Chapter 32 Maagang dumating sa tagpuan si Clemente ng malaman na wala pa sina Marco at Pierre ay naisipan nitong maupo sa duyan at magpahangin. Maya maya napapikit siya at tila inaantok ngunit narinig niya ang ugong ng sasakyan na papalapit at ng sipatin niya ito ay nakita niyang sina Po4 Marco at P02 Pierre na pala ito. “Kanina ka pa ba?” tanong ni Marco kay Clemente habang dire diretso ito sa kusina para ibaba ang dalang pagkain. “Kani kanina lang napaaga lang ang punta ko,” sagot ni Clemente. “Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo,” sagot ni Marco sabay labas ng pagkain mula sa supot. “Oo nga tayo na dito Clemente at kanina pa nag aalburuto tong tiyan ko sa gutom,” hirit ni Pierre na tumayo na para magtungo sa kusina. “Kumusta naman ang pagiging insider mo sa k

