Chapter 33 Katulad ng napagkasunduan ay idinaan ni PO2 Pierre ang napag usapan nila Clemente at Marco hindi na ito nagtagal at iniabot na lang dito ang kailangaan. “Kumpleto na lahat ng kailangan mo diyan basta kapag may kailangan ka pa itawag mo lang sa akin o kay Sir Marco,” bilin ni PO2 Pierre. “Okay sige salamat,” sagot ni Clemente. Katulad ng naunang araw ay maaga muling pumasok kinabukasan si Clemente balak niya na gawin regular ang ganoong pasok para may pagkakataon siyang makausap o makakwentuhan si Mang Kanor at tuluyang mapalapit ang loob nito sa kanya. “Aba mukhang maaga ka ulit ah, huwag mong sabihin na natuwa ulit sayo si misis,” biro ni mang Kanor ng makita si Clemente. “Hindi naman Manong maaga kasing umalis yung bayaw ko papasok sa trabaho eh iisa

