Lumipas ang mga araw at masayang nairaos ang aming kaarawan ni Syrina sa loob ng hospital ay pinauwi na kami rin kami makalipas ang isang linggo ng aming recovery para sa bahay na lang lubusang mag pagaling. Malaki ang aming mga peklat sa tagiliran. Ang peklat ko ay nasa kaliwang bahagi ng katawan ko sapagkat nasa kaliwa ko si Syrina. Ang peklat naman ni Syrina ay makikita sa kanang bahagi ng tagiliran niya. Sa unang buwan naming dalawa ay hirap pa kaming maglakad at humiga ng maayos kaya tinutulungan pa kami nila mama at papa. Lumipas ang panahon at maayos na ang lahat sa aming dalawa ni Syrina. Nakuha ko na ang buhay na gusto ko ngunit hindi ko na naaalagaan ang kakambal ko. Naging aktibo ako sa lahat ng aktibidades sa paaralan namin ngunit si Syrina naman ay ganun pa rin tahimik a

