Chapter 19: Parusa

2174 Words
Napakunot ang noo ni Aikoh makita ang mga kotse kaibigan na nakaparada sa labas ng kanilang mansion. "Anong ginagawa niyo?" Ang aga-aga mukha na agad ng mga ugok niyang mga kaklase ang makikita. Lalo lang sumasama ang mood niya. "Sinusundo ka." Sagot ni Christian. "Hindi ka kasi pumasok kahapon e." Sagot ni Anthony. "Parang pumasok ka rin." Sagot din ni Aikoh at nag-tsk. "Makasipa ka kasi ng tuhod parang gusto mo na kaming di makalakad." Sagot naman Tryzt at inikot ang mata. "Kailan pa kayo nakaisip na sunduin ako?" Hindi naman kasi sinusundo ng mga kaibigan niya si Aikoh. "Kahapon lang." Sagot agad ni Anthony habang panay sulyap sa loob ng mansion. "Nakaalis na ba siya?" Tanong pa niya na hindi sinabi kung sinong siya ang tinutukoy niya. "Ako ba talaga ang sinundo niyo ha?" Halata naman kasi na hindi siya ang pakay ng mga kaibigang ito dahil hindi maiaalis ang mga mata sa pintuan ng mansion. "Nasaan na ang mga kapatid mo?" Tanong naman ni Tryzt. "Aba wag na wag niyong pinagtitripan ang mga kapatid ko." Naiirita ng sagot ni Aikoh. "Kailan ka pa nagkaroon ng pake sa mga kapatid mo? Himala. Nilagnat ka ba?" Tanong ni Christian at akmang ilagay ang palad sa noo ng kaibigan ngunit napahinto makita ang babaeng lumabas mula sa loob ng mansion. Nakalugay ang buhok nitong dinuyan ng hangin at mas kuminang ang mukha na nasisinagan ng araw. "Ang cute niya at ang ganda talaga." Wika ni Christian na nakanganga pa. "Ang cool." Halos pabulong na sambit ni Anthony. "Ang astig." Sambit din ni Tryzt. "Para siyang model." Dagdag pa ni Christian. Nakatulala parin sila hanggang sa malagpasan na ni Airah. Binatukan sila isa-isa ni Aikoh para para magsigising na. Ngayon alam na niya na hindi talaga siya ang pinuntahan ng mga kaibigan na ito kundi ang masungit niyang half-sister. "Alam mo ba Aikoh umabsent kami kahapon para mag-celebrate." Pagmamayabang ni Anthony. Tiningnan naman siya ni Aikoh na sinasabi kung ano namang rason para mag-celebrate sila. "Nag-celebrate kami dahil kapatid mo si Miss Airah. Hahaha. Ibig sabihin no'n hindi ka namin magiging karibal at wala ka ng pag-asa. Kaya hanggang inggit ka lang." Sabay labas ni Anthony ng dila sa kaibigan kaya naman muntik na naman siyang masipa kundi siya nakatakbo agad palayo. Makitang ang sama na naman ng mukha ni Aikoh mabilis na nagsibalikan sa mga sasakyan nila sina Tryzt at Christian ganon na rin si Anthony saka mabilis na pinatakbo ang kanilang mga kotse na nag-iwan ng usok sa nakatayong si Aikoh. "Mga gago! Hoy!" Sigaw ni Aikoh at napapaubo. *** Habang naglalakad si Airah patungo sa kanyang silid aralan, tinitingnan siya ng mga estudyante. Ang iba sa kanila nagsipagtabihan sa tuwing napapadaan siya sa gawi nila. "Ang lakas ng loob niyang saktan si papa Syd. Hindi na nahiya." "Alam niyo bang anak siya ng kabit?" "Wala na ngang hiya napaka-lawless pa." "Siguro nakapasok lang siya dito dahil kay Don Art? Kung hindi lang sa apo siya ng Don hindi siya makakapasok sa paaralang ito." "Wag niyo na nga siyang pag-usapan. Wag kayong bumaba sa level ng mga anak sa labas." Sagot ng isang babae na may magandang mukha kumpara sa mga kasama. Hindi na pinansin ni Airah ang anumang sinasabi ng iba tungkol sa kanya at pumasok na sa kanyang silid. Nakita niyang nakaupo na si Aikah sa pwesto nito ngunit wala ang pasaway nilang seatmate na si Tryzt. "Hindi pa siya napatalsik sa school?" Tanong ng isang babae habang nakatingin kay Airah. "Anong ginagawa mo dito? Lumabas ka na. Walang may gustong pumasok ka sa paaralang ito." Sigaw ni Dianne kay Airah. Hindi niya pinansin si Dianne at umupo na sa kanyang upuan. Lalo namang nagngitngit sa galit ang babae dahil di man lang siya tinapunan ng tingin. "Bayaan mo na. May mga tao talagang makakapal ang mukha." Sabi pa ng katabi ni Dianne. Pumasok na ang guro nila, bahagya pa itong natigilan makita si Airah ngunit agad ding naibaling ang atensyon sa pintuan na bigla na lamang bumukas at niluwa non ang hinihingal na si Tryzt. Mabilis itong umayos ng tayo pacool na naglakad palapit sa kanyang upuan na nasa pagitan ng upuan nina Aikah at Airah. Tumikhim siya bago umupo ng pacool kaya lang bumagsak ang pang-upo niya sa sahig na umani ng tawanan ng mga kaklase niya. "Ikaw." Sigaw niya kay Airah na siyang umusod sa upuan niya gamit ang paa nito. Nilingon naman siya nito at nakita ang paghaba ng isang sulok ng labi ng dalaga sabay taas ng isa ding kilay. Sa halip na magalit mas kumabog naman ang dibdib niya sa nakitang provocative smile ng dalaga. Agad niyang inusod ang kanyang upuan at umupo na ng maayos. "Inaapi din ba niya ako? Di kaya may gusto na siya sa akin?" Sambit pa niya sa isip at parang baliw na napapangiti sabay sulyap kay Airah. "Maiinggit talaga ang mga kaibigan kong iyon kapag malaman nila na intresado sa akin si Airah." Sambit niya sa isip at itinuon na ang atensyon sa klase. Si Airah naman napataas ang kilay. Nagtataka kung bakit hindi sumabog sa galit ang lalaking ito gayong napakasungit nito sa sinuman. Inusod niya ang upuan nito kanina dahil may nakapatong na maliit na karayom dito. At di pa naman nakatingin ang lalake sa inuupuan at posibleng mauupuan nito ang karayom. Hinihintay niya na magagalit ang lalake bago ipaliwanag ang dahilan ng pagtulak niya sa upuan pero makitang hindi naman ito nagalit tiningnan na lamang niya ang karayom na mabilis niyang dinampot kanina. "Sa dami ng prank nila bakit karayom pa? Di ba nila alam na mapanganib ang bagay na ito?" Tanong niya sa isip at napasulyap kay Tryzt. Pansin niyang napasulyap din ito sa kanya at namula nalang bigla ang tainga na ipinagtataka ni Airah. Pagkatapos ng klase tumayo na si Airah ngunit bago umalis nagtanong muna siya kay Tryzt. "May mga tao bang sobrang galit sayo?" Tanong niya na ikinanganga ni Tryzt. Tinanong kasi siya ng crush niya. "Marami." Biglang sagot ni Tryzt. Kung galit ang pag-uusapan halos lahat na yata may galit sa kanya. Iiling-iling naman si Airah at nilapag ang karayom sa desk ni Tryzt. Saka ito lumabas na. Namutla naman si Tryzt sa nakita. Karayom din ang nilagay sa sapatos niya dati kaya natusok niya at na-hospital noon. Kundi lang siya nadala agad sa hospital baka hindi na siya makakalakad pa. Napatingin si Tryzt sa papalayong pigura ni Airah. Kung dati crush oang niya si Airah ngayon naman idol na niya. Napayuko naman si Aikah makitang nakatingin si Tryzt sa ate niya. Kinuha nalang din niya ang bag niya at naglakad na paalis. Pagbalik ni Airah sa mansion kinausap siya ni Nova. "May sinaktan ka na naman daw. Hindi mo dapat ginawa yun. Tandaan mo isa kang heiress ng Lionheart at hindi siga sa lansangan. Kaya hindi mo dapat ginawa yon." Malumanay na sabi ni Nova. "Sinasabi ko ito dahil para ka ng anak sa akin dahil anak ka ni Arthur. Kaya wag mo sanang mamasamain. Ayoko lang mapahamak ka." Sabi ni Nova na kung titingnan mo parang isa ngang ina na nag-aalala sa anak. Hindi niya maiwasang maisip kung may bisita kaya? Bakit nagkunwari na namang gentle mother ang babaeng ito? Kilala kasi sa labas na isang mapagbigay, maunawain at mapagparayang ina si Nova. Pwera nalang sa loob ng mansion at sa mga taong tunay na nakakakilala sa kanya. Nang ilibot ni Airah ang paningin at nakitang may dalawang bisita nga ang babae. Hindi niya kilala ang mga bisitang ito pero sigurado siyang hindi pangkaraniwan ang mga background nila. "Sila nga pala sina Mr. and Mrs. Han." Pagpapakilala ni Nova sa mag-asawang nagtsatsaa. "So siya pala ang bumugbog sa anak ko? Hindi ko alam na napakaganda pala ng babaeng nanakit sa anak ko. Sayang nga lang at hindi nababagay sa mukha niya ang ugali niya." Sabi ni Mrs. Han na halatang may matinding galit kay Airah. "Ako na ang hihingi ng pasensya para sa bata. Wag kayong mag-aalala, tuturuan namin siyang mabuti kaya hindi na mauulit pa ang nangyari." Paliwanag ni Nova. "Siguraduhin mo lang." Sagot ni Mrs. Han. Si Mr. Han naman kinikilatis ng mabuti ang mga kilos at reaksyon ni Airah. Tinitingnan kung totoo ba ang mga naririnig niyang ito ang pinakawalang modo na apo ng Don. Kung siya tinitingnang mabuti ang dalaga ganon din naman ito sa kanya o sa kanila. "Hello po. Pasensya na po kung nasaktan ko ang anak ninyo pero sana din naman po turuan din niyo rin po siya ng tamang pag-aasal hindi iyong anak ng iba lang ang nakikita niyo." Sabi ni Airah at yumuko muna sa kanila bago umakyat na. "Honey. Tingnan mo ang batang yon. Walang galang." Naiinis na sabi ni Mrs. Han. Tama naman si Airah pero hindi rin natutuwa si Mr. Han na pagsabihan sila ni Airah ng ganoon kaya sumama rin ang timpla ng kanyang mukha. Mabilis namang nagpaliwanag si Nova at ipinangangakong tuturuan na ng tamang pag-aasal si Airah at di na nito uulitin ang ginawa. Pag-alis ng mga bisita agad na isinagawa ni Nova ang sinasabi niyang parusa. Abala sina Arthron at Arthur sa kompanya nila at hindi parin nakakabalik ang Don kaya siya na naman ang reyna ng mansion. "Magmula na ngayon iwasan mo na ang p*******t sa iba. Magkakaroon ka na rin ng etiquette lesson every Saturday." "Hindi ko kailangan yun. Kung gusto mo anak mo nalang hindi ang anak ng iba. Alam ko naman na gustong-gusto mo akong masira sa paningin ng iba bakit magkunwari ka pang may pakialam?" "Ginagawa lang ito ni Madam para sa ikabubuti mo." Sagot ng mayordoma ngunit naitikom ang bibig makita ang matalim na titig na ibinigay sa kanya ni Airah. Huminga ng malalim si Nova na pinapakalma ang sarili. "Binugbog mo ang kuya mo matatanggap ko pa yon pero pati ba naman mga kaibigan niya? Hindi ito ang ugali ng isang matinong babae kaya ang hiling ko lang magsorry ka sa kanila bago pa man susugod ang mga magulang nila dito. Hindi sila ordinaryong mga tao na madali lang kausapin kaya sana naman maghunos-dili ka." Paliwanag ni Nova. "Kaya naman pala inaapi iyang anak mo at nababastos palage dahil hinahayaan mo. Kung gusto mong mabuhay ako katulad sa buhay ng anak mo hindi mangyayari yun. Prinsesa sa bahay inaapi sa school at binabastos sa sarili niyang pamamahay? Nakakapagtataka at mukhang ikinatutuwa mo pa. Nanghahakot ka ba ng simpatya o gustong gusto mo talagang makitang inaapi ang anak mo ng mga mayayaman? Sabagay pera nga pala at koneksyon ang mas mahalaga sayo." Kung kanina pinipilit ni Nova ang kumalma ngayon naman gustong-gusto na talagang sampalin si Airah. "Naglalaro lang ang mga bata at wala naman silang masamang ginagawa." Sagot ni Nova. "Kahit nahihipuan na si Aikah laro parin yun? Ngayon ko lang nalaman na ang prim and proper lady at kind and gentle mother hinahayaang mabastos ang anak. Laro lang pala ang nahahawakan na ang dibdib pati ang pagyakap sa isang kunyari conservative na babaeng mahinhin umano. Wag kang mag-alala hahayaan ko kahit makita kong nahihipuan na siya. Gustong-gusto naman pala ng mama niya e." Patuya na sagot ni Airah. Hindi naman talaga niya papakialaman kung ano man ang gagawin nila kay Aikah kung di lang niya nakitang nahahawakan na ng mga ito ang dibdib ni Aikah sabay tawanan nila. Para hindi na sasabog sa galit si Nova inutusan na lamang niya ang mga katulong na dalhin si Airah sa kwarto nito. Inutusan din silang alisan siya ng gadgets bilang parusa sa pagiging walang galang niya at katigasan ng ulo. Kaya lang may makakagawa ba noon sa kanya? Kaya naman mga bodyguards na lamang ang inutusan ni Nova. "Miss makinig nalang po kayo kay Madam. Baka ipapatanggal din kami kapag nagmamatigas na naman kayo." Paliwanag ng isang bodyguards na hinihingi ang laptop at cellphone ni Airah. Grounded kasi siya at di pinayagang lumabas bilang parusa sa mga ginawa niya sa bahay at sa paaralan. "Pinatanggal ko sila ni Tita nang dahil sayo. Gusto mo bang marami ang mawawalan ng trabaho nang dahil sayo?" Singit naman ni Alvira makitang nakatayo si Airah sa labas ng kwarto nito at walang balak papasukin ang mga bodyguards sa loob ng kwarto niya. Marami ang nagalit at sinisisi si Airah kung bakit marami na sa mga nagtatrabaho sa pamilyang ito ang nawalan ng mga trabaho. "Alam kong ginagawa niya ito para marami ang magagalit sila sa akin at ako ang sisisihin ng lahat." Sabi niya at ngumiti na ipinagtataka ng dalawang bodyguards. Ilang sandali pa'y pinalapit niya sa kanya ang isa sa dalawang bodyguards at may ibinulong sa tainga nito. Tumango naman ang guwardiya at nagpaalam sa kasama. "Sige lang magtanggal ka lang kung ilan ang gusto mo." Sabi ni Airah habang nakadungaw sa ibaba ng hagdan kung saan maririnig ang boses niya sa ibaba. Halos mabitiwan naman ni Nova ang hawak na tasang nilagyan niya ng tsaa. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD