Chapter 13
“Bea my dear andito na ba si Mamshie Berna?” tanong ni Ellize pagdating kinabukasan sa studio.
“Yes Ma’am Ellize kani kanina pa siya pumasok sa office niya,” sagot ni Bea na bumalik na sa pagkakatutok sa kanyang isinusulat.
Dumiretso naman si Ellize sa office kung saan naroon si Berna.
“Hello Mamsh good morning,” bati ni Ellize kay Berna.
“Good morning dear,” nakangiting sagot ni Berna.
“How’s your friend pumayag ba siya na mainterview?” tanong ni Ellize habang naglalakad palapit sa table kung saan naroon ang coffee table.
“I’m still convincing him?her? ano ba yan minsan tuloy nalilito na aketch paano ko siya i-aaddress ngayon,” sagot ni Berna.
“Mamsh can I ask you a question?” biglang banat ni Ellize.
“Naku ha yang mga ganyang linyahan mo nakakakaba, ano ba yun?” naiilang na tanong ni Berna.
“Huwag kang kabahan ano ka ba simple lang tanong ko at alam kong masasagot mo naman,” simula ni Ellize.
“Ano ba yun?” ungkat muli ni Berna.
“Is there any point in your life na naisip mo na magpatransgender?” tanong ni Ellize.
“Well, I’ll be honest pusong babae ako and I dream na sana totoong babae pero ewan ko ba natatakot pa rin ako namag undergo ng surgery dahil hindi naman simpleng operation ang pagdadaanan ko isa pa baka may mga health issues na biglang sumulpot OMG! Hindi ko kakayanin,” matapat na sagot ni Berna.
“Sabagay may point ka diyan kaya sa totoo lang ang lalakas talaga ng loob ng mga nagpapatransgender dahil nasa bingit din ang buhay nila once na nagdecide sila na gawin yun,” tugon ni Ellize.
“Ako okay na ako ng ganito kung hindi ako matanggap na this is me, fine sa ganda kong ito haler marami pang mga boylet diyan na magkakandarapa sa beauty ko,” mataray na sagot ni Berna.
“Whoah! That’s the ispirit,” tuwang tuwang sagot ni Ellize.
“Naku pahingi na nga rin ng kape at ng medyo makalma naman ako ang aga aga mong pinapataas ang level ng energy ko sa mga tanong mo,” hirit ni Berna.
“Ako ng magtitimpla ng kape mo, what do you want black coffee o creamy coffee?” natatawang tanong ni Ellize.
“I want it sweet syempre ayoko na ng black coffee at magsyado akong nagpapalpitate,” tanggi ni Berna.
Agad namang nagtimpla ng kape para kay Berna si Ellize at sabay na silang humigop bago mag simulang mag trabaho. Makapananghali na ng masayang lumapit si Berna sa table ni Ellize na may dalang magandang balita.
“I have a good news sissy,” malapad ang ngiti nitong sabi ng makalapit sa mesa ni Ellize.
“Sa lapad ng ngiti mo ay mukhang good news nga yan ah, so tell me what is it?” tanong ni Ellize.
“Napa oo ko na si frenny for an exclusive interview sa show mo!” sagot ni Berna.
“Who’s that friend ba hindi mo pa nga sinasabi sa amin kung sino eh,” interesadong tanong ni Ellize.
“Oo nga pala sinabi ko nga pala na kapag napapayag ko lang siya sa exclusive interview ay saka ko lang sasabihin sayo kung sino,” wala sa loob na sagot ni Berna.
“So, sino nga,” inip na tanong ni Ellize.
“No other than Merrel Sandoval!” malakas na sagot ni Berna.
“What?” hindi makapaniwalang tanong ni Ellize na napatayo pa sa kinauupuan.
Natatawa si Berna sa reaksyon ni Ellize.
“Yes sissy, ano hindi ka makapaniwala right?” sagot ni Berna.
“Diyos ko mamsh ang hirap na talagang amuyin sa panahon ngayon sino ang straight at sino ang beki, imagine lalaking lalaki ang tingin ko sa kanya tapos bigla may revelation tayo na nag patransgender ang isa sa pinakasingat na fashion designer ng Pilipinas,” komento ni Ellize na hindi alam kung matutuwa o madidismaya.
“I told you you will be shocked kapag nalaman mo kung sino at sa teaser ng iyong episode I’m sure na ngangatngatin ng kyuryosidad ang mga chikadora at paparatsi kung sino ang irereveal natin kaya dapat medyo may pablurred effect muna ang face niya sa teaser ng episode mo ha,” bilin ni Berna.
“Yes inform na lang natin yung naka assign na team, so kelan ang schedule ng taping?” tanong ni Ellize.
“Ano ka diyan sister gusto niya ng live interview,” sagot ni Berna.
Nandilat ang bilugang mata ni Ellize pagkarinig sa sagot ni Berna.
"really?” I’m still in shock mamsh ha and I’m sure he will shock the world too,” tanging nasabi ni Ellize.
Teaser pa lang ay marami ng natatanggap na text messages ang staff nila Berna asking kung sino ang guest sa sususnod na episode ng Dare to Say the Truth but they refuse to answer at sinabing abangan na lang at sa live interview ay makikilala nila kung sino ang tinutukoy sa teaser at kagaya ng inaasahan marami ang umabang para malaman kung sino ito.
“Good evening Luzon, Visayas and Mindanao you are now watching Dare to Say the Truth kung saan we will unveil the darkest secret and we will let the truth be known at sabi nga kanina sa akin ng ating panauhin, the secret to happiness is freedom and the secret to freedom is courage kung kaya’t buong buo ang loob niya na pumayag sa interview na ito na live na napapanood all over the world kaya’t huwag na huwag kayong bibitiw at samahan ninyo ako sa isang oras na mainit na balitaktakan pagkatapos ng isang maikling patalastas,” simula ni Ellize.
Makalipas ang ilang commercial ay muling sumalang si Ellize at ang kanyang panauhin.
“Our episode for today is really a very timely issue in our society at bilang isang Filipino I’m sure na marami pa rin sa atin ang pinalaki sa makalumang paraan at ang pagsulpot ng l***q Community ay isang malaking hamon kung paano sila matatanggap ng ating society but today we are very lucky na makasama natin ang isa sa kanila at marinig ang tinig na tumitindig sa grupong kanyang kinabibilangan kaya’t huwag na nting patagalin let us all welcome our very own The Pride of Philippines in fashion designing industry no other than Merrel Sandoval!” pakilala ni Ellize sa kanyang guest.
Palakpakan ang studio audience na excited din sa magaganap na interview.
“Hello Merrel welcome to Dare to Say the Truth we are very thankful na napaunlakan mo ang inbitasyon namin so, bumati ka muna sa ating mga manonood,” simula ni Ellize.
“Thank you Miss Ellize and good afternoon po sa lahat ng nanonood dito sa studio at sa kanilang mga tahanan,” bati ni Merrel na halatang kabado sa tono ng kanyang boses.
“I heard na ilang beses kang kinulit kulit ng aming editor na nagkataong close friend mo bago ka mapapayag tama ba?” unang tanong ni Ellize.
“Honestly yes.... for how many days ay walang tigil ng kakukulit sa akin si Bernard and it seems na he is waiting for a yes answer umaga, tanghali, gabi ay kinukulit niya ako to decide na magpa interview at yes lang daw ang tatanggapin niyang sagot,” amin ni Merrel.
Natawa naman sa rebelasyon niya ang studio audience na tila mas nagbigay sa kanya ng komportableng pakiramdam.
“What made you decide na sige na nga pumayag na ako,” tanong ni Ellize.
“Actually nung una nakukulitan na ako sa kanya na tanong ng tanong, friend ano na?minsan ayoko ng ibukas messages niya kasi alam ko na na still about pa rin dito ang laman but what made me decide na pumayag was during the time na nag visit siya sa bahay at sinabi niya sa akin,what keep you holding back na ipaalam sa buong mundo ang totoong ikaw? Are you afraid of criticism? O natatakot ka na hindi ka nila matanggap kaya you better choose to keep pretending tandaan mo Merrel you can lie to anyone else in this world but you cannot lie to youself at kahit kailan hindi ka magiging totoong masaya kung hindi mo magawang mapalaya ang sarili mo, those are words na tumatak hindi lang sa isip ko kundi pati dito,” sagot ni Merrel habang itinuturo ang tapat ng kanyang dibdib.
Tahimik ang buong studio audience na nakikinig sa sinasabi ni Merrel at tila damang dama nila ang sinseridad ng mga sinasabi nito.
“I congratulate you for that Merrel dahil sa totoo lang marami sa panahon natin ngayon na nasa same situation like yours ay nananatili sa denial stage at hindi nila ma-admit who and what they reallywant sa takot na i-reject ng family, friends or even society so tell us kelan mo nalaman na pusong babae ka?” matapang na tanong ni Ellize.
“It all started when I was in high school sabi nga lahat dumadaan sa identity crisis at first kagaya ng sinabi mo nasa denial stage ako pero napapaisip din ako bakit parang hindi ako makaramdam ng attraction with opposite s*x at bakit masaya ako kapag nakakakita ng gwapo during those times ay sinarili ko yun ayoko kasing tanggapin din sa sarili ko na bakla ako dahil alam na alam kong madidissapoint ang family ko lalo na ang father ko kapag nalaman na isa akong gay so I tried so hard para kumbinsihin ang sarili ko na lalaki ako,” kwento ni Merrel.
“Nasubukan mo ba na manligaw ng babae or magkagrilfriend in your entire life?” muling tanong ni Ellize.
“Actually yes I’ve been in a relationship for almost two years and during those time I am trying so hard na magpakalalaki pero hindi naging sapat yon so we decided to end our relationship at nagkaroon naman kami ng maayos na closure,” sagot ni Merrel.
“So now you are telling us na you go along the process na ikaw mismo sa sarili mo hindi mo matanggap na isa kang gay and you tried so hard para mapanindigan iyon but still you failed to so, tell us what happened.
“After the break-up with my girlfriend wala akong ginawa kung hindi ang mag trabaho ng magtrabaho all day and night until one day nabasa ako ang isang invitation para sa isang fashion show event na nag iinvite ng mga fashion designers and to make the story short nag try akong mag sign ng form then submit sa email ng company and luckily nasama ako sa mga nabigyan ng chance to be part of their event at doon ko nakilala si Brent,” sagot ni Merrel.
“So who’s Brent? Malaki ba ang naging role niya sa transformation mo?” tanong ni Ellize.
“He is my sunshine and he is the reason why I am here with all of you guys telling that I am a gay and a transgender, siya ang nagturo sa akin na magpakatotoo sa kung anong nararamdaman ko at kahit na talikuran ako ng lahat mananatili siyang nasa likuran ko para samahan at damayan,” madamdaming sagot ni Merrel.
“Ahhh I lost words sa narinig ko Merrel ang haba ng hair mo kapatid but seriously speaking napaka blessed mo to find someone like Brent na iparamdam na hindi ka nag iisa at handa kang damayan maging sa pinakamalungkot na yugto ng buhay mo but still ,curious lang ako paano mo nasabi sa family mo particularly sa parents mo at paano ka nila natanggap?” tanong ni Ellize.
“Ang pinakamahirap yata sa proseso ng pag amin ay kung paano sisimulan at sa totoo lang ilang buwan akong nagplano kung paano ko iyon gagawin at hanggang sa huli ay hindi ko nagawa until one day na nagsuprise visit sa condo ko si mommy and daddy at nagkataong wala ako at alam mo naman ang mga mommy kapag napasok ang ating teritoryo asahan mo na na daig pa ng mga iyan ang pinakamahusay na imbestigador pero that time alam ko naman ang purpose ni mommy ay ayusin ang napakagulo kong kwarto but accidentally ay nakita niya yung notebook ko kung saan nakasulat doon ang mga nais ko may title pa nga ito na Hear My Voice at maybe dala ng curiousity ay hindi napigil ni mommy na buklatin at basahin ang mga nakasulat doon kung saan doon lang naman ako pwedeng magpakatotoo,” detalye ni Merrel.
“Can you share with us ano yung ilan sa notes mo na nandoon na maaring nag lead kay mommy mo na malaman ang totoong identity mo,” hiling ni Ellize.
“I wote these lines when I was so depressed about myself and what is going on with my life, I hate myself for being like this God knows how much I tried to fight this feelings but I can’t maybe I need to live in denial for my entire life, mabuhay ng malungkot at mabuhay sa kasinungalingan because in that way hindi ko masasaktan ang pamilya ko lalo na ang magulang...live in pain for them to live proud, iyon ang mga linya na inabutan kong binabasa ni mommy na kitang kita ko na umaagos ang luha sa mga mata niya,” kwento ni Merrel.
“So, what happened? Kinumpronta ka ba nila? Inaway pinaamin?” tanong ni Ellize.
"Niyakap ako ni mommy but she never said even a single word saka umalis ng condo alam ko na shock siya siyempre mahirap tanggapin na may anak silang bakla kaya ilang buwan na malamig ang trato sa akin ni daddy at mommy at to tell you honestly napakalungkot ng buhay ko noon na pakiramdam ko tinalikuran ako ng lahat even my siblings ay binawalan nila na kausapin a tmakipagkita sa akin and Brent was there for me at inalok niya na we better go to his country at doon kami mamuhay kung talagang hindi ako kayang tanggapin ng family ko sabi niya he can be my family,”dagdag pa ni Merrel.
Tatango tango naman si Ellize sa mga detalyeng inilalahad ni Merrel sapagkat alam niya na tila dumadaloy pa dito ang iba pang detalye na nais nitong sabihin sa kanila.
“So ang ginawa ko ay inayos ko na lahat ng kailangan and decided na ako to leave the country at mag stay with Brent for good sa Canada without knowing na lahat pala ng galaw ko ay nakamonitor kay mommy at daddy at isang araw ay tinawagan ako at pinapunta sa bahay, doon ako direktang tinanong what is goin on with me at inamin ko na I’m about ot live the country at mag stay na ako sa Canada for good and I said I’m very sorry sa lahat lalo na kung hindi ako naging isang tunay na lalaki na at some point ay maaring maging kahihiyan sa family namin I told them na hindi ko yun ginusto and that will be the last thing na gugustuhin kong mangyari sa family ko yung mabigyan sila ng kahihiyaan at para hindi na ako makagawa pa ng bagay na magiging kasiraan sa kanila ay magpapakalayo na ako at hindi na babalik pa ng bansa,” kwento ni Merrel.
“I’m sure hindi pumayag ang parents mo right?” singit ni Ellize.
“”Yeah, tama ka Miss Ellize hindi sila pumayag and according to my dad matagal na nilang alam na malambot ako kaya nga nung nagdecide ako na kumuha ng fashion design na course ay hindi naman daw sila tumutol and they just thought na pinanindigan ko na magpakalalaki dahil nga may ipinakilala naman akong girlfriend at nung nabasa ni mommy ang mga notes ko of course they are in shock pa rin kahit na nga may idea na sila about my gender ang iniintay lang daw nila ay magsabi ako pero hindi ko nga nagawa sa takot na hindi nila ako matanggap but I am so thankful right now for having this kind of family na tanggap po ako ng buong buo at masaya kung saan ako masaya,” madamdaming kwento ni Merrel.
“Mahalaga talaga yung pagkakaroon ng communication sa kahit anong relasyon in that way kasi naipaparating natin ng maayos ang mensahe at mga gusto nating sabihin kung minsan kasi sa takot natin na makakuha ng negative answers o rejections ay mas pinipili nating huwag magsabi o sarilinin na lang pero hindi pala yun tama sabi nga ni Toni Gonzaga sa commercial ng softdrinkd kailangan nating magpakatotoo at kapag nagpakatotoo tayo mabubuhay tayo ng malaya at wala tayong what if sa buhay,”
“Sa we are done with the phase one and two of your life revelation at acceptance ng iyong gender so now let us talk about being a transgender, tell us bakit mo naisip na mag undergo ng ganyang procedure did Brent asked you to do so?” tanong muli ni Ellize.
“Nope, Brent never forced me to do such action or decision its my own personal desire na hindi lang sa puso ang pagiging babae ko pati na rin sa mismong s*x organ ay gusto kong maramdaman na babae ako that is why nag undergo ako ng surgery at sobrang saya ko sa naging desisyon ko ang I believe na wala namang masama na piliin nating maging masaya as long na wala tayong tinatapakang tao o inaargabyado tao sabi nga life is too short kaya piliin nating maging masaya at maging totoo sa sarili natin kaya po ako ngayon ay lakas loob na humarap sa inyo dahil I choose to live freely and happy at sana po ay maging masaya kayo para sa akin at maging bukas ang lipunan sa mga kagaya ko na matanggap nabahagi kami ng mundong ating ginagalawan,”pagtatapos ni Merrel.
“Isa na naman pong kwento na punong puno ng ispirasyon ang ating natunghayan at nawa ang buhay na mayroon si Merrel ay magsilbing inspirasyon sa lahat lalo na sa l***q Community and I’m so proud of you Merrel and I believe na magsisilbi kang inspirasyon sa lahat at unti unti ay mauunawaan nila ang totoong kwento ng buhay at sana sa susunod na maimbitahan ka namin sa aming show ay makasama mo si Brent at ng makilala namin personally ang Sunshine ng buhay mo so thank you everyone at muli samahan ninyo ako sa mga susunod pang pagkakataon kung saan We Dare to Say the Truth see you next week,” huling linya ni Ellize hudyat na tapos na ang pag ere ng programa.