EPISODE 3

2590 Words
"Aga?" "Ma'am Aga?" "Agatha?" Paulit-ulit na tawag ni Ma'am Angela sa akin. Nakatulala lang ako at malalim ang aking iniisip ng mga oras na ito. "AGATHA!" sigaw ni Ma'am Angela sakin kasabay ng pag-tapik sa braso ko. Bigla akong nagising sa pagkakatulala ko dahil sa pagkalakas-lakas na tapik ni Ma'am Angela sa braso ko. "Aaww!" sigaw ko sa kanyang habang hinihipo ang braso ko. Napatingin ako ng matalim kay Ma'am Angela habang hipo-hipo ang braso ko. "Anong nangyari sayo? Kanina pa kita kinakausap! Lutang ka girl?" inis na sambit nito sa akin habang naka pamaywang. "Grabe sa palo sa akin Ma'am Angela ang sakit!" inis kong sambit sa kanya. , "Wala lang 'to! Bawal na ba matulala kapag katapos kumain? Diba pwede naman?" paliwanag ko sa kanya. "Pasensya na akala ko kasi kinuha na ng multo yung espiritu mo tapos siya na ang nag take over ng katawan mo," natatawang sambit sa akin ni Ma'am Angela. "Ma'am naman eeh! Alas tres ng madaling araw nag jo-joke ka ng ganyan!" takot kong sambit sa kanya. "Ayy oo nga pala! Pasensya na po Madam." sabay tapik ng bibig niya. Kinilabutan na naman ang buong katawan ko kaya inaya ko na siyang pumunta sa coffee shop para bumili ng snacks namin. "Tara na nga at ilibre mo na ako. Nagugutom ulit ako Ma'am Ange," sambit ko sa kanya habang hila-hila siya palabas sa isang kainan. Tumayo na kaming dalawa at umalis na kami sa kinainan namin. Hawak-hawak ko ang kamay ni Ma'am Angela habang naglalakad kami papunta sa paborito kong cafe. "Ang lamig ng kamay mo girl!" sambit ni Ma'am Ange sa akin sabay bitaw ng kamay ko. "Mamsh naman! Grabe ka talaga sa akin," malungkot kong sambit sa kanya. , "Ang dami mong hanash sa akin kanina ka pa aah," "Paano naman kasi parang pang bangkay yung lamig ng kamay mo," sambit niya sa akin. "Ma'am! Alam ko na nasa isip mo tumigil kana sa pananakot mo! Gusto mo ba ako nalang manlibre sayo?" paanyaya ko sa kanya. "Yun lang pala ang magpapalibre sa akin. Sure! Sagot mo na ako aah gusto ko ng tiramisu at chocolate frappe," nakangiting sambit niya sa akin. "Araso sige na ako na bahala sa lahat! Wag ka lang mag salita ng kung ano-ano diyan." Ilang metro din ang layo ng cafe sa kinainan namin kaya pag dating namin doon ay gutom na naman kami. Walang humpay ang kwentuhan namin dalawa akala mo ilang taong hindi nagkita. Pagdating palang namin sa cafe ay nakita ko na agad si Mang Fredie na nakangiti sa akin. "Good evening po Ma'am Agatha. Mukang napabalik ka dito sa cafe aah," nakangiting sambit ni Mang Fredie sa akin. "Nako Manong ito kasing kaibigan ko gusto ng frappe niyo kaya dinala ko na siya dito," nakangiting sambit ko sa kanya. Binuksan ni Mang Fredie ang pintuan at pumasok na kami sa loob ng cafe. Nakita kong bakante ang favorite spot ko kaya nagmadali akong umupo doon. Mabilis ang pangyayari para akong si Flash ng mga oras na 'to ang bilis kong nakarating sa upuan kahit na paika-ika ako sa paglalakad. Natatawang hinabol ako ni Ma'am Angela sa upuan. "Girl!" natatawa niyang sambit sa akin. "Ano na naman yan Ma'am?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Grabe! Sobrang napapasaya mo ako ngayong araw," natatawa niyang sambit sa akin. "Ano na naman yan? Talagang pinag titripan mo ako Ma'am Angela," iritableng sambit ko sa kanya. "Paano naman kasi Ma'am Agatha pilay kana pero yung takbo mo parang pang runner pa na ika-ika version," sambit niya habang tumatawa sa akin. "Ikaw nag palala ng pilay ko Madam," inis kong sambit sa kanya. "Ayy oo nga sorry na Madam Agatha," "Ikaw ang taya sa pagkain natin ngayon akala mo magugulangan mo pa ako Ma'am Ange aah," sambit ko sa kanya habang nag yayabang. "Fine! Ako na nga bibili sige na mag hintay kana dito at ako na ang mag oorder." sambit niya sa akin sabay tayo sa upuan para pumunta sa counter. Nakaupo lang ako habang tinitingnan si Ma'am Angela sa counter wala namang masamang nangyari sa akin. Pagkatapos ni Ma'am Angela umorder ng pagkain ay bumalik na siya sa pwesto namin. Umupo si Ma'am Angela na nakangiti sa akin sabay biglang tanong. "Kapag ba niligawan ka ni Zach sasagutin mo siya?" tanong niya bigla sa akin. "Huh? Bakit naman manliligaw sa akin yung mokong na yun?" tanong ko sa kanya pabalik. "Hmmm... Malay mo naman diba? Walang imposible sa mundo," "Wala ngang imposible pero wala akong balak kay Zach. Tirisin ko pa yung kuto na yun eeh," "Grabe sa kuto Ma'am huh! pero anyway kamusta pala sa apartment mo? Maganda bang tumira doon?" tanong sa akin ni Ma'am Angela. "Ok naman medyo hussle nga lang sa pag tulog kasi may mga malilibog na kapitbahay,"  inis na sambit ko sa kanya. "Malilibog talaga?" gulat na tanong niya sa akin. "Oo! As in Ma'am malilibog talaga! Paano ba naman ke aga-aga nag sisiping sila! Sinong matutuwa dun diba?" galit kong sambit sa kanya. "Nakakainis nga!" sambit nito sa akin. Habang nag uusap kami ni Ma'am Angela ay biglang pumasok ang isang maingay na couple. Sobrang ingay nila the fact na naiistorbo na nila ang mga ibang clients. Pag tingin ko sa direksyon nila ay nakita ko si William na akay-akay ng isang babae tawa sila ng tawang dalawa na tila ba'y lunod sa kalasingan. "Speaking of the devil Ma'am Angela," inis na sambit ko kay Ma'am Angela. "Ano yun? Bakit?" tanong niya. "Yung kapitbahay kong manyak, malibog at tarantado ay papalapit sa pwesto natin," Mabilis na lumingon si Ma'am Angela sa direksyon ni William at bigla nalang siyang napahawak sa bibig niya. "s**t! Ayan ba yung sinasabi mong malibog, manyak at tarantado?" tanong sa akin ni Ma'am. "Ooh? Anong meron? Bakit mo natanong?" naguguluhang tanong ko sa kanya. "Ang pogi!!! Hindi mo naman sinabi na ganyan pala kagwapo yung kapitbahay mo!" nakangiti niyang sambit sa akin. "Ewww! Gwapo na sayo yang animal na yan?" inis kong sambit sa kanya. "Bilisan na natin dito para masolo na kita sa bahay," malanding sambit ni William sa kasama niyang babae. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko kaya bigla akong umubo ng malakas dahilan para makuha ko ang atensyon nila. "Ahemm pokpok!" biglang ubo ko. Napatingin sa akin si William at ngumiti ito ng pagkalaki-laki sa akin. Tinakpan ko ang mukha ko at nagtago ako sa likod ni Ma'am Angela. "Bakit ka nagtatago sa akin?" tanong sa akin ni Ma'am Angela. "Nakatingin siya sa akin Mamsh!" bulong ko sa kanya. "Ano naman kung nakatingin siya sayo?" bulong niya pabalik sa akin. "Wala naman ang korny lang ng tingin niya sa akin," "1 Hazelnut frapuccino for Ma'am Agatha and 1 Chocolate Frappe for Ma'am Angela," biglang singit ni Charles sa amin. "Salamat Charles!" Agad kong inabot ang dala niyang frappe at pagkain sabay talikod ko sa direksyon ni William. Tumingin ako sa orasan ko at nakita kong ilang minuto nalang ang nalalabi namin at mauubos na ang oras namin para sa break time. "Bilisan na nating kumain Ma'am Angela ma o-overbreak na pala tayong dalawa." sambit ko kay Ma'am Angela. Nagmadali na kaming kumaing dalawa at hindi tumagal ay natapos namin ang kinain namin. Agad akong tumayo sa upuan ko at sa pagharap ko ay biglang ngumiti sa akin si William. Hindi ko na naman natiis ang sarili ko kaya bigla na naman tumirik ang mata ko ng nakita ko si William. "Inis!" bigla kong nasambit. Tumingin sa akin yung babaeng kasama niya at biglang nagsalita. "Kami ba ang sinasabihan mo ng inis?" galit na sambit niya sa akin. "Huh? Pa epal ka?" galit na tanong ko sa kanya. Biglang tumayo sa kinauupuan yung babae at lumapit sa akin. "Girl distansya naman ang baho mo kasi eeh," inis na sambit ko sa kanya. "Aba! Anong mabaho? may depekto na ba ang ilong mo?" "Ewww!" habang tinatakpan ang ilong ko. "Ewww?" galit na tanong sa akin ng babae. Sasabayan ko sana sa urat itong babae na 'to pero hinila na ako ni Ma'am Angela palabas ng cafe. "Halika na nga at ma le-late na tayong dalawa sa office," sambit niya sa akin. "Nako! Masasampal ko yung babae na yun eeh! Mali siya ng binangga," inis na sambit ko. "Hayaan mo na yun lasing lang yun kaya ganun," pangaamo sa akin ni Ma'am Angela. "Haysst! Ok! Ok!" Naglakad na kami muli ni Ma'am Angela papunta sa office. Medyo nahiya din ako sa ugaling  pinakita ko kay Ma'am Angela paano kasi sinong hindi maiinis sa ganung ugali nakisabat na nga paepal pa. Habang nag lalakad kami ni Ma'am Angela ay bigla na namang siyang nagtanong tungkol sa lovelife. "Gusto mo ba bigyan kita ka blind-date?" tanong niya sa akin. "Urghhh! Ayoko Ma'am," malungkot na sambit ko sa kanya. "Mag nobyo kana kasi bakit ba ayaw mong mag nobyo?" panunukso niya sa akin. "Pare-pareho lang naman mga lalaki bakit pa ako papasok sa ganyan. Sakit lang sa ulo yan kaya mas magandang single nalang ako," sambit ko sa kanya. "Oi! Hindi naman lahat ng lalaki magkaka-pareho," sambit niya. "Ooh? Ayy Oo! Yung iba daks tapos majority juts! Tama?" pang aasar ko sa kanya. "Grabe ka Ma'am Angela. Hayy nako! Baguhin mo yang pananaw mo sa lalaki. Tumatanda tayo hindi bumabata aah," inis na sambit nito sa akin. "Basta para sa akin pare-pareho lang ang mga lalaki. mga MANLOLOKO!" mariing na sambit ko. Hindi na kumibo pang muli si Ma'am Angela dahil sa sinabi ko. Iba na talaga ang tingin ko sa mga lalaki simula noong nakilala ko si William yung kapitbahay ko. Basta! Meron pang ibang dahilan na iba! "Ahmm Ma'am Angela?" tanong ko sa kanya. , "Na o-offend ka ba sa akin kapag hindi tayo mag kasundo? I mean, Hindi ko talaga maintindihan sarili ko. Siguro takot lang ako mag commit sa isang relasyon kasi takot akong masaktan!" sambit ko sa kanya. Hinawakan ni Ma'am Ange ang kamay ko at sabay sabing. "Walang mawawala kung susubukan mo." Nakangiting sambit nito. Ngumiti lang ako sa kanya at sa pag uusap naming dalawa ay hindi ko namalayan na nakasakay na pala kami sa elevator ng building namin kung saan madaming kuro-kuro na kumakalat. Nawala ang takot ko ng bahagya sapagkat na lagyan ng iisipin ang utak ko dahil sa LOVE LIFE na yan pero sige bakit hindi natin subukang makipag relasyon? Tutal nasa tamang edad naman na ako at kaya ko naman na financially. Inihatid ako ni Ma'am Angela sa opisina ko dahil masakit-sakit pa din ang mga paa ko. Pinaupo niya ako sa upuan ko at iniwan na akong mag isa pagkaalis na pagkaalis ni Ma'am Angela ay itinuon ko na agad ang atensyon ko sa pag tatrabaho.  Binuksan ko ang recording files namin at pinakinggan ko ang mga calls ng mga agent namin ng may narinig akong isang boses. "Agatha..." isang mahinang boses mula sa calls ni Anna. Unti-unti na akong naguguluhan sa naririnig ko.  "Bakit may mga ganto sa recordings? Pinag titripan ba nila ako?" tanong ko nalang bigla. Medyo nakakabaliw na ang mga nangyayari ngayong araw. Anong araw na ba ngayon at sobrang eerie ng mga nagaganap sa akin. Binuksan ko ang cellphone ko at tiningnan ko ang kalendaryo. "Kaya naman pala ganito na naman ang mga nangyayari ngayon malapit na pala ang araw." sambit ko. Nagbukas muli ako ng bagong recording file at pinakinggan ko naman ito. "b***h! Your soul will be rotten in hell!" sigaw nito sa akin. Bigla akong napatayo sa upuan ko dahil sa galit na boses na narinig ko. Hindi na ako nakatiis pa sa mga naririnig ko sa recordings kaya tinawag ko na sina Randolf at Anna. Lumapit agad silang dalawa sa akin at nag tanong kung bakit ko sila pinatawag. "Ma'am Aga, Ano pong problema?" tanong ni Anna sa akin. "Kamusta ang calls nyo? Hindi ba nagpi-feedback satin yung mga boses dito sa office?" nag aalalang tanong ko sa kanila. "Hmmm... Hindi naman Ma'am kasi kapag nasa calls kami bawal kami mag usap-usap," sambit ni Randolf. "Aaah... Ok! Sige yun lang naman ang itatanong ko sa inyo," sambit ko sa kanila. "Sige po Ma'am, Balik na po kami sa trabaho," sambit ni Randolf. "Sige salamat!" sambit ko sa kanila. Umalis agad sina Anna at Randolf sa opisina ko at naiwan na ako sa opisina ko mag isa. Hindi talaga ako mapalagay sa narinig ko kasi pangalawa na ito ngayong araw. Pagkaalis nilang dalawa ay agad kong chinat si Ma'am Angela para tingnan yung recording files ko. "Ma'am Ange? Paistorbo naman! Pwede ka ba pumunta sa office ko?" chat ko sa kanya. Ilang segundo lang ang lumipas ay agad namang nag response si Ma'am Angela sa chat ko. "Sige saglit lang." reply nito sa akin. Lumipas ang ilang minuto nang paghihintay ko kay Ma'am Angela ay dumating na siya dala-dala ang isang botilya ng ointment. "Ooh! Ointment para sa paa mo. Ilagay mo na ngayon yan para maginhawaan ka. Anong meron at pinapapunta mo ako dito?" tanong nito. "Halika! Pakinggan mo nga 'tong recordings na 'to." abot-abot sa kanya ang headset. Tumabi naman agad sa akin si Ma'am Angela para pakinggan ang calls ni Randolf at Anna. Tumingin siya sa akin ng matalim at nag bugtong hininga. "Haaaaaahh," isang malalim na bugtong hininga ang narinig ko kay Ma'am Angela. "Anong meron?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Wala naman akong narinig na mali sa calls nila," sagot nito sa akin. "Eeeh? Bakit ang lalim ng bugtong hininga mo?" tanong ko sa kanya. "Wala naman. Ano bang meron sa recordings na 'to?" nagtatakang tanong niya sa akin. "Pakinggan mo yung 10:51, Dali!" sambit ko sa kanya. Inilagay niya sa 10:45 ang recording at hinintay niyang mag 10:51 pero walang nag bago sa mukha niya. "Ano may narinig ka?" tanong ko sa kanya. "Wala nga! Ano bang meron? Pakinggan mo, Ooh!" Abot pabalik sa akin ang headset. Pinakinggan ko ulit ito at sa pangalawang pakinig ko dito ay wala na ang boses na inaantay ko. Parang bigla nalang nawala yung boses ng babae. "Natutulala ka na naman diyan Aga!" sigaw sa akin ni Ma'am Angela. Napatingin lang ako sa kanya. "Meron kasing boses ng babae na nag a-appear sa mga recordings na pinarinig ko sayo pero ngayon wala na," sambit ko sa kanya. "Hayyy nako! Antok lang yan. Mamaya pag uwi mo dumiretso ka kaagad sa doctor para sa sprain mo tapos mag pahinga ka hah. Kung ano-ano na naririnig mo." sambit nito. Nakatingin lang ako kay Ma'am Angela habang papaalis siya sa opisina ko. Lumipas ang ilang oras na nakatitig lang ako sa monitor ko. Lumalalim ng lumalalim ang iniisip ko dahil sa mga naririnig ko. Hindi ako nababaliw para sabihin nyong iba-iba ang naririnig ko ngayon. Hindi ko din alam kung bakit parang may nag re-register na boses sa tenga ko hanggang sa tumatambay na ito sa utak ko. Nakakatakot! Para ka talagang mababaliw kapag mag isa ka lang naman tapos may biglang magsasalita sa tabi mo. Hindi na talaga mawawala sa akin ang takot ngayon lalo na't paulit-ulit nila akong tinututya sa elevator. Ayoko na sanang balikan yung nangyari sa akin noon sa elevator pero habang mag isa ako dito sa opisina ko ay mas lalo kong naaalala yung babae na nagpakita sa akin sa elevator. Nasubukan ko ng mag patingin sa psychiatrist dati at nag undergo talaga ako sa mga test dito dahil nag karoon ako ng trauma dahil sa pagkamatay ng kapatid ko. Sobrang dinamdam ko ang mga panahong nawala siya sa piling ko dahil sobrang close kami ng kapatid kong ito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD