Napatingin si Airah sa balita sa TV. Nakita niya ang mukha ni Avey na nagsasalita ngayon. "Ang totoo napilitan lamang umamin ang anak ko. Wala siyang kasalanan. Pinilit lang siya ng taong iyon. Nakakaawa ang anak ko. Dahil lang sa siya ang balak gawing tagapagmana ng Don nangyari sa kanya ang mga bagay na ito." Naluluha nitong sambit habang nakatingin sa camera. Dahil sa sinabi ni Avey nagiging suspect muli ang lahat ng mga tagapagmana ng Don. Wala namang ebidensya na si Throne nga ang maygawa ng krimen kaya kahit inamin niya ang lahat posible ngang may nag-utos lang sa kanya at napipilitan lamang siya dahil sa takot. "Mukhang nag-eenjoy ka sa larong ito." Sabi ng isang lalake at inabutan siya nito ng juice. "Pinaglalaruan lang tayo bakit di tayo maglaro sa larong inihain nila sa atin?

