Good Deal

2128 Words
Chapter 17 Kinagabihan ay magkasama sa isang sasakyan na nagtungo sina Martin at Mr. Minamoto para magtungo sa bahay ni Mr. Tan. Sa labas pa lamang at natanaw na ni Martin na napapalibutan ito ng mga tauhan na nagbabantay sa seguridad ng lugar. Pagkakita sa kanila na magkasama ni Mr. Tan ay hindi nito maiwasan ang magulat at mga matang nagtatanong ang ipinukol nito kay Mr. Minamoto. “Onii-chan I’m glad to see you, meet my friend Martin,” pakilala ni Mr. Minamoto kay Martin. Yumukod naman si Martin tanda ng paggalang kay Mr. Tan bago nagsalita, “ What a small world Mr. Tan we meet again,” bati ni Martin. “You are right what a small world come inside,” sagot ni Mr. Tan na nauna ng naglakad papasok sa pinakasalas ng bahay. Inabutan nilang nag aayos ng pagkain ang dalawang tagapagsilbi sa mesa kung saan diretso na silang inaya ni Mr. Tan. “You still treasure our old cultures and traditions,” komento ni Mr. Minamoto na ang tinutukoy ay ang mesa at mga pagkaing nakahain. “Why don't you remember those days that we are very thankful for these foods that even if it was just leftovers, it calms our empty stomach?” tanong ni Mr. Tan. “It’s not that of course, I am thankful but I can’t avoid remembering all the hardship that we’ve been through and it makes my heart feel heavy,” matapat na sagot ni Mr. Minamoto. “But look at you now, anyone will surely admire seeing how successful you are so stop feeling that way,” payo naman ni Mr. Tan. Humugot ng buntong hininga si Mr. Minamoto sa sinabi ni Mr. Tan at malungkot ang mga mata nito na sumulyap kay Martin saka sumagot, “ Let not talk about it, I am hungry already can I have your speacial tea,” pag iiba nito. Nagsimula magsalin ng tsaa sa maliit na tasa ang dalawang tagapagsilbi at sinimsim naman ito ni Mr.Minamoto at Martin. Kitang kita naman sa mukha ng mga ito na nasiyahan sa lasa ng tsaa na ipinagmamalaki ni Mr. Tan. “Have you known each other for a long time? How did you get to know each other?” tanong ni Mr. Tan kay Martin at Mr. Minamoto. Napatingin dito si Martin saka kay Mr. Minamoto pinakiramdaman niya kung para sa kanya ba ang tanong nito o kay Mr. Minamoto. “We have been together for a few months but I already know him even before I went to the Philippines because most of my products were shipped under his company,” sagot ni Mr. Minamoto. “I see,” matipid na sagot ni Mr. Tan na inaaral pa rin ang kilos ni Martin. “You know what onii-chan we are planning to expand our partnership and we want to put one of the biggest import and export business here in Macau do you think you can join us?” tanong ni Mr. Minamoto kay Mr. Tan. “Shipping business is not a cup of my tea and you know me too well that I will not indulge in something that I do not know,” direktang sagot ni Mr. Tan. “But I am here onii-chan, aren’t you interested to send your products to other countries? Imagine if you invest in the shipping industry you’ll have the opportunity to promote your products not only here but to other countries with less amount of shipping fee,” panghihikayat ni Mr. Minamoto. “It means more sales more income and since you will meet other businessmen it’s another door of opportunities in the business world,” dagdag ni Martin. “Honestly speaking I am reviewing your business proposal and I know it is very promising though I want to give it a try I am still hesitant to accept it because of technicality and I am new in this kind of business but since you gain the trust of my brother Minamoto I guess I can consider your offer,” sagot ni Mr. Tan. Muntik ng mapatayo si Martin mula sa pagkakaupo sa sobrang saya pero pinigil niya ang sarili at masayang tumingin kay Mr. Minamoto magingn ito ay labis ring natuwa na nagkaroon ng positibong resulta ang kanilang lakad. “I promise onii-chan you will not regret trusting this man,” sagot ni Mr. Minamoto na hindi na napigilan na lumapit kay Mr. Tan at yakapin ito. Daig pa ni Martin ang inuugoy sa alapaap sa nangyari ng gabing iyon naisip niya na hindi siya nagkamali na si Mr. Minamoto ang kanyang pinili kaysa kay Cleo Jean Villafuerte na makatulong sa kanya sigurado siyang magugulat ito kapag nalaman na nakapirma na sa kontrata si Mr. Tan at sa susunod na mga buwan ay magsisimula na ng transaksyon sa kanyang kumpanya. Sulit ang halos sampung araw niyang pananatili sa Macau at sa labis na kasiyahan ay naisip niyang tawagan si Ellize para ibalita dito ang resulta. “Hello sweetie,” masaya niyang bungad dito. “You sound happy is there any good news?” tanong ni Ellize na kabisado na ang mood ni Martin. “Mukhang wala na akong maipagkakaila sa napakaganda at napakatalinong future Mr. Evangelista kilalang kilala ang mood ko ah,” sagot ni Martin. “Am I right?” natatawang tanong ni Ellize. “Yes sweetie I got it! Ikaw talaga ang lucky charm ko,” sagot ni Martin. “I’m so happy for you sweetie,” sincere na bati ni Ellize. “Thank you so much sweetie, is there anything you want? I’ll be in the Philippines a day after tomorrow,” tanong ni Martin “Nothing just come home safe sweetie,” sagot ni Ellize. “Okay I’ll look for something especial here sa souvenir item magpapatulong na lang ako kay Chin alam ko naman na wala ka talagang ipapabili just like the old days na kahitm anong pilit ko ay wala at wala ang sagot mo,” tugon ni Martin. Natawa naman si Ellize sa naging sagot ng nobyo alam na alam din nito na kahit kelan ay hindi siya nanamantala sa maaring ibigay nito sa kanya kahit na alam niya na kayang kaya nitong ibigay ang kahit anong hilingin niya. “Sweetie I can’t wait to see you promise I’ll give you a call once I arrive in the airport okay?”sagot ni Martin. “Yes, I’ll be waiting for you, I love you sweetie,” sagot ni Ellize. “I love you more sweetie,” sagot ni Martin bago tuluyang nagpaalam sa nobya. Matapos makausap ang nobya ay humiga na sa kama si Martin para magpahinga payapa ang kanyang pakiramdam sa naging resulta ng lakad niya at bukas ay ang huling araw ng pananatili niya sa Macau at balak niya na mag ikot kasama si Chin para makahanap ng pwede niyang ipasalubong kay Ellize. Kung payapa si Martin sa naging resulta ng lakad niya sa Macau ay mas higit na nakahinga si Mr.Minamoto sapagkat alam niya na ang mga kargamento na kailangan niyang maipadala sa kanyang mga kausap ay siguradong makakarating na sa mga susunod na araw. “Mr. Minamoto, how long will your clients wait? They keep on asking if you are still interested to push the deal?” tanong ng kausap ni Mr. Minamoto sa kabilang linya. “Of course I am, just tell them that It will be arriving sooner than what they expect I already find a shipping company that will send the cargo okay,” sagot ni Mr. Minamoto. Pagkababa ng telepono ay agad ng tinawagan ni Mr. Minamoto ang tauhan. “Haruto are you done packing the cargo?” tanong nito sa kanyang tauhan. “Boss we are still working with it,” sagot ni Haruto. “Okay be careful and make sure to hide it in the deepest part of the shoes,” bilin ni Mr. Minamoto. “Yes boss no need to worry just give us two days and it will be all set,” sagot ni Haruto. “Call me if you are done packing okay,” sagot muli ni Mr. Minamoto. Kinabukasan ay maagang lumabas sina Miss Chin at Martin para magtungo sa Rua de S. Paulo (Dasanba) Street lugar kung saan madalas na nagtutungo ang mga turista para sa mga nais bumili ng souvenir items. Ilan sa mga nabili nila Chin at Martin ay ang almond cakes in tin,cashew cookies in,meat jerky,peanut candy,damit at figurines. “Miss Chin kumuha ka na rin ng mga ipapasalubong mo sa pamilya mo pati yung apat na kasama natin ay ipagkukuha mo na rin,” hudyat ni Martin kay Miss Chin. “Sir nakakahiya naman po,” tanggi ni Miss Chin. “Huwag ka ng mahiya sige na para makapunta pa tayo sa ibang lugar at ng masulit ang oras bukas ay babalik na tayo sa Pilipinas kaya magpakasawa ka na kakapicture,” biro ni Martin sa sekretarya. “Talaga ba sir uuwi na tayo bukas?” hindi makapaniwalang tanong ni Miss Chin. “Oo,” nakukulitang sagot ni Martin. “Ibig bang sabihin sir ay naayos na ang deal sa pagitan ninyo ni Mr. Tan?” hindi makapaniwalang tanong ni Miss Chin. Masayang mukha ang bumaling kay Chin at saka tumango si Martin. “Whoooah! Iba ka talaga sir wala na akong masabi congratulations po ngayon ako naniniwala na what Martin wants Martin gets,” masayang komento ni Miss Chin. “Kaya nga bilang reward ay mamili ka na ng ipapasalubong mo at sagot ko na bilis na bago pa magbago ang isip ko,” muling untag ni Martin. Pagkarinig sa sinabi ni Martin ay hindi na nag atubili pa si Miss Chin at namili na ng mga pasalubong para sa kanyang pamilya. Madilim na ng makabalik sila sa hotel hindi maggkanda ugaga si Miss Chin sa pag aayos ng kanilang mga napamili maging ang apat na bodyguard ay tuwang tuwa sa mga souvenir na binili sa kanila ni Martin. “Sir sa susunod saang bansa tayo ulit pupunta?pwede po bang kami ulit ang kasama ninyo?” tanong ng isa sa mga bodyguard. Natawa naman si Martin sa tanong ng kayang tauhan pero sinagot niya ito. “Just leave your names and contact kay Miss Chin at siya ang nag screen ng information ninyo at kung okay ang performance ninyo sa kanya ay posibleng makasama kayo sa susunod pang business travel ko,” sagot ni Martin. Agad naman na nagsulat ng kanilang pangalan at contact number ang apat at saka isa isang lumapit kay Miss Chin para iabot. Kitang kita sa mga nangungusap na mata ng mga ito ang panunuyo kay Miss Chin ngunit sadyang diretsahan kung magsalita si Miss Chin at bahagya pang nagsermon. “Okay itatago ko ang mga datos ninyo pero may napansin ako sa inyo na bukod sa matakaw ay madalas na inaantok kapag duty sa gabi hindi pupwede yung ganoon lalo na kung buhay ni sir ang inyong pinapangalagaan hindi natin alam kung kailan pwedeng may sumalisi o umatake kaya dapat ay lagi kayong alisto at bawal ang antukin,” sermon ni Miss Chin. Kakamot kamot naman ang isa sa apat na bodyguard alam kasi niya na sa kanya patungkol ang sermon ni Miss Chin dahil ilang beses siya nitong nahuli na naghihikab sa antok at bahagyang naidlip habang nagbabantay kay Martin. Lihim naman na natatawa si Martin sa naririnig na sermon ni Miss Chin na akala mo nanay niya na nagagalit sa kanyang mga tagapag alaga. “Tama na yang homily ni Miss Chin sa inyo magsipagpahinga na kayo at bukas maaga ang flight natin alam kong lahat kayo ay excited ng makabalik sa inyong mga pamilya at bukas ay matutupad na iyon,” utos ni Martin. Tuwang tuwa naman ang grupo na sumunod sa pinag uutos ni Martin. Kinabukasan ay maagang nakahanda grupo para sa kanilang pag alis at bago tuluyang magtungo sa airport ay tinawagan ni Martin si Mr. Minamoto para ipaalam na sa susunod na araw ay kumpirmado ang paglalayag ng isa sa mga barko ng MVE shipping company at maghahatid ng petrolyo sa Macau kaya’t sinabi niya na ihanda na ang mga kargamento na ikakarga pabalik ng Pilipinas. “Okay I’ll make sure that everything is okay and ready to transport once the ship is here and I will call and give you an update,”sagot ni Mr. Minamoto. “Okay when will be in the Philippines?” tanong ni Martin kay Mr. Minamoto. “Maybe next week I’ll be there or earlier it depends on the production of my product,” sagot ni Mr. Minamoto. “Okay just call me once you arrive in the Philippines okay? Thank you so much,” bilin ni Martin. Matapos na makapagpaalam ay bumiyahe na patungong airpot ang grupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD