Mabaho at madumi ang loob ng kusina namin ni William ngayon dahil sa pag lilinis na ginagawa namin. "Pasensya na hindi namin inaasahan na maraming laman pala ang ref na 'to," natatawang sambit ni William sa mga tauhan niya. "Ok lang sir! Ano pa po ang ipapabuhat niyo sa truck?" "Ito na lang muna mga kitchen tools," "Sige po sir." Agad na pinag bubuhat ng mga trabahador ni William ang mga gamit sa kusina at mabilis na umalis. Madami pa ang pwedeng kainin sa ref namin kaya itinabi namin ito at binalot para ibigay sa mga tauhan ni William at ang mga hindi na pwede ay itinapon na namin. Ang lahat ng mga tupperware na ginamit sa ref na hindi na mapapakinabangan ay pinag tatapon na rin namin. Yung mga drinks na binili namin tinabi namin para idala sa hotel kasi hindi pa ito sira dahil buk

