Mapansing wala sa sarili ang anak, sinundan ni Arthron si Throne nang pumasok ito sa kwarto. "Throne, alam kong matalino ka. But don't do the same mistakes made by your mom. At kahit ano mang mga kasalanang nagawa niya, ina mo parin siya." Sabi niya at umupo sa kama ng anak. "Ano bang ibig mong sabihin dad?" Naguguluhang tanong ni Throne. "May alam ka ba sa mga pinagagawa ni mommy o pareho lang kayong dalawa?" "I love you son. At ayokong nakikita kayong nasasaktan o nahihirapan. Ang sa akin lang, kung ano mang maling nagawa namin wag niyong gagayahin." Paliwanag ni Arthron at napabuntong-hininga. "Kung maaari wag mong ipressure ang katawan at isip mo. Gusto kong mabuhay ka sa paarang ikakasaya ng puso mo. Nandito lang ako, abutin mo ang pangarap mo hindi ang pangarap ng iba para sayo."

