang team na kasama ko sa loob sakali na magkatotoo ang sinasabi mo,” hiling ni Ellize.
“Hintayin na lang natin come what may, pero sa ngayon eto na pala tayo sa harap ng istasyon ay yariin mo na muna ang balita mo at kinisin mong mabuti para makita kung gaano ka talaga kapulido magtrabaho okay? ako naman ay sasglit sa canteen at kanina pa ako yosing yosi,” paalam ni Stephen kay Ellize.