Untitled Episode

2105 Words
Chapter 14 Pagkatapos na mag paalam si Merrel Sandoval ay diretso na sa meeting room si Ellize kung saan naroon si Berna at iba pang team pagpasok niya ay sinalubong siya ng malakas na palakpakanng grupo. “Napakahusay talaga walang kakupas kupas!” masayang bati ni Bea na agad kinamayan si Ellize. “Bakit ba? grabe sa palakpak ha para namang hindi sila part ng team,” komento ni Ellize. “Halika dito tingnan ko lang hindi ka mapatili kapag nakita mo ang rating at kung pag ilan ang programa mo na trending sa Thinker (Social Media App ),” wika ni Berna. Agad naman lumapit si Ellize para silipin ang tinutukoy ni Berna sa Ipad nito. “OMG! Totoo ba itong nakikita ko at nababasa?” hindi makapaniwalang tanong ni Ellize “My goodness gracious! Ma’am Ellize, Mamsh Berna number one ang show natin sa Thinker grabe ang daming comments at majority ay positive ang sinasabi about sa revelation ni Merrel eto ang ilan # You can lie to anyone else in the world but you can’t lie to yourself ,#dare to say the truth love it,# part two episode with Brent.” Ilan sa mga post na binasa ni Bea mula sa Thinker. “Siguradong matutuwa sa atinsi Ma’am Charina baka mamaya niyan sa halip na once a week ang segment mo ay maging daily na,” komento ni Berna. “ I doubt it mukhang mas okay siya na once a week in that way kasi medyo nasasabik ang viewers na mapanood tayo kapang hindi everyday,” kontra ni Ellize. “Sabagay may point ka diyan but still, congratulations for the job well done napakahusay!” bati ni Berna kay Ellize. “Thank you mamsh and I thank you too dahil kung hindi sa pangungulit mo ay hindi natin mapappayag si Merrel na magpa interview,” sagot naman ni Ellize. Mahigit ng isang oras na natatapos ang pag ere ng segment ni Ellize at masayang nag uusap ang team ng tumunog ang cellphone ni Ellize pagkakita sa pangalan ni Martin na nagrehistro sa screen ay saglit siyang nagpaalam sa mga kasama para sagutin ito. “Hello sweetie,” masayang sagot ni Ellize sa kanyang cellphone. “I’m so proud of you sweetie napanood ko ang episode mo ngayon at wala akong masabi napakahusay mo talaga,” bungad ni Martin kay Ellize. “Thank you sweetie pero sa totoo lang kinabahan ako ng sobra kanina at iniisip ko how will I handle the conversation with Merrel pero as we go on sa kwentuhan parang normal na dumaloy na lang ang batuhan ng tanong at sagot,” kwento ni Ellize. “You’re right napaka natural ng palitan ninyo ng tanong at sagot and you look good ha bagay na bagay ang suot mo today,” puna ni Martin. “Number one fan talaga kita sige ka baka mag artista na ko niyan,” biro ni Ellize. “Huwag naman baka mamaya niyan humingi ka pa ng another three years extension kapag naging artista ka,” kontra ni Martin sa biro ni Ellize. “I’m just kiddin, ikaw kumusta ka na kelan ka uuwi?” tanong ni Ellize. “I’m not yet done eh, I’m still waiting to meet four other businessmen bago pa push ang project ko dito then saka pa lang ako pwedeng umuwi,” nananantiyang sagot ni Martin. “Ahhhhh..... I’m sad pero don’t worry ipag pray natin na maayos agad para sooner makauwi ka na because I miss you so much sweetie,” malambing na sagot ni Ellize. “I miss you too sweetie promise babawi ako once na makauwi ako diyan okay? bye and ingat sa pag uwi,” sagot ni Martin saka tuluyang nagpaalam. Pagbalik ni Ellize sa kwarto kung saan naroon ang grupo ay inabutan niyang nanonood ng balita ang kaniyang mga kasama kaya’t napatingin na rin siya sa umeereng balita. Nasakote ng grupo ni SPO4 Marco Louis Llanada ang grupo ng Matawe Gang sa isang buy bust operation kanina dakong alas singko ng madaling araw sa kahabaan ng Rizal Street kung saan nagpanggap na sibilyan ang ilang pulis nakunyaring naghahanap ng mabibiling shabu sa lugar at positibong naisama sa hide out para bentahan walang kaalam alam ang grupo na napapalibutan sila ng mga pulis at tuluyang napenetrate ang kanilang lugar. Sampu sa kanila ang humihimas na ng rehas samantalang mayroong dalawa na kasalukuyang ginagamot pa sa hospital na nagkamit ng minor injury sa pagnanais na makataas sa grupo ng kapulisan. Ngayon po ay ating kunan ng ilang pahayag si SPO4 Llanada hinggil sa naturang operasyon. “Sir magandang tanghali po, Live po tayo ngayon sa CAV’s tv at nais lang po naming humingi ng kaunting detalye hinggil sa kasong kinakaharap ng Matawe Gang,” simula ng reporter na patuloy na nakasunod sa naglalakad na si Marco. Bahagyang binagalan ni Marco ang paghakbang para sagutin ang tanong na ibabato sa kanyanng field reporter. “Anu-ano po ang kasong kinakaharap ng grupo at maari po ba silang mag piyansa kung sakali para makalabas? “Kakasuhan sila ng illegal possession of Dangerous Drug under Republic Act 9165 and No bail is reccommended,” sagot ni Marco na hindi pa rin tumitigil sa paglalakad. Magtatanong pa sana ang field reporter pero nakapasok na sa presinto si Marco at hinarang na sa labas ng ilang pulis na naroon para hindi na nila ito makulit kaya’t muling humarap sa camera ang reporter para tapusin ang kanyang ulat. “Ayan nga po at ating narinig nahaharap ang sampung miyembro ng Matawe Gang sa paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at ayon kay SPO4 Llanada non bail ang kasong kinakaharap ng grupo kaya’t mananatili sila sa likod ng rehas habang nililitis ang kanilang kaso mula sa CAV’s tv ako si George Luna nag uulat ” wika ng reporter. “Nakita ko na naman ang pulis na yan mamsh hindi pa rin pa napapayag nila George na mag pa interview,” tanong ni Ellize ng makalapit sa kinauupuan ni Berna. “Hindi ko pa natanong eh, Bea pa-contact naman ang nasa News Department kung may balita na sila,” utos ni Berna. “Yes Mamsh, pero share ko lang ha yung huling updates nila sa akin mukhang masyadong mailap si Llanada ayaw ng publicity madalas yung ibang kasamang pulis ang pinapakausap kapag may mga reporters na nasa presinto nila,” kwento ni Bea. “Bakit? Takot sa camera?” natatawang tanong ni Ellize. “My gosh ano ba ang dapat niyang ikatakot eh kung tutuusin pwedeng pwede siyangh ilinya kina Richard Guttierez, Sam Milby at Piolo Pascual sa kagwapuhan at ganda ng katawan,” hindi makapaniwalang komento ni Berna. “Baka naman natatakot na maexpose at matandaan ng mga kriminal,”sagot ni Bea. “Parang wala naman sa itsura niya ang natatakot baka talaga lang mailap sa media kaya todo tanggi,”kontra ni Ellize. “Paano ba yan mukhang ngayon pa lang may tumanggi sa beauty mo Ellize ah,” kantiyaw ni Berna. “Well, its not my lost ang dami pa natin pwedeng i-feature kung ayaw niyang ibandera ang uniporme niya at magaganda nilang ginagawa fine sundalo na lang o kaya sa fire department tayo hahanap ng pwede nating ma-interview,” mataray na sagot ni Ellize. Pigil naman ang tawa ni Berna sa nakitang reaksyon ni Ellize noon lang niya kasi nakita na nainis ito marahil unang pagkakataon talaga na hindi ito napagbigyan sa nais na interview kung bakit on air pa nito nabanggit na nais niyang i-feature si Llanada. “Bakit kaya hindi ang beauty mo ang irampa natin sa presinto? Sa lakas ng convincing power mo sa palagay ko ay hindi makakatanggi si Marco Louis Llanada,” hamon ni Berna. “Mamsh huwag na muna baka hindi kami talaga nakatadhana na magtagpo ayokong masira ang momentum na masaya ako sa katatapos na interview with Merrel Sandoval,” tanggi ni Ellize. “Okay,” tanging naisagot ni Berna. Pag uwi sa condo ng araw na iyon ay apektado si Ellize ng naging pag uusap nila ni Berna hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng inis kay Marco Louis kahit na hindi siya nito direktang tinanggihan kung hindi ang alok na mainterview niya ito sa kanyang show. Naisipan niyang i-review lahat ng balita na umire kung saan nabanggit ang pangalan nito at napansin niyang hindi basta bastang kaso ang ilan sa mga naresolba at na solve nito. Mukhang impressive naman ang record niya yun nga lang mukhang iba rin ang personality, bulong ni Ellize.Ganoon ang tumatakbo sa isip ni Ellize habang patuloy na nanonood ng balita tungkol dito. Samantala ng mga oras na iyon sa Macau ay abala si Martin at Chin para sa pagharap nila sa tatlo pang kliyente na kailangan ma pa oo para tuluyang masimulan ang project sa Macau at mukhang hindi magiging madali ang pakikipag usap nila. “You’re saying that once we agreed to work with you we will gain more profit right?” tanong ni Mr. Tan. “Yes Mr. Tan, I assure you that you will profit with this import/export business,”sagot ni Martin. “But I am already earning with my busines right now and of course in any business everyone is expecting to earn money but how your offer become different from the others?” tanong nito na nag hihintay ng maayos at maliwanag na sagot mula kay Martin. “It will open a new door of opportunity for product exchange from your country to ours and vice versa but since I own a shipping company in the Philippines it will cost much cheaper to transfer your products,” paliwanag ni Martin. “I see your point but sorry to disappoint you, I don’t see anything unusual or an advantage on our part as an investor what I see is how your business will expand and dominate ours once we agree with your offer,” diretsahang sagot ni Mr. Tan. Hindi naman nakahuma si Martin sa pagiging prangka ni Mr. Tan ngayon lang nangyari na nakaencounter siya ng ganito kahusay na negosyante na diretsahan kung magsalita. Tahimik naman na nakikinig ang dalawa pa nilang kasamang negosyante na tila sumusunod lang sa kung ano ang kumpas ni Mr. Tan. Nakakaramdam ng tensyon si Martin na mukhang mabubulilyaso pa ang lakad niya kapag hindi niya napa oo si Mr. Tan. "Mr. Tan I know that you are in doubt about my offer but if you can give me time to present how we manage to be the number one shipping company in our country I’m sure you will agree to give it a try,” panghihikayat ni Martin. Sasagot sana si Mr. Tan ng isang malambing na tinig ang kumuha ng atensyon nila mula sa likuran. “I’m sorry I’m late,” wika ni Cleo Jean na nag aapurang dumating at nag peace sign sa grupo. “There you are I thought you can't make it,” sagot ni Mr. Tan. “Well, I proved you wrong I’m here just little bit late,” malambing pa ring sagot ni Cleo Jean na umikot ang tingin at napahinto kay Martin. Nagtatanong na mata ang muling tumingin kay Mr. Tan kaya’t nagsalita ito. “Well he is Mr. Martin Vera Evangelista the owner and CEO of MVE Corporation who wish to propose business with us but I think I’m still in doubt if I could give him my yes,” prangkang sagot nito. Bigla ang pagseryoso ng mukha ni Cleo at simpleng sinulyapan si Martin na kitang kita niya ang pamumula ng mukha marahil sa deretsahang sagot ni Mr. Tan na hindi ito na-impress sa business proposal na inihanda niya. “But why a sudden decision have you find time to see the whole content of his proposal and plans?” tanong ni Cleo. Tila nakatanaw naman ng pag asa si Martin matapos marinig ang mga tanong ni Cleo kay Mr. Tan kahit na nga parang hindi siya nakikita nito at pirmis na kay Mr. Tan lang ito nakatingin. “The same old Cleo Jean, you are always like that,” paiwas na sagot ni Mr. Tan. “Why? I guess we better eat first before you decide on his offer I heard they bring some foods from their country so you better try it before you reject their offer or else you’ll never have the chance to do so,” biro ni Cleo Jean. Tawanan naman ang ibang kaharap nila sa pagiging bibo ni Cloe Jean ito lang ang tanging nakabiro ng ganoon kay Mr. Tan kaya’t magaan ang usapan kapag naroon ito para mamagitan at maging boses kay Mr. Tan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD