EPISODE 1
Nakaupo ako sa sofa ng mga oras na ito ng may narinig akong malakas na ungol mula sa kabilang kwarto.
"Ugh Ugh Ugh." ungol mula sa kabilang kwarto ng tinitirahan ko.
Kinatok ko ang dingding ng pagkalakas-lakas sa kabilang parte ng kwarto ko para malaman nilang malakas na ang halinghingan nilang dalawa. Hindi naman nag patalo ang mga higad at agad naman itong sumagot sa pag kalampag ko sa kanilang kwarto.
"Mind your own business! b***h!" sigaw ng isang babae sa akin.
Agad na nagpanting ang tenga ko at pinag kakalampag ko ang haligi ng dingding sobrang nanggagalaiti ako sa galit dahil sa ugaling ipinapakita nila sa akin. Hindi naman ako magagalit sa kabastusan nilang dalawa kung hindi nila ako naiistorbo sa pag papahinga ko kaya hindi ako nakapag timpi sa kanila at pinag sisigawan ko sila ng masasakit na salita.
"Ginigigil nyo ako huh! Wala akong pake kung mag pakasasa kayo sa ginagawa nyo pero pwede bang wag kayong mag ingay! Nakakadiri kayo! Dugyot kayong dalawa! Mga bastos at walang modo! Magkatulo sana kayong dalawa!" gigil na sambit ko sa kanila.
Pang gabi kasi ang trabaho ko kaya sa umaga ang pahinga ko. Kakagaling ko lang sa trabaho ng mangyari ang gulong ito kaya sobra nalang ang affections ko dahil pagod at puyat ako galing sa trabaho. Hindi ko alam bakit ang aga-aga netong mga 'to mag libog! Sobrang sakit nang ulo ko dahil halos araw-araw nalang ganyan sa kabila! Mga dugyot! Ka-imbyerna ang mga impakta na 'to hindi pa maubos ang mga lahi nilang mga sabik sa tawag ng laman.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pag ngangawa ko ay tumahimik na din yung babae sa kakasagot sa akin at naging payapa na din ang kapaligiran. Unti-unti ko na muling kinukuha ang antok ko habang nakahiga sa sofa hanggang sa nakatulog na nga akong muli.
Lumipas ang ilang oras ay nagising na ako mula sa isang malalim na pagkakatulog.
Ilang oras din akong nakatulog pag katapos ko silang awayin na dalawa at kalampagin.
"Aaaaaahhhhh... Ang sarap matulog." sambit ko habang inuunat ko ang aking mga kamay paitaas.
Humikab ako ng pagkalaki-laki sabay tingin ko sa orasan na naka patong sa lamesa sa harap ko.
"Oras na para magluto ng pagkain ko." sambit ko.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at tumungo na ako sa kusina upang tumingin ng iluluto ko. Binuksan ko ang ref at nakita ko na puro bottled water lang ang laman nito.
"Yung supervisor ka sa isang internation company at kumikita ka ng malaki pero ang laman ng refrigerator mo ay bottled water lang? nakakatawa na nakakaawa ka Agatha!" Inis kong sambit sa sarili ko.
Sinarado ko muli ang ref at tumingin ako sa cabinet ko.
"Wow! May Noodles at Itlog!" masaya kong sabi.
Kinuha ko ng mabilis ang lutuan at binanlawan ito. Magluluto ako ng masarap na pananghalian.
"Italian cruising 'to!" natatawa kong sambit sa sarili ko.
Binuksan ko na ang kalan at nagpakulo na ako ng tubig sa kasirola. Ilang minuto lang ang lumipas ay inilagay ko na ang noodles. Half cooked lang para sa noodles para hindi siya saggy kapag kakainin mo na. So, ayan na nga nilagay ko na din ang seasoning at nilagay ko na ang itlog.
"Viola! Special Egg noodles!"
Sigurado ako kapag nakapag asawa ako magiging obese yun sa akin kasi puro processed food ang ipapakain ko sa kanya dahil nga di ako marunong magluto!
Pagkatapos kong kumain ay umupo muna ako sa sofa para mag pahinga piling ko na impatcho na ako sa kinain kong noodles at itlog. Sobrang boring sa bago kong nilapatan na bahay wala pang kaayos-ayos ang apartment ko siguro mga isang buwan na ako dito? Kilala na nga ako ng kapitbahay kong womanizer eeh! Sobrang babaero! Araw-araw iba-iba ang babaeng dinadala niya sa bahay niya para makipag ano! Alam mo na yun! Naubos na ang oras ko kakatunganga kaya nag madali na akong naligo pagkatapos kong naligo ay agad akong umakyat sa kwarto ko para mag ayos ng sarili ko. Medyo mahirap mag maintenance ng sarili lalo na kung wala pa naman akong pinapagandahan na lalaki. Umupo ako sa kama ko at tumunganga ng ilang minuto bago ko inilabas ang blower ko at mga pampaganda. Mas mabilis pa akong natapos maligo kaysa mag kilay!
"Bakit kasi ganito ang kilay ko? Parang kay Monalisa lang? Nakakainis naman!" gigil na sambit ko.
Hindi pa natapos sa pag kikilay ang kalbaryo ko. Binuksan ko ang closet ko at nakita ko ang sandamakmak na damit ko.
"Alin dito ang susuotin ko? Sa dami nito hindi ko na alam kung anong susuotin ko." sambit ko.
Kuha dito, kuha doon, tapon dito at tapon doon dahil sa dami kong pagpipilian ay hindi ko na alam kung anong susuotin ko kaya ang kama ko ay napuno na naman ng ibat-ibang damit ko.
Wala na akong choice at ubos na ang oras ko dito palang kaya minadali ko na ang pagbibihis ko at lumabas na ako sa apartment ko. Pagkalabas na pagkalabas ko palang ng apartment ko ay nakita ko na naman si William yung may ari ng katabing kwarto ko yung sinasabi ko sa inyo na lalaki na walang satisfaction sa sarili! yung womanizer na si William! Iba na naman ang kasama nitong babae halos araw-araw iba ang babaeng kasama niya sa apartment niya.
"Hi Agatha!" nakangiting bati nito sa akin.
Tiningnan ko lang siya mula ulo hanggang paa yung tipong nire-rate mo buong pagkatao niya tsaka ko siya tiningnan ng masama at pagkatapos ay umalis na ako sa harap nilang dalawa.
"Tssss.... Sungit mo naman!" sigaw ni William sa akin.
Tumingin ako ng masama sa kanya sabay itinaas ko ang kanang kamay ko sabay saludo sa kanya ng gitnang daliri ko. Ngumisi naman siya sa ginawa ko.
Lumabas na ako sa building ng apartment ko. Habang naglalakad ako papasok sa trabaho ay nakita ko na naman yung Aleng laging nakatingin sa akin ng masama. Nginitian ko ito baka mag bago ang awra niya sa akin ngunit walang nangyari sa pag ngiti ko sa kanya. Matalim lagi tingin nito sa akin na para bang may gustong sabihin sa akin o sadya talagang ganyan ang kanyang mga tingin.
Habang binaybay ko ang kahabaan ng kalye na lagi kong dinadaanan ay nakakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko parang may nakatingin sa akin habang naglalakad ako ngunit wala naman katao-tao sa daan. Nanlalamig na ang kamay ko habang naglalakad ako sa short cut na dinadaanan ko at sa wakas ay nakakita na din ako ng iba pang tao sa daan lagi kasi akong nag sho-short cut papunta ng trabaho para mabilis akong makarating sa trabaho ko.
Mahilig tayo sa short cut na daan para makaiwas tayo sa hassle at mataong lugar ngunit hindi ko talaga kayang i-explain ang nararamdaman ko everytime na dumadaan ako dito. Parang may matang nakasubaybay sa akin dito pero kahit na ito ang pakiramdam ko sa daan na 'to ay dito pa din ako dumadaan. Ewan ko ba? Natatakot na ako dito sa daan na 'to pero dito pa rin ako daan ng daan.
Bago ako pumasok sa trabaho ko ay dumaan muna ako sa cafe na lagi kong binibilhan ng kape at snacks ko.
Sa b****a palang ng cafe ay makikita mo na agad si Mang Fredie na nakangiti sa akin.
"Good Evening po Ma'am Agatha," bati sa akin ni Kuya Fredie.
"Good Evening din po kuya." bati ko pabalik sa kanya.
Binuksan ni Mang Fredie ang pinto ng cafe kaya pumasok na ako sa loob nito. Tumingin ako mula sa malayo at nakita ko ang spot ko na empty nagmadali agad akong tumungo doon at umupo. Saan ba yung sinasabi kong spot sa cafe? Ito yung sa elevated part ng cafe meron kasi ditong mga florals na tanim parang wild forest na datingan kaya nagustuhan ko agad. Dito ako lagi nakaupo piling ko kasi may naaalala ako sa mga gantong vibes.
Pag upo ko sa upuan ay inilabas ko na ang laptop ko at nagsimula na akong mag sulat ng aking kwento. Bukod kasi sa nagtatrabaho ako sa gabi bilang isang Manager sa isang international company ay writer din ako. Hobby ko na ang magsulat ng mga kwento pampalipas oras kumbaga maaga pa naman ang oras na gugugulin ko sa pagsusulat kaya magsusulat muna ako bago ako papasok sa opisina.
Habang nagsusulat ako ay biglang lumapit sa akin si Charles dala-dala ang paborito kong snacks at frappe.
"Nandito na ang Hazelnut Frappuccino with lots of cashew & almonds for Ma'am Agatha," nakangiti niyang sabi habang abot-abot ang paborito kong frappe.
"Salamat Charles." sambit ko sa kanya sabay ngiti.
Iniabot ni Charles ang isang maliit na note sa akin sabay alis niya sa tabi ko.
"Cheer up! And wear your biggest smile today because today is a special day!" -Charles.
Meron palang ka-artehan 'tong si Charles at may pa note-note pa sa akin.
Kumaway ako sa kanya mula sa malayo sabay sabing "Thank you".
Nakakatuwa ang mga ganito simpleng note lang 'to pero sumaya ako.
Itinuon ko na ang atensyon ko sa frappe ko at ininom ko na ito. Paborito kong talaga itong frappe na 'to kahit na ba-balance niya yung sweetness at bitterness ng drink tapos sinamahan pa ng cheesecake na may kaunting kaalatan. The best combo talaga! Simula pagkabata ko ay paborito ko na ang mga nuts kahit anong klaseng nuts pa yan kakainin ko yan.
Ilang oras ang nakalipas matapos kong inumin at kainin ang order ko nakapag update na din ako sa sulat ko kaya sinipat ko ang relo ko at nakita kong mag aalas dyes na pala ng gabi. Oras na para pumasok sa trabaho at mag panggap na mabuting empleyado.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumungo na sa counter para magbayad ng kinain ko.
Tinawag ko ang atensyon ni Charles at inabutan ito ng tip para sa pampagoodvibes niya sa akin.
Pagkatapos kong mag bayad ay umalis na ako at tumungo na sa opisina.
Madilim na ang kapaligiran at napaka kunti na ng tao sa mga oras na 'to kaya solo ko nalang ang pag pasok sa elevator. Sa 20th Floor ang opisina ko! Imagine sobrang tagal kong mag hihintay sa elevator ng walang kasama. Walang kasama. Take note! Walang kasama! Sobrang bading ako mag isa pero mag isa akong papanik sa 20th floor ng mag isa dahil wala na ang attendant ng ganitong oras. Pag sara na pag sara ng pinto ay pinindot ko agad ang 20th floor na button at pumikit ako. Hindi ako takot mag isa pero takot takot talaga ako! Chareng! Takot ako mag isa sa elevator namin dito sa building na 'to paano yung elevator nila puno ng salamin. Sa umaga hindi nakakatakot tumingin sa salamin pero simula nung na experience ko yung nakakapangilabot na nangyari sa akin dito sa elevator ay sobra na talaga ang takot ko.
Break time namin nung panahon na nangyari yun alas tres ng umaga bumaba ako para bumili ng sanitary napkin ko dahil wala akong mauutusan nito at nakakahiya iutos sa mga kasama ko. Pumasok ako sa elevator sa una maganda pa ang mood ko nag papacute pa ako sa salamin tapos bigla nalang namatay ang ilaw ng elevator kaya bigla akong nagsisisigaw sa loob. Pagkabukas na pagkabukas ng ilaw ay nakita ko yung babae na nakatayo sa harap ko! Duguan ang damit niya at wala siyang mga mata! Sobra talaga ang takot ko ng araw na ito kaya simula noon ay hindi na ako pumapasok ng elevator mag isa.
Kapag wala akong kasama pumasok sa elevator ito na nga ang ginagawa kong hack para hindi ako matakot. Nakapikit ang mga mata ko hanggang sa bumukas ang elevator tapos tatakbo ako palabas ng elevator na parang bata. Nakakatawa mang pakinggan pero proven and tested ko na 'to.
Ilang minuto ko din pinikit ang mata ko at pagkaraan ng tatlong minuto ay tumunog na ang elevator. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita kong nakangisi sa akin si Zach.
"Sino yang nasa likod mo?" bigla niyang tanong sa akin.
Agad akong tumingin sa likod ko at biglang bumilis ang t***k ng puso ko kaya patakbo akong pumunta kay Zach at sa hindi inaasahan ay bigla akong natapilok sa pagtakbo ko kaya na sprain ang paa ko.
"Araaayyyy!" sigaw ko kay Zach.
"Ooh anong ginagawa mo?" patawang sambit ni Zach.
Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya nadagukan ko si Zach ng hindi oras.
"Yung paa ko! sobrang sakit! Sige manakot ka pa! Leste ka!" sabay hampas ko sa kanya.
"Awww! Sorry na," malungkot niyang sambit sa akin.
"Bakit kasi kailangan manakot Zach! nakakainis ka naman!" galit na sambit ko sa kanya. , "Paano na ako maglalakad nito! Sobrang sakit ng paa ko,"
"Halika tulungan kitang maglakad," pagtulong ni Zach sa akin sabay ngisi sa tabi ko.
"Tawa pa! Hindi ko pipirmahan yung leave mo! nakakainis ka!" galit na sambit ko.
"Hala Ma'am Aga! Sorry na. Gabi na nga eeh nag susungit ka pa," patawang sambit nito sa akin.
"At talagang pinag titripan mo ko Zach. Hindi purkit tropa tayo gaganyanin mo na ako huh," pang iirap ko sa kanya.
"Libre nalang kita ng favorite mong frappe. Ok ba yun?" pang aamo niya sa akin.
"Letse! Hmmmm... Sige!" Inis kong sambit sa kanya.
Hinatid niya ako mismo sa upuan ko kaya hindi na ako nahirapan mag-lakad.
"Bukas Ma'am pa-check mo yung paa mo baka mamaga yan," sambit ni Zach sa akin.
"Talagang ipapacheck up ko to! Bwisit ka!" pag susungit ko sa kanya.
Umalis si Zach na tumatawa kaya mas lalo akong nabadtrip. Kinuha ko na ang laptop ko sa bag ko at binuksan ko ito sa tabi ng monitor ko. Lagi ko itong routine kapag may pasok ako sa trabaho mag susulat ako ng kwento habang nag tatrabaho ako.
Lumipas ang ilang oras at dumating muli si Zach na may dala-dalang pagkain. Peace offering daw niya sa akin.
"Ooh Agatha! Hazelnut frappucino at cheesecake para sa masungit kong Boss!" sambit nito sa akin.
"Peace offering na ba tawag dito eeh parang nag aasar ka pa?" inis na sambit ko.
"Sorry na nga eeh. Sige na kainin mo na yang cake na dala ko at inumin mo na yung frappe." ngiti nito sa akin.
Pagka abot ni Zach sa akin ng box ng cake ay patakbo siyang umalis sa harap ko.
"Hindi man lang ako nakapag pasalamat." sambit ko nalang.
Binuksan ko yung box ng cake na dala niya at sa pagbukas ko ay walang laman na cake kung hindi puro scratch paper lang.
Nag init lalo ang ulo ko kay Zach kaya hindi ko napigilang sumigaw mula sa opisina ko.
"Zach!!" galit na sigaw ko mula sa office ko.