Chapter 5
“What ang ibig mo bang sabihin sa iyo ibinigay ni hepe yung kaso ng drug trafficking at smuggling?” hindi makapaniwalang tanong ni PO2 Pierre.
Tumango si Marco bilang pag sang ayon sa tanong ni Pierre.
“Pero partner parang napakahirap namang resolbahin ang kasong binigay sa iyo ni hepe bukod sa malawak ang koneksyon ng taong nasa likod niyan ay siguradong mayaman na yan at kayang bumili ng tao?” dudang tanong ni Pierre.
“Kaya nga kailangan nating mag imbestiga para malaman natin ang mga transaksyon niya at kung totoo ang nakuhang impormasyon ni hepe,” sagot ni Marco.
“Kailan naman tayo magsisimula?” muling tanong ni Pierre.
“Huwag kang atat iintayin muna natin go signal ni hepe kaya lahat ng kailangan mong tapusin ay gawin mo na para kapag tinanong ako kung sino ang gusto kong kasama ay libre ka na,” bilin ni Marco kay Pierre.
“Yun ang pala gusto mo bukas na bukas din ay tapos ang mga trabaho ko,” mayabang na sagot ni Pierre.
“Pati ako pinaandaran mo na naman basta kung ano man ang napag usapan natin dito ay isarado mo na muna ang bibig mo at sensitibo ang kasong hahawakan natin at hidi rin natin alam sa lawak ng impluwensya niya baka kahit sa ahensya natin ay mayroon din siyang koneksyon,” bilin pa rin ni Marco.
“Maiba nga pala ako kumusta ba ang kaso ni Tatay Ruben wala pa rin bang lead sa kaso niya ang tagal ng natutulog ng kaso niya na yun ah,” tanong ni Pierre.
Tiim bagang na napatitig dito si Marco bago sumagot, “ plano ko talagang kausapin si hepe na kapag natapos ang kasong ito na ibibigay niya ay gusto kong matutukan ang kaso ni Tatay palagay ko ay may malalaking pader sa likod ng pagkamatay niya kaya ahanggang ngayon ay wala pa ring makuhang lead,”sagot ni Marco.
“Minsan nakakalungkot din ang maghabol ng hustisya sa bansa natin lalo na kung makapangyarihan at maimpluwensya ang kalaban nababaluktot ang resulta kahit nga na nga ang pamilya natin na nasa linya na ng kapulisan nagiging biktima paano pa kaya yung mga mahihirap na walang kakayanan na ipagtanggol ang sarili,” malungkot na litanya ni Pierre.
“Hindi ako papayag na hindi maparusahan ang mga nasa likod ng pagkamatay ni tatay iyan ang ipinangako ko sa puntod niya na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko maparusahan lang ang mga pumatay sa kanya ng walang kalaban laban,” sagot ni Marco na bakas ang labis na galit sa pagsagi ng alala kung paano walang habas na pinagbabaril ang kanyang ama hanggang sa mamatay.
“Partner basta kung anuman ang plano mo ay andito lang ako,” paalala nito na nag aalala sa nakikitang reaksyon ng kaibigan.
“Marco anak nakaluto na ako, maghahain na ako ng makakain kayo ni Pierre,” boses ng kanyang ina mula sa kusina.
“Sige po nay,” sagot ni Marco.
“Kumusta na nga pala si Clemente isasama ba natin siya sa pagresolba ng kasong hahawakan mo?” tanong ni Pierre.
“Oo naman alam mo naman kung gaano katinik yun sa pagkuha ng impormasyon daig pa ang mga kasama nating pulis sa pag diskarte,” kumpiyansang sagot ni Marco.
“Bakit ba kasi hindi kumuha ng criminology yung kaibigan mo na yon di sana ay kasa kasama natin sa serbisyo,” komento ni Pierre.
“Ang totoo gustong gusto niyang mag-aral nung papasok na kami sa college kaya lang sa hirap ng buhay at sa dami nilang magkakapatid ay napilitan siyang mag vocational na lang para maagang makatapos at makatulong sa mas nakakabata niyang kapatid pero street smart talaga yung mokong na yun hindi mo maiisahan pagdating sa mga diskarte ng manggagantiyo sa kalsada,” natatawang puri ni Marco sa kaibigan.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Pierre.
“Yung mga siga sa kanila ay nangingilag sa kanya kahit sa palengke lahat ay kakilala ng moong kaya kapag kailangan niya ng impormasyon ay mablis siyang nakakakuha ng walang kahirap hirap,” kwento ni Marco.
“Nung nakatapos yung mga kapatid bakit hindi siya nagtuloy sa pag aaral?” muling tanong ni Pierre.
“Naku eh nung nakagraduate na ang mga kapatid ay siya namang dating sa buhay niya ni Maricar ayun nainlove ang mokong nanligaw and ending pamilyadong tao na,” sagot ni Marco.
"Ang maganda lang sa nangyari sa kanya ay hindi kayo magkahiwalay at kahit hindi siya naging ganap na pulis ay para na rin siyang nasa serbisyo dahil napalaking tulong niya kamo sa mga kasong hinahawakan mo," sagot ni Pierre.
"Marco anak halika na kayo nakahain na," tawag ni Nanay Romina.
Maganang kumain sina Marco at Pierre napapangiti naman si Nanay Romina sa mga hirit ni Pierre at pambobola nito sa kanya.
"Alam nyo po nay nakakamiss yung ganito na kasama yung magulang alagang alaga at asikasong asikaso sa lahat ng bagay kaya napakaswerte nitong kaibigan ko na andiyan kayo lagi para sa kanya," komento ni Pierre.
"Bakit hindi ka ba inaasikaso ni Mia?" Tanong ni Marco.
"Inaasikaso naman kaya lang me mga oras na hindi niya magawa dahil kailangan niyang unahin yung baby namin," sagot ni Pierre.
"Yun naman pala eh ano pa ang ihihirit mo kay nanay valid naman pala ang dahilan dapat nga tinutulungan mo si Mia sa gawaing bahay?" payo ni Marco.
“Naku partner hindi mo lang alam pambabae ang nabili kong batya kapag off duty ko sa trabaho pirmis na ako ang taga laba minsan nga gusto ko ng isoli sa nanay niya eh,” biro ni Pierre.
“Ganun ba teka at tatawagan ko si Mia ng malaman niya mga hinanakit mo,” pananakot ni Marco.
“Huwag naman ikaw naman hindi na mabiro alam mo naman si Mia ang buhay ko kahit na mahirap ay kakayanin basta kasama ko sila ng aking kuting,” sagot ni Pierre.
“Mukhang nagbago ka na talaga ah, parang kelan lang sabay sabay ang girlfriend mo iba iba lang ng schedules sa isang linggo,” hindi makapaniwalang komento ni Marco.
“Ganoon siguro talaga kapag natagpuan mo na ang The One kaya lang mahirap pala yung may ganoong tatak pirmis na laging duda si Mia minsan tuloy napipikon na ko na lahat laging kailangang ipaliwanag saan ako pupunta sino kasama ko hanggang anong oras,” naiiling na sagot ni Pierre.
“Nakakasakal naman yata yung ganun kaya ako ieenjoy ko na lang ang buhay single ko kesa naman magaya ako sayo na daig pa ang nabubuhay sa batas militar,” hindi napigilang sagot ni Marco.
“Ikaw naman partner hindi naman laging ganoon siyempre madalas din namasaya kami ni Mia lalo na at nagpapabibo sa harap ko ang anak namin ay naku I told you tanggal lahat ang pagod,” kwento ni Pierre na animo nakikita sa harap niya ang anak na tinutukoy.
Nakikinig lang si Nanay Romina sa palitan ng usapan ng magkaibigan. Namalayan na lang niya na sa kanya na nakatingin ang mga ito.
“Nay hindi na kayo nakakibo mukhang dalang dala kayo sa kwento ni Pierre,” biro ni Marco.
“Naalala ko kasi ang ama mo ganyang ganyang katulad ni Pierre kahit na nakaduty sa presinto pag uwi niya ay haharapin ang mga marumi mong damit lalo na noong nakadimon pa ako sayo,” malungkot ang ngiti na kwento ni Nanay Romina.
“Ibig ninyong sabihin nay napaglaba ninyo din si tatay?” manghang tanong ni Marco.
“Oo naman bakit may masama ba kung sakaling naglaba siya?” tanong ni Nanay Romina.
“Wala naman ho kaya lang alam nyo na ang mentalidad ng iba iniisip na under de saya ang lalaki kapag gumagawa ng gawaing bahay,” katwiran ni Marco.
“Walang pakialam ang ama mo sa kung anong iisipin ng ibang tao basta para sa kanya masaya siya na nagagawa niya ang mga bagay na iyon para sa iyo at sa akin kaya nga lalo siyang napamahal sa akin ng makita ko ang ganoon niyang ugali,” dagdag pa ni Nanay Romina.
“Naniwala ka na na bahagi ng buhay may asawa ang magtulungan unti unti na ngang nababago ang pagiging double standard ng mga pilipino at nabibigyan na rin ng tamang pagkilala sa karapatan ang mga kababaihan,” singit pa ni Pierre.
“Mukhang kapag may seminar ng Gender and Development ikaw ang ituturo kong lecturer/speaker,” biro ni Marco kay Pierre.
“Naku ewan ko sayo basta alam ko kami ni Nanay Romina nagkakaintindihan at ngayon kung wala na tayong kailangan planuhin para sa kasong hahawakan mo at wala pa namang final order ke hepe eh uuwi na muna ako ng makayakap sa mag ina ko at ikaw naman pwede ka na ring magpahinga yun nga lang unan lang ang kayakap mo,” pang iinggit ni Pierre kay Marco.
Natawa naman si Nanay Romina sa pag iinis ni Pierre kay Marco.
“Mabuti pa nga ay umuwi ka na at baka kung ano pa ang isunod mong istorya sa ami ni Nanay Romina eh makutusan kita,” pabirong sagot ni Marco.
“Aba hindi lang yakapan ang pwedeng mangyari pwede ri nkaming gumawa ng kapatid ng aking kuting,” hirit ni Pierre.
Hindi napigilang hampasin ni Marco sa braso si Pierre habang tuwang tuwa naman si Nanay Romina sa kalokohan nito.
“Nay Romina magpapaalam na ho ako salamat po sa hapunan nabusog ako huwag ho kayong mag alala at hahanapan ko ng inspirasyon itong unico iho ninyo at sayang naman kung tatandang binata kagandang lalaki pa naman,” hirit pa ni Pierre.
“Sige nga at gusto ko na ring magkaapo,” patol ni Nanay Romina sa biro ni Pierre.
Pag uwi ni Pierre ay inabutan niyang naglalaro pa ang kanyang mag ina at nagulat si Mia na naroon na siya at masayang nanonood sa kanilang dalawa.
“Bakit ang aga mo yata?” tanong ni Mia kay Pierre.
“Bakit parang ayaw mo yata akong makasama sige at lalabas na muna ako ulit,” hirit ni Pierre.
“At saan ka naman pupunta aber?magbe-beerhouse?” asik ni Mia.
“Ito naman hindi na mabiro andito na nga ako bakit naman ako aalis pa, kumain ka na ba?” pag iiba ni Pierre sa usapan sabay yakap dito.
“Oo kumain na ko ikaw ba?” tanong ni Mia.
“Oo kumain na ko nagluto si Nanay Romina at pinakain na rin ako doon,” sagot ni Pierre.
“Ano nga pala ang napag usapan ninyo ni Marco?” tanong ni Mia.
“Mukhang may hahawakan kaming high profile case hindi pa naman officially ineendorse sa kanya pero sinabi na ni hepe kaya kanina ay napag usapan namin kung ano ang unang hakbang na kailangan naming gawin,” sagot ni Pierre.
“Honey hindi ka ba pwedeng tumanggi sa totoo lang tuwing may hahawakan kayong kaso ako ang unang kinakabahan na baka mamaya ay madisgrasya ka kawawa naman kami ng anak mo,” pag amin ni Mia.
“Masyado naman yatang nagiging matatakutin ang misis ko baka nakakalimutan mo pulis ang napangasawa mo at bahagi na ng buhay namin araw araw ang mabingit sa panganib basta lagi ka lang magdadasal at siguradong walang mangyayaring masama sa akin,” kumbinsi ni Pierre sa asawa.
“Kelan naman sisimulan ang kasong hahawakan ninyo?” tanong ni Mia.
“Wala pa naman pinapatapos pa lang ni Marco yung mga trabaho ko sa opisina pars anytime na magsimula ang imbestigasyon ay linis na ang trabaho namin,” sagot ni Pierre.
“ Sana naman ay dito lang din at hindi na ninyo kailangang lumayo pa katulad nung huli ninyong assignment na inabot ng halos isang buwan” komento ni Mia.
“Palagay ko naman ay dito lang kaya huwag ka ng mag alala ang mabuti pa ay patulugin mo na si baby at may gagawin pa tayo,”pilyong utos ni Pierre sa asawa.
Hindi naman napigilan ni Mia na kurutin sa tagiliran ang asawa dahil alam na alam na niya ang tumtakbo sa isip nito.
“Ganoon talaga aba napakarami kong natanaw na labahin kaya kailangan kong mag charge,” makahulugang sagot ni Pierre.
“Luko-luko ka talaga,” tanging nasabi ni Mia.