"Ang anak ko. Si Throne. Gusto kong makita si Throne." Sigaw ni Avey at lalabas na sana ng kanyang kwarto ngunit hinarang siya ng mga bodyguards. "Palabasin niyo ako, hahanapin ko si Throne." Sigaw niya at napahagulhol muli. "Pasensya na po Madam. Hindi raw muna kayo maaaring lumabas. Ito ang utos ni Sir Arthron." Paliwanag ng isang bodyguard. Bumalik na lamang siya sa silid niya at umiyak na lamang mag-isa. Dinalaw naman siya ng kaibigan na si Janice para pagaanin ang kanyang loob. "Ano bang pinag-aalala mo? Nandiyan pa naman si Ava a. Saka wala na ang Don kahit si Airah wala na. Wala na ring witness sa nangyari." Sabi ni Janice. "Saka hindi pa natagpuan ang bangkay niya kaya posibleng buhay pa siya at valid parin ang testamento na iyon di ba?" Wala siyang alam na gumawa ng fake na

