Chapter 3
“Good evening and welcome to Dare to Say The Truth my name is Maria Elize V. Nunez your host for tonight and makakasama po natin ang pinagpipitagang Gobernor ng Bulalao na walang iba kung hindi si Gobernor Vicente Rebicoy,” Simula ni Elize sa kanyang talk show.
“Good evening Governor Rebicoy and welcome to our show we are glad na napagbigyan po ninyo ang aming hiling to come up on tv at pag usapan ang mainit na isyu ng illegal logging sa inyong lugar pero bago pa po ang mainit nating tanungan ay bumati muna kayo sa ating manonood.” Entrada ni Elize sa kanyang guest na si Gobernor Rebicoy.
“Good evening everyone especially sa aking mga constituents sa Bulalao it’s Governor Vicente Rebicoy always ready to serve you ang bumabati sa inyong lahat na mga nanonood ng isang magandang gabi,” masayang bati ni Gobernor Rebicoy sa mga manonood habang masayang kumakaway sa harap ng camera.
“Gobernor kwentuhan ninyo naman po kami how it started yung pakikipag laban ninyo sa mga illegal loggers,” unang banat ni Elize.
“Actually Miss Nunez it all started nung ma-experience ng lalawigan namin ang matinding baha last year at madiskubre ko na ang pinaka ugat nito ay ang walang habas na pagputol sa mga puno sa aming kabundukan kaya since then pinaigting namin ang programa na ‘ No To Illegal Logging’ and 24/7 na may nakadeploy for inspection sa mga ruta maaring daanan o lusutan ng mga illegal loggers,” tugon ni Governor Rebicoy.
“Hindi po ba kayo natatakot na maaring maging dahilan para may magalit sa inyo and worse maisip na ipapatay kayo?” matapang na tanong ni Elize.
“Para sa akin Miss Elize kapag oras mo na ay oras mo na at ako bilang lingkod bayan ay sinisikap ko na gawin ang lahat ng magagawa para makapagbigay ng tapat na serbisyo sa ating mamamayan,” buong kumpiyansang sagot ni Gobernor Rebicoy.
“Ano naman po ang masasabi ninyo sa mga kalaban ninyo sa pulitika na nagsasabing estratehiya ninyo lamang daw po ito para makapagpabango sa mga tao since palapit na ang eleksyon?” muling tanong ni Ellize.
“Ayokong patulan ang walang basehang bintang ng mga kalaban ko sa pulitika Miss Ellize but anyone who dares to check our records ay confident akong humarap at i-present iyon sa kanila dahil wala kaming itinatagong baho o milagro sa aking pamamahala.” Matapang at maoaghamong tugon ni Gobernor Rebicoy.
“How about the drug related issues na ipinupukol sa inyo marami pong lumabas na balita na nag uugnay sa involvement ninyo pati na ng anak ninyong si Benson Rebicoy sa mga kaso, how would you react with it Gobernor?” Diretsahang tanong ni Elize na hindi kababakasan ng takot.
Tila naman naumid at nabawasan ang kumpiyansa ng gobernador sa tanong na ibinato ni Elize saglit itong uminom ng tubig bago sumagot, “ang lahat ng mga balitang iyan ay pawang paninirang puri lamang marahil ay nararamdaman nila ang suporta ng mga mamamayan sa akin kaya’t pilit silang gumagawa ng mga black propaganda para tuluyan akong sirain,” seryosong sagot ni Governor Rebicoy.
“This time gobernor allow me to read po yung ilan sa mga tanong ng ating texter, paano ninyo po itatanggi ang kumakalat na viral video sa internet na nagpapakita ng aktuwal na pkikipagtransaksyon ninyo at ng anak ninyong si Benson sa mga negosyanteng intsik involving illegal drugs? tanong ni Elize mula sa binabasang text messages ng isa sa mga viewers.
“I don’t want to comment anymore with that issue Ms. Ellize and I want my attorney to handle the issue to make sure na magbabayad ang sinumang gumagawa ng malaking kasiraan sa amin ng aking anak,” sagot ng Gobernor.
“One last question po bago tayo mag break for a short commercial may plano po ba kayong kumandidato this coming election at ano po ang posibleng posisyon na tatakbuhan ninyo?” tanong ni Ellize.
“Mukhang pahirap ng pahirap ang tanong mo Miss Ellize ah pero one thing for sure patuloy akong maglilingkod kung nais pa rin akong iluklok ng aking mga nasasakupan at para sa partikular na posisyon ay hayaan mo munang hindi ko ito banggitin sa ngayon,” sagot ng gobernador.
“Huwag po kayong aalis sa pagtutok at magbabalik ang Dare to Say The Truth after a short break,” hudyat ni Ellize para bigyang daan ang maikling patalastas.
Matapos ang ilang commercials ay muling nagbalik sa pag ere ang Dare to Say The Truth. Agad na ipinokus ng camera man ang camera sa magandang mukha ni Ellize.
“Okay were back to Dare to Say the Truth but this time bago natin muling balikan si Governor Rebicoy ay panoorin natin ang isang flash report na ihahatid sa atin ng kasamang George Marcos,” anunsyo ni Ellize sa mga manonood.
Nasakote ang Kwadro Kantos Gang kahapon ng grupo ng kapulisan sa pangunguna ni Police Lieutenant Marco Loius Llanada matapos magkasa ng entrampment procedure. Ayon kay Llanada halos isang buwan nilang minanmanan at pinag aralan ang galaw ng grupo bago tuluyang nagkasa ng operasyon at matagumpay na nasakote ang grupo na sangkot sa sunod sunod na p*****n sa ka-Maynilaan at ilan pang karating probinsya.
Sa kasalukuyan ay nakakulong ang grupo sa Kimira City Police District habang hinihintay na umusad ang kaso napag alaman rin namin mula kay PLT. Llanada na no bail ang kasong kinakaharap ng grupo kaya’t mahihirapan na nila itong malusutan, mula sa Dare to Say The Truth ito si George Marcos nag uulat.
“Mukhang may isa na namang kapulisan ang nagpakita ng katapangan sa pagtupad sa kanyang tungkulin matatandaan na si Police Lieutenant Llanada rin ang naibalita natin nitong nakaraang linggo sa sunod-sunod na pagkakahuli sa mga ilegal na nagbebenta ng droga at cyber s*x den sa Bayan ng Kimira ,” komento ni Ellize bago muling kapanayamin si Gobernor Rebicoy.
“So Gobernor, back to illegal logging issue may plano po ba kayo na kasuhan ang mga kumpanya na nag-operate ng walang sapat na permit mula sa inyong tanggapan?” tanong ni Ellize.
“Regarding that matter we want everything to be in order so nasa consultation process pa lang ako with our attorneys and soon na mafinalize ang decision we will inform you to update the public ng ipinaglalaban natin,” nakangiting tugon ni Gobernor Rebicoy.
“Thank you so much Gobernor and we are looking forward na maparusahan ang mga mapang abuso sa kalikasan at kami po na nasa media industry ay sumusuporta sa adhikain ninyo para sa ikabubuti ng ating kalikasan.Any last word po bago tayo mag paalam?” tanong ni Ellize sa Gobernor.
“Allow me to say thank you Miss Ellize sa opportunity to be here It’s really a great honor at sa mga supporters ko na patuloy na nandiyan sa lahat ng aking adhikain at ipinaglalaban mahal ko kayo!” Pahayag ni Gobernor Rebicoy sa pagwawakas ng interview.
Matapos ang airing ng Dare to Say the Truth ay nilapitan ng editor in chief si Ellize sa dressing room.
“Grabe ka Ellize! walang kupas ang boldness at confidence mo sa pagbabato ng maiinit na tanong kanina alam mo ba na ang taas ng rating natin tonight?” masayang bati ng Editor ng programa na si Bernard na mas gustong tawaging Bernadette ng mga kasama sa kalambutan nitong kumilos.
“At kanino pa ako magmamana ng katapangan natural sa aking magandang editor?”ganting sagot ni Ellize dito.
“Remember the flash report kanina? nagpadala na ako ng reporter sa police station para mag request ng interview kay Police Lieutenant Marco Loius Llanada,” kwento Bernard kay Ellize.
“Yeah mukhang gumagawa ng pangalan ang pulis na yon and excited din akong makapag interview ng mga pulis o sundalo na laging nasa bingit ng alanganin ang buhay how they handle the pressure ng day to day life nila,” komento ni Ellize habang pinalalamig ang kapeng iinumin.
“Naku Ellize mukhang yummy si Mr. Officer baka naman hindi interview ang magyari sayo baka ma-hook ka sa charm niya kanina lang ang lakas ng dating sa tv ng personality niya habang bitbit ung mga grupong nasakote,” tugon ni Bernard habang tila naaalala pa ang eksena.
“Ano ka ba Momshie Berna alam mo naman na may boyfriend ako and kuntento na ko sa kanya,” sagot ni Ellize habang nakatuon ang pansin sa pinapalamig na kape.
“Eh paano ka namang hindi makukuntento eh almost perfect ang boyfriend mo hummppt,” hirit ni Bernard.
“You got it right honey kaya kahit na mala-adonis pa si Mr. Officer ay deadmabels ang beauty ko sa kanya one woman man kaya ito,” nagmamalaking sagot ni Ellize.
“Oh siya sige ikaw na talaga ang bukod tanging pinagpala na brain and beauty na may almost perfect pang jowa ang mabuti pa ay umuwi ka na pagkatapos mag kape at ng makapag beauty rest kailangan ay nami-maintain natin ang ating beauty madalang ang napagkakalooban ng ganyan kaya dapat iniingatan,” pagtatapos ni Bernard sa usapan nila.