EPISODE 91

2228 Words

Dalawang taon na mula ng mawala na parang bula si Agatha sa hospital. Hindi ko alam kung saan siya pumunta at kung bakit niya ako iniwan na parang tanga. Sabi ng iba nakita nila si Agatha na wala sa sarili at palakad-lakad sa daan kaya hinagilap ko agad siya kung saan siya namataan ngunit wala na siya rito. May nagsabi naman sa akin na pumunta siya ng ibang bansa at may nagsabi naman sa akin na umuwi sa kanila. Ginawa ko na ang lahat ng sinabi nila ngunit hindi ko nahanap si Agatha. Sobrang nakakapanglumo ang nangyari sa akin ngayon dahil dalawang malapit sa buhay ko ang nawala hanggang sa naisipan kong bumalik muli sa Batanes kung saan ako nakahanap ng payapang kaisipan. "Saan ka na naman pupunta pare?" tanong sa akin ni Pat. "Mag liligalig na muna ako at hahanapin ko 'yung asawa ko,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD