Nang sabihin ni Nova na buhay pa ang anak ko, saglit akong natigilan. Ang pagkawala ng anak ko ang isa sa pinakadahilan ng matinding galit ko sa mga Lionheart. Ang pagtitiwala ni Don Art sa ibang tao kaysa sa akin na tunay niyang anak. Ang pagpili niyang maging tagapagmana ang isang lalake kaysa sa mga babae. At ang pagpadala niya sa akin sa Amerika kahit na ayaw ko. Kinasusuklaman ko siya. Kinasusuklaman ko silang lahat. Napatingin ako kay Airah na tinutulak ang wheelchair ni Aikoh. Hindi ko inaasahan na mapapalapit siya sa mga pekeng pamilyang ito. Hindi niya dapat pinagkakatiwalaan ang mga taong dahilan ng pagiging miserable ng buhay namin. Ito palang ang pagsisimula ng paghihiganti ko kaya ayaw kong papagitna sa aking paghihiganti si Airah. "Madam, bakit di mo nalang lapitan ang a

