Chapter 35: Nagbabalik na sa Mansion

2119 Words

"Miss Airah. Kalat na kalat na sa media na sinadya mong tanggalan ng break ang motorbike mo para siraan ang kapatid mo." Pagbabalita ni Akiro nang matawagan si Airah. Hindi na tumitingin sa internet si Airah ngayong mga nagdaang mga araw kaya wala siyang alam sa mga bali-balita. Hindi rin siya nanonood ng TV. "Hindi niyo parin ba alam kung sino ang nagpakalat?" Tanong niya. "Nalaman naming si Janice ang may gawa." Sagot ni Akiro. "Ano ang dapat naming gawin sa kanya?" "Inutusan lang siya. Hindi ang pain ang dapat lutasin kundi ang sino mang nag-utos sa kanya." "Tiningnan namin ang CCTV footage ng Lionheart Mansion pero nabura na ang iba." Sabi pa ni Akiro. "Hayaan mo na. Malulutas din ito." Pagkatapos makausap si Akiro napaisip naman si Airah. *** Pumasok na ulit si Airah sa klase

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD