Huminga ng malalim si Airah bago lumabas ng hospital. Sa pagkakataong ito nakasuot siya ng panlalaking damit. Pinakapal ang kilay at nagsuot ng boy hairstyle wig. Kampanteng lumabas ng hospital at dumaan pa sa kalagitnaan ng mga reporters na gustong makakuha ng scoop para sa pamilyang Lionheart. May taxi ang tumigil sa tapat niya. Agad naman siyang sumakay. "Saan tayo pupunta Miss Airah?" Tanong ni Akiro na nagpapanggap na taxi driver. "Mamasyal." Sagot ng dalaga at huminga ng malalim. Gusto niyang mag-unwind para pakalmahin ang sarili. "Ayos ka lang ba?" Maya-maya'y tanong ng lalake sa kanya. "Ayokong magalit at masira ang araw ko nang dahil sa mga taong yon. Hindi sila worth it para masira ang araw ko nang dahil sa kanila." Katahimikan ang sumunod na namagitan sa kanilang dalawa.

