Pinagmasdan si Aina ang kapatid na na hindi na siya kilala. "Laro tayo Aina." "Magmula ngayon ako ang tatawaging Aina. Ako ang bunso at ikaw na naman ang magiging ate ko." Sabi nito sa hawak na barbie doll pagkatapos ay tumawa ng malakas. Napaluha na lamang si Aina. Ang totoo siya sana ang isasama ng Don ngunit di siya pumayag kaya naman nagprisinta na lamang si Airen kahit ayaw din nito. Hindi sila sanay mamuhay sa di nila kinagisnang pamilya. Nahihirapan silang mag-adapt lalo na't hindi rin naman sila welcome sa pamilya. Kaya lang napilitan si Airen na sumama ngunit ito ang nagiging resulta. "Salamat. Salamat sa tulong mo." Sambit ni Airah na nasa likuran niya. "Ginawa ko lang kung ano ang nararapat." Sagot ni Aina. Bago pa man ang final hearing sa korte, pinuntahan ni Aina si Air

