Chapter 4
“Hello Mama Berna any updates? Napapayag ninyo na ba si PO4 Llanada para sa exclusive interview?” tanong ni Ellize.
“Sorry to say my dear ilang beses ng nagpabalik balik ang tauhan natin sa presinto pero hindi nila maabutan si PO4 Llanada ayaw naman ituro saan pwedeng puntahan feeling ko nga ay pinagtatakpan at sabi ng mga kasama ay camera shy daw,” sumbong ni Berna.
“Me ganun? parang kakaiba naman ang personality ng PO4 Llanada na yan ung iba nga nakikiusap pa mai-feature lang siya naman todo iwas,” suyang sagot ni Ellize.
“Papayag ba ang beauty mo na isnabin ni PO4 Llanada?” hamon ni Berna.
“What do you want me to do?” takang tanong ni Ellize.
“Why don’t you personally visit the precinct malay mo kapag nakita niya ang kagandahan mo eh nagkakandarapa pa siya na salubingin ka at pumayag kaagad agad kahit wala ka apang sinasabi,” sagot ni Berna.
“Ako talaga?” hindi makapaniwalanag tanong ni Ellize.
“Sister alangan naman ako baka lalo siyang madismaya,” tanggi ni Berna.
“Maghanap na lang kaya muna tayo ng ibang pwedeng isalang wala ako sa mood na makipag kulitan sa pabebeng pulis na yun,” tanggi ni Ellize.
“Naku ha parang ngayon ko lang yata narinig ang ganyang katwiran ang pagkakatanda ko what Ellize wants Ellize gets saka sa lakas ng convincing power mo I doubt kung makatanggi pa sayo kahit na ang pinakamataas sa kanilang presinto,” kumbinsi ni Berna.
Sinibangutan lang ito ni Ellize at hindi na sumagot na tila nag iisip kung sasang ayunan ba ang nais ni Berna o tuluyang tatanggi.
“Okay I’ll give you a couple of days para pag isipan, naisip ko lang kasi ung litanya mo during live interview with Governor Rebicoy na gusto mong mai-feature yung mga katulad ni PO4 Llanada na laging nakalagay sa alanganin ang buhay but willing to take the risk dahil sa tawag ng tungkulin,” hirit ni Berna ng maramdamang nag iisip si Ellize.
Pagkasabi nito ay nakangiti ng tumalikod at bumalik sa kanyang kwarto habang naiwan naman na nag iisip si Ellize.
Sa presinto naman ay abala si PO4 Marco at mga kasamahan niya sa pagtugon sa araw na araw na bisita para sa mga maghain ng reklamo at sa mga kasong hawak nila.
“Sir pinapatawag po kayo ni hepe,” wika ng utility ng presinto na si Caloy.
“Okay sige tapusin ko lang ito pupunta na ko,” sagot ni PO4 Llanada.
Ilang minuto na niyari ni Marco ang tinitipang report sa computer at tumayo na ito para pumunta sa opisina ni Chief Angelo Rivera. Pagpasok niya ay sumaludo siya dito bilang paggalang at agad naman iyong tinugon ni Chief Rivera.
“Maupo ka Llanada,” hudyat nito.
Pag upo sa bakanteng sofa ay matamang naghintay ng sasabihin ng hepe si PO4 Llanada.
“Ipinatawag kita dahil gusto kong ikaw ang humawak ng high profile case involving drugs at smuggling ng mga armas sa Asya,” bungad ni Chief Rivera.
“May partikular po bang tao na dapat tutukan sa kaso na ito chief?” tanong ni PO4 Llanada.
“Ang totoo niyan hindi pa matukoy ang mga taong involve pero isa lang ang nasisiguro ko isang makapangyarihan at maimpluwensyang tao ang nasa likod nito at posible ring mayroon itong koneksyon sa linya ng kapulisan,” sagot ni Chief Rivera.
Tinitigan ni PO4 Llanada ang hepe at hinintay ang susunod na sasabihin nito.
“Ibig ninyo po bang sabihin may mga kasabwat sa departmento ang sinumang nasa likod ng mga ilegal na transaksiyon na gusto ninyong tutukan ko?” hindi makapaniwalang tanong ni Marco.
“Yes at alam kong sa lakas ng impluwensyang meron siya ay magiging challenging on your part ang pagresolba sa kasong ito but I trust you more than anyone else sa ganitong kaselang operation and I am expecting you to accept my challenge,” deklara ni Chief Rivera.
Hindi nakakibo si Marco sa binitawang salita ng kanyang hepe pakiwari niya ay wala siyang pwedeng isagot maliban sa oo.
“By the way ilang araw ng nangungulit sa atin yung crew ng CAV’s TV station sabi ni Caloy ay nakikiusap daw na makausap ka for possible interview with Miss Ellize sa programa niyang Dare to Say the Truth bakit ayaw mong mag pa interview?” tanong ni Chief Rivera.
“Sir mas marami akong mahahalagang gawain na kailangang harapin kaysa humarap sa kanila at magpa intriga hayaan ninyo na lang na yung iba ang interviewhin nila tiyak na gusto ng mga iyon ng publicity,” sagot ni Marco.
“Malay mo madiskubre ka hindi la lang pala pang pulis artistahin ka rin pala,” biro ni Chief Rivera.
“Mukhang sa tono ng salita ninyo chief eh itinataboy ninyo na yata ako,” ganting biro ni Marco.
“Aba hindi naman sa ganun bakit ko naman gugustuhin na mawalan ng isang A1 na pulis yung sa akin lang wala namang masama kung ma-feature ka atleast aware ang mga tao na may matitino pang mga pulis at maitataas mo ang bandila ng ating departamento,” paliwanag ni Chief Rivera.
“Hayaan nyo sir at pag iisipan ko sa ngayon kasi marai pa talaga akong kailangan asikasukin na mas mahalaga kay sa mag pa interview,” tanging isinagot ni Marco dahil alam niyang kukulitin pa rin siya nito.
Matapos ang pag uusap nila ay nagpaalam na si Marco para bumalik sa kanyang cubicle at ituloy ang iba pang naantalang trabaho.Pagbalik ay nakakakatihan niyang i-search ang pangalan ng mga sikat na negosyante sa bansa isa na roon si Martin Vera Evangelista at iba pang mga batang batang negosyante sa Mockel App.
“Partner mukhang kay lalim ng iniisip mo ah, sino ba yang iniistalk mo?” tanong ni Po2 Pierre.
Tiningnan niya ito at pasimpleng sumulyap sa paligid kung may nakarinig sa tanong ni Po2 Pierre sa reaksyon niya ay agad namang nasakyan nito na hindi pwedeng basta sumagot ang kaibigan.
“Hindi ka pa ba nagugutom tanghali na tara na at sabay na tayong kumain,” yaya ni PO2 Pierre kay Marco.
Tumayo naman mula sa kinauupuan si Marco at magkasabay na nilang tinahak ang pasilyo patungo sa canteen.
“Partner ano mukhang top secret ung sinisipat mo kanina ah may bago ba tayong kasong hahawakan?” muling tanong ni Po2 Pierre.
“Meron at hindi basta simpleng kaso kaya hindi rin natin pwedeng basta basta pag usapan kung saan saan,” sagot ni Marco.
“Problema ba yon sasama ko sayo mamaya pag uwi at sa bahay ninyo natin pag usapan ang detalye,” walang patumanggang sagot ni PO2 Pierre sabay kindat kay Marco.
“Hindi ka ba hahanapin sa bahay ninyo baka mamaya niyan eh mapalo ka ng misis mo,” kantiyaw ni Marco.
“Takot lang sa akin ni Mia isang singhal ko lang dun kumukutkot pa,” mayabang na sagot ni Pierre.
“Talaga ba? parang hindi naman ganun ang narinig ko nung huling ginabi ka sa inumang kasama ako,” kontra ni Marco.
“Ikaw naman ibang sitwasyon naman yun alam na nag happy happy ako at tamang duda na may babae tayong kasama kaya malakas ang loob na magtaas ng boses,” katwiran ni Pierre.
Pigil ang ngiti na tiningnan lang ni Marco si Pierre halatang hindi ito kumbinsido sa katwiran ng kaibigan.
“Ano naman ang ibig sabihin ng ngiting iyan?” tanong Pierre.
“Wala sabi ko kaya ayoko pang mag asawa eh nawawala ang kalayaang tinatamasa,” tumatawang sagot ni Marco.
“Sinasabi mo lang iyan dahil hindi mo pa nahahanap ang katapat mo I told you once na dumating yun kahit anong iwas mo parang may magnet na hahatakin ka para mapalapit sa kanya,” kontra ni Pierre.
“Naku mukhang nalipasan ka na nga ng gutom halika na at kumain ka na mamaya lang pag nabusog ka panigurado maiiba na ihip ng hangin,” kontra ni Marco kay Pierre.
“Miss Beautiful Mira bigyan mo nga ako ng isang order ng sinigang na bangus at isang kanin,” wika ni Marco sa suki nilang tindera sa canteen.
“Ako isang adobong baboy saka dalawang rice with free soup,” singit naman ni Pierre.
“Softdrink? Kape?” tanong ni Mira.
“Malamig na tubig lang healthy living kami ngayon,” sagot ni Marco.
“Ako gusto ng softdrinks isang malamig na malamig na coke,” kontra ni Pierre sa sagot ni Marco.
“Kaya pirmis na nag ta-thug of war ang uniporme mo eh bukod sa dalawang rice ma kasama ka pang softdrink,” sermon ni Marco sa kaibigan.
“Aba eh kesa mahilo ako sa gutom maya maya lang dahil bitin ako sa kinain natin malalakas pa ako kapag nagtinapay ako ng nagtinapay,” katwiran ni Pierre.
“Naku sige na wala na akong sinabi at mukhang hndi ka naman magpapatalo,” sagot ni Marco na naupo na sa bakanteng mesa at naghintay ng order nila.
Habang hinihintay nang kanilang pagkain ay nanood sila ng noon time show sa tv na naroon sa loob ng canteen. Bagay na sinadyang ilagay ng canteen manager pang tanggal inip sa mga kumakain na nag hihintay na maiserve ang pagkaing kanilang inorder.
Maya maya pa ay i-sinerve na ang pagkaing kanilang inorder ganun pa man ay patuloy pa rin ang panonood nila ng noon time show na Eat Kurikit at tuwang tuwa sa batuhan ng biro ng mga host.
“Okay mga katropa huwag na huwag kayong aalis at maririnig natin kung gaano kahusay sumagot ang ating mga naggagandahang contestant sa question ang answer portion makalipas lang ang ilang paalala,” hudyat ni Alvin Kaye.
Habang umeere ang mga commercial ay tuloy ang kain ng magkaibigan at bago tuluyang bumalik sa ere ang noon time show ay sumingit ang isang flash report.
“Magandang tanghali Pilipinas narito ang ating flash report mula sa CAV’s TV,” anunsyo ng news caster.
Evangelista nagkaloob ng 3 milyon para sa mga biktima ng Bagyo Makoy ang detalye ihahatid sa atin ni kasamang George.
“Nagkaloob ng halagang tatlong milyon piso ang business tycoon na si Martin Vera Evangelista sa mga biktima ng Bagyong Makoy para matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga ito. Ayon sa tagapagsalita ni Evangelista nakipag coordinate sila sa LGU ng mga bayang nasalanta upang magkaroon ng sistema ang pamamahagi ng tulong pinasyal sa mga biktima bukod pa sa mga pagkain, damit at tubig na nauna na nitong naipadala sa mga evacuation center.
Labis ang pasasalamat ng mga namumuno sa tulog na ipinaabot ni Evangelista na ayon sa mga ito ay napakalaking tulong lalo na sa mga mamamayan na tuluyang nasalanta ang mga pananim sa bukid at mga bahay na nasalanta,” detalye ng reporter na si George.
Seryosong nakatitig sa balita si Marco na hindi namalayan na kanina pa pala salita ng salita si Pierre na may itinatanong sa kanya ng hindi makatiis ay tinapik na nito ang kanyang kamay para niya mapansin.
“Partner ayos ka lang ba? kanina pa ko nagsasalita mukhang hindi mo ako naririnig,” tanong ni Pierre.
“Ano ba ang tinatanong mo?” suyang tanong ni Marco sa kaibigan.
“Anong oras kako tayo mag out at didiretso na ba tayo sa bahay ninyo para makapag paalam na ko hangga’t maaga kay misis,” ulit ni Pierre kay Marco.
“Akala ko ba eh takot sayo misis mo mukhang sa ikinikilos mo eh daig mo pa ang high school student na kailangan magpaalam sa nanay para payagang maglakwatsa kasama ng mga barkada,”sagot ni Marco.
“Wow ganun talaga description? sinusunod ko lang ang payo ng pari hindi ba ang payo nung ikinasal kami ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat kaya honest lang ako,” katwiran ni Pierre.
“Whatever,” tanging sagot ni Marco.
“Anong oras nga tayo aalis at diretso na ba tayo sa bahay nyo?” ulit ni Pierre.
“Natural aalis tayo ng alas singko sa opisina alangan namang mag undertime pa tayo at opo diretso na tayo sa bahay ano okay na o me tanong ka pa?” sarkastikong tanong ni Marco.
“Meron pa kong taong,” hirit ni Pierre.
Napatingin dito si Marco na nag hihintay ng sasabihin ni Pierre.
“Ano ang hapunan natin sa inyo mamaya at pakakainin mo ba ko?” natatawang tanong nito.
“Naku! Pierre kumakain ka palang pagkain na nasa isip mo,” suyang sagot ni Marco.
“Aba mainam na yung sigurado baka mamaya gutumin mo pa ako eh dadaan na tayo kahit sa bilihan ng tinapay para may kainin tayo sa inyo,” sagot ni Pierre.
“Huwag ka ng mag alala at itatawag ko na kay nanay na may napakabait kaming bisita mamaya para magluto ng masarap na ulam,” sagot ni Marco.
Maluwang na ngiti ang naging reaksyon ni Pierre kay Marco na nasiyahan sa sagot nito.
“Ano pa nginingiti mo diyan tawagan mo na misis mo at baka mamaya mapalo ka pa at hindi ka payagan kapag late kang nagpaalam,” utos ni Marco kay Pierre.
Hindi naman nito pinatulan ang pang haharot niya at nag dial na sa kanyang cellphone para tumawag.