Iiling-iling naman si Throne habang pinagmamasdan ang papalayong pigura ng pinsan. Hindi niya alam kung bakit wala yatang kinatatakutan ang pinsan niyang ito.
Da kabilang banda naman, palage paring iniisip ni Sydion ang babaeng kumalaban sa kanya sa paaralan. Ang dami ng mga plano ang pumasok sa isip niya para makaganti lamang sa babaeng iyon.
Nag-utos na rin siya ng mga taong mag-imbestiga sa babae at nalaman niyang nag-aaral ito dati sa isang public school at palaging nangunguna sa klase. Kaya lang kung tungkol sa family background wala siyang makuhang impormasyon. Kaya naisip niyang hindi galing sa ordinaryong angkan si Airah.
"Kung sino ka mang babae ka makakaganti rin ako sayo." Sabi niya pa.
***
Nakatambay ngayon sa isang hallway sina Sydion at Ricks. Hinihintay ang pagdating nina Aikoh. Magkaibigan sila ni Aikoh ngunit para silang mga aso't-pusa kung magkasama kaya madalas hindi sila magkasama.
"Tol. Yung sumipa sayo o." Sabi ni Ricky kay Sydion habang habang nakatingin sa isang direksyon. Napalingon si Sydion sa babaeng papalapit sa gawi nila na may hawak na camera.
"Ang sexy ha." Nakangising sabi ni Ricky habang nakaakbay kay Syd.
Nakita nila si Aina na lumapit kay Airah.
"Iyan yung cute na babaeng binuhusan mo ng kanin." Sabi ni Ricky. "Buti at di ka binugbog ni Don Art." Dagdag pa ni Ricky.
"Tsk! Mas gusto ng Don ng lumalaban na apo hindi yung naghihintay na tulungan." Kilala na niya si Don Art. At ayun sa napansin niya si Don Art ang tipo ng taong ichi-cheer pa ang sinumang mang-aapi sa mga tagapagmana niya. Basta ba hindi lang mapapasobra.
"Ate Airah. Nanalo ka sa photography contest. Siguradong matutuwa si lolo nito." Excited na sabi ni Aina. " Kabago-bago mo palang dito may napanalunan ka na agad?"
"Nakachamba lang."
"Ipopost ko sa school forum."
"Wag mong ipagsabi sa iba kahit kay Don Art pa. Hobby ko lang ang pagkuha ng mga larawan at hindi para makuha ang loob ng sinuman." At ayaw niyang tanggapin siya ni Don Art dahil sa may talent siya o may pakinabang. Gusto niyang tanggapin siya sa kung sino at ano siya hindi dahil sa may pakinabang siya o may talentong makakatulong sa pag-angat ng reputasyon ng pamilyang Lionheart.
Pakiramdam kasi niya kung hindi naabot ng mga apo ng Don ang mga kondisyong hinahanap niya sa kanyang mga apo itatakwil niya ang mga ito kaya nga sinisikap nina Aina at ng iba pa na maabot ang anumang gusto ng Don. Hindi ganito ang paraan ng pagtanggap ang hinahangad ni Airah. Ano na lamang kung may mangyaring di maganda at mawawalan siya ng silbi sa pamilya? Itatakwil na ba siya dahil wala naman siyang maitutulong? Kaya hangga't maaari pinipigilan ni Airah ang mapalapit sa mga pinsan at mga kapatid para kahit isang araw na itakwil man siya o ituring na hindi kakilala hindi siya masasaktan dahil hindi naman niya close ang mga kadugo niyang ito. Kagaya ngayon ayos lang sa kanya na di siya kikilalanin dahil hindi rin naman sila mahalaga sa kanya.
Tinalikuran na ni Airah si Aina at dumaan sa isang pasilyo.
Sinundan ni Syd ang papalayong si Airah.
"Uy Syd. Wag mo ng ituloy iyang binabalak mo. Takot kaya diyan si Aikoh. Iyan yung monster ng mga Lionheart. Si Aikoh nga takot diyan lalapitan mo parin?" Tawag ni Ricky makitang sinundan ni Sydion si Airah.
Nalaman niya mula kina Anthony ang nangyari sa kanila sa Lionheart mansion at dito niya nalamang walang panama ang cold nilang kaibigan na si Aikoh sa half-sister nitong si Airah. Ang palaban na newbie sa Lionheart Academy.
"Hindi ako kasing duwag niya." Sagot ni Sydion.
Naabutan niya si Airah at hinarang.
Napataas pa ang kilay niya dahil di man lang namangha sa gwapo niyang mukha ang dalaga. Hindi rin natakot nang harangan niya.
"Akala mo ba palalampasin ko yung ginawa mo?" Nakapamulsa niyang sabi sa babae.
Walang emosyong napatingin si Airah kay Sydion. Isang hakbang lang at magkabanggaan na sila kaya kitang-kita ngayon ni Sydion ang mukha ni Airah.
"Punyemas!" Wala siyang maisip na imura sa isip. "Ang ganda ng mga mata niya. Ang hahaba pa ng mga pilikmata. Pati yung kilay ang kapal at ganda ng pagkakahanay." Napatingin siya sa lips ni Airah. " Yung lips niya parang nang-aakit at sobrang lambot tingnan. Parang ang sarap kagatin."
Bigla siyang nakaisip ng kalokohan. "Di bale ng masampal basta makakiss."
Biglang hinila ni Syd ang batok ni Airah at inilapit ang mukha rito. Kasunod non ang pagtama ng noo ni Airah sa bibig niya na ikinadugo ng bibig ni Syd.
Napaluhod din siya dahil sinipa ni Airah ang kanyang tuhod bago lagpasan.
Napasinghap si Sydion at napayakap sa masakit na tuhod.
"Wag kang umalis. Hoy! Gagantihan kita. Tandaan mo yan."
"Bumalik ka dito!"
"Tang-ina!"
Bumalik naman si Airah at sinipa ang isa niya pang tuhod na ikinabagsak na ni Sydion sa lupa.
"Murahin mo na ako pero wag mong sabihin ang tang-ina dahil hindi puta ang aking ina." Muli pang sinipa ang lalake bago tuluyang umalis.
"Sabi mo gaganti ka? Bakit nakadalawa na siya sayo pero hindi ka parin nakaisa." Natatawang sabi ni Ricky na naglakad palapit sa kanya.
"Sinabi ko na sa inyo wag magpapadala sa kamandag ng ganda. Tingnan mo ang resulta. Di mo man lang nagamit ang pagiging Taekwondo black belter mo dahil lang sa nasilaw ka sa ganda niya." Sabi oa ni Ricky at Iiling-iling na inalalayan ang kaibigan.
"Makakaganti din ako sa babaeng yon. Makikita niya kung paano maghiganti ang isang Sydion Corpuz Han." Sabi niya pa ngunit napangiwi nang maramdaman muli ang sakit ng mga tuhod.
"Kapag talaga ako napilayan at hindi na makakakita ng mapapangasawa dahil disabled na ako papakasalan ko talaga siya. Mananagot siya sa ginawa niyang kasalanan sa akin."
Gusto na tuloy itapon ni Ricky ang kaibigan na ito. Nabugbog na nga gusto pang pakasalan ang babaeng iyon?
Si Airah naman ipinatawag ng principal.
***
"Alam mo ba ang kasalanan mo Miss Aragon?" Tanong ni principal Jacob Siy kay Airah.
"Diretsuhin niyo nalang ako. Wag na kayong magpaligoy-ligoy pa." Sagot ng dalaga na ikinasama ng hitsura ng principal.
"Alam kong anak ka ni Sir Arthur pero hindi naman siguro pwede dahil sa anak ka niya basta-basta ka nalang nambubugbog ng mga kapwa mo estudyante." Sagot ng principal.
"Sesermonan niyo ba ako?"
"Tinurmturuan lang kita ng tamang pag-aasal. Alam kong lumaki ka sa labas kaya hindi naging maganda ang asal mo. Dahil hindi ka naturuan ng mabuti ng iyong ina ako na mismo ang magtuturo sayo." Pagkatapos sabihin ng principal ang sinabi niya kumalabog ang mesa na binagsakan ng palad ni Airah.
Muntik pang mapatalon ang principal sa sobrang gulat.
"Ganito ang tamang tawag sa walang tamang asal Mr. Siy." Cold na sabi ni Airah sa nakahawak dibdib paring lalake na halos himatayin na sa sobrang bigla kanina.
"Pinatawag mo ako para maturuan ng tamang pag-aasal ngunit hindi ang mga bully mong mga estudyante na kahit sino-sino na lamang ang inaapi dahil sa mga background nilang kinatatakutan mo?" Takot ang principal sa pamilya nina Sydion kaya si Airah ang ipapahingi niya ng tawad sa tatlong estudyanteng kinalaban niya.
"Wag mo akong turuan sa tamang pag-aasal na sigurado akong di mo rin taglay." Sobrang lamig na sabi ni Airah.
"Ikaw—" Gustong sumagot ni Mr. Siy kaso walang maisip na salitang ipangontra sa sinabi ni Airah dahil sa tindi ng galit at bigla niya.
"Oo at nanakit ako pero inalam mo ba kung bakit? At kung alam mo bakit ako lang ang tuturuan mo ng leksyon?" Hindi siya mabait at kahit ano mang oras sasabog siya sa galit kaya naman kung may mga taong nagpapasama sa mood niya inuuna talaga niya ang kamao bago salita. Kung di lang talaga mas matanda sa kanya ang kausap ngayon baka sinapak na niya kanina pa.
"Alam mo bang nasaan ka Miss Aragon? Nasa principal's office ka at ang lakas ng loob mong sagot-sagutin ako. Ganyan ba ang itinuro sayo ng na—" napalunok laway siya makita ang matalim na tingin ni Airah.
"Ang pinakaayaw ko ay ang palaging binabanggit ang nanay na iyan. Isang salita pa sa katagang iyan at sasapakin na talaga kita." Lalo tuloy nagalit ang principal sa sinabi niya.
Huminga ng malalim si Mr. Siy para pakalmahin ang sarili. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na "kalma lang, apo iyan ni Don Art. Kalma lang."
Inaakala niyang kasing sensible ni Aikah si Airah hindi niya alam na kasing tigas ng kamao nito ang mga salita nito. Mas nakakatakot pa sa cold na si Aikoh.
"Nagreklamo ang mga magulang nina Jenessa, Dianne at Sydion. Di mo ba kilala ang mga magulang nila? Gusto mo bang mas lalong maperwisyo ang lolo mo dahil sa pakikipag-away mo?"
"Sinasabi ko lang to dahil concern ako. Paano na lang kung makarating ang ginawa mo kay Don Art? Siguradong hindi siya matutuwa." Kaoag ganito ang sinasabi niya kina Alvira at sa iba pa agad silang magiging maamo sa takot na malaman ng Don ang mga kalokohan nila sa school kaya naman madali lang silang pagsabihan. Iniisip niyang ganon din si Airah lalo na't baguhan pa lamang ito at di pa gaanong nakukuha ang loob ng Don.
"Kaya humingi ka ng tawad sa kanila at gawin mo ang paraan para magkaayos na kayong muli." Sabi pa ni Mr. Siy.
Gusto ng mga magulang ni Jenessa na ipa-expell si Airah, gusto naman ng ina ni Dianne na parusahan si Airah at tungkol naman sa mga magulang ni Sydion balak nilang makaharap ang nagpahiya at nanakit sa kanilang only heir.
"Sa dami ba kasi ng kakalabanin mo bakit sila pa?" Ang naitanong ni Mr. Siy.
Iniisip niyang sasang-ayon na ang dalaga ngunit nakita niya ang ngiti nito.
"Magkano ang ang shares ng iba sa paaralang ito?" Tanong ni Airah sa principal.
"Kinakausap kita ng maayos bakit mo naman tinatanong ang bagay na iyan?"
Makita ang matalim na tingin ni Airah muling naitikom ng principal ang bibig. Hindi niya alam kung bakit natatakot siya sa aura ng babaeng ito.
"Thirty percent. Bukod sa 65% na share ng Lionheart 3% at 2% na lamang ang natira sa dalawa pang mga shareholders." Pinagpapawisang sagot ng principal.
Mabilis namang kinuha ni Airah ang cellphone niya at tinawagan ang kanyang lolo. Agad namang sinagot ng kabilang linya na tila ba hinihintay ang tawag niya.
***
Kausap ngayon ni Don Art ang matalik niyang kaibigan na isang Heneral ng mga sundalong mula sa special forces.
"Alam mo ba ang apo kong iyon? Ang cool niya. Maganda na maalaga pa. Walang panama iyang apo mong mayabang." Pagmamayabang ni Don Art sa cool niya raw'ng apo sa kaibigan niyang ito.
"Gwapo kaya ang apo ko. Kinatatakutan din sa school. Kahit ang apo mong si Aikoh nga hindi niya inuurungan. Hari yon ng school. Hari."
"Baka kinatatakutan dahil mukhang bakulaw."
"Malakas lang talaga siya at magaling makipaglaban. Manang-mana sa akin kaya naisip kong siya ang ipapalit ko sa aking pwesto pagdating ng panahon." Sabi naman ni General Han.
"Mabuti na ngang pagsundaluhin mo nalang ng tumino-tino naman. Masyado mo kasing ini-spoiled bakit di mo higpitan kunti para umayos naman kahit papano. Wag kasing nang-e-spoiled ng apo para hindi sakit sa ulo paglumaki. Para di ka na rin niya basta-bastang tatawagin pang tanda." Sagot din ni Don Art.
Walang ibang ginagawa ang dalawang matandang ito kapag nagkakasalubong ang mga landas kundi ang magpapatalbugan ng mga apo. Madalas talaga naglalaitan.
"Kaysa sayo ni di ka nga tinatawag na lolo ng apo mo e." Sagot ni General Han na ikinaasim ng mukha ni Don Art. Natamaan kasi ang sore spot niya ng kaibigan niyang ito.
Hihingi na sana ng tawad sa mga nasabi si General Han makitang tila nasaktan ang kaibigan ngunit napatigil makitang nagliwanag ang cellphone na hawak ng nanahimik sa tabing butler.
"Sino na naman yan?" Iritadong tanong ng Don.
"Si Miss Airah po." Pagkatapos sabihin yon mabilis na inagaw ng Don ang cellphone at sinagot agad ang tawag. Muntik pa niyang mabitiwan ang cellphone sa sobrang pagmamadali.
Ito kasi ang unang pagkakataon na tinawagan na rin siya ni Airah. Takot sa kanya ang mga apo niya kaya hindi sila tumatawag sa kanyang number maliban na lamang kung emergency. Pero iba si Airah. Alam niyang hindi ito matatakot sa kanya.
"Don Art."
Cold na boses mula sa kabilang linya na ikinadismaya ng Don dahil Don Art parin ang tawag ni Airah sa kanya.
"O bakit?" Cold niyang sagot.
Napaikot na lamang ni butler Kim ang mga mata. Kanina lang excited na excited ito tapos ngayon pa-cold cold pang bigla. Kundi lang sa halata ang pagtaas baba ng dibdib nito baka aakalain na nilang wala nga itong pakialam kay Airah.
"May hihilingin sana ako." Seryosong sagot ni Airah.
"Ano yon?" Mabilis na sagot ni Don Art na halatang excited ng malaman ang request ng apo. Iniisip kasi niya na unti-unti na siyang natatanggap dahil nilapitan na siya nito. Alam kasi niya kung gaano kataas ang pride ni Airah.
"Gusto ko sanang bilhin ang shares ng mga Han sa Lionheart Academy."
Napatingin si Don Art kay General Han.
"Hindi yata madali iyang hiling mo."
"Pakiusap lolo." Sagot ni Airah. Tila ba huminto bigla ang oras at biglang tumigil saglit ang pagtibok ng puso ng Don sa sobrang bigla.
"Lolo?" Sambit ng Don dahil di siya sigurado kung nabingi lang ba siya o tinawag na nga siyang lolo ni Airah.
"Grandpa."
Biglang sumuntok sa ere kaya naman natamaan ang kaibigan na lumapit pala sa kanya para makinig sa usapan nila.
"Arthuro!" Sigaw ni General Han nang matamaan ng kamao ang kanyang mukha.
"Rinig mo iyon? Tinawag na niya akong lolo at grandpa. Tinawag niya akong lolo." Masyang sabi ni Don Art.
"Rinig ko. Hindi ako bingi. Kailangan pa bang paulit-ulit?"
"Don Art. Abala po ba kayo?" Tanong mula sa kabilang linya.
"Ah, kausap ko si Dr. Seo. Oo si Dr. Seo? Ano nga ulit yung sinabi mo kanina?"
"Yung shares ng mga Han?" Tanong ni Airah.
"Yung lolo." Sagot ng Don.
"Lolo." Pag-uulit ni Airah.
"Okay. Bibilhin ko na ang mga shares ng nga shareholders ng Lionheart Academy. Basta magmula ngayon tawagin mo na akong lolo."
"Opo lolo."
Nang mawala na ang koneksyon nila ni Airah abot tainga ang ngiti ng Don habang nakatingin sa kaibigan. "Kita mo na? Tinawag na akong lolo."
"Di mo ba pansin na ginagamit ka ng apo mo para sa gusto niya?" Tanong ni general Han.
"Natural lang na suportahan natin ang mga apo natin." Masayang sagot ni Don Art. Para sa apo niya handa siyang gawin ang lahat.
General Han: Sino bang nagsabi na wag nang-e-spoiled ng mga apo?
"Ibalik mo na sa akin ang share mo sa Lionheart Academy. Ibibigay ko na sayo ang isa kong company bilang compensation." Sabi ng Don.
Ilang sandali pa'y may report na nakarating kay General Han.
"Tingnan mo may mga gangster na naman sigurong nahuli ang apo ko. Malamang bugbog na naman ang mga yon." Pagmamayabang niya bago buksan ang video na pinadala ng mga tauhan niyang siyang nagbabantay sa pinakamamahal niyang apo.
Minomonitor kasi niya ang mga kilos nito. At kung may mga magagandang nagagawa ang apo ipagmamayabang agad niya kay Don Art.
Mabilis niyang nion ang laptop at pinanood ang video na ipinadala sa kanya. Nang makita ang video bigla na lamang humalakhak si Don Art. Umasim naman ang mukha ni General Han.
Nasaan ang malakas niyang apo? Ang ipinagmamalaki niyang apo? Bakit iti ngayon ang nabubugbog ng isang babae?
"Malakas pala ha? Hahahaha." Nakahawak pa si Don Art sa tiyan habang tumatawa.
Hindi na tuloy mahitsura ang mukha ni General Han makitang di man lang nakalaban ang apo. Ayos lang kung isang beses kaso nadalawahan na nga hindi parin nakaganti.
***