Throne's P.O.V Palihim akong lumabas ng hospital na nakadesguise. Mabuti nalang talaga at may nagpahiram ng jacket at cap sa akin kanina. Ngayon naman pinahanap ko ang doctor na nag-asikaso kay mommy. Nang sabihin ni daddy na hindi ko dapat ginagaya ang anumang pagkakamaling nakikita ko, naisip kong may itinatago silang dalawa ni mommy sa akin o sa amin. Nandito na ako ngayon sa isang hotel na isa sa mga properties na nakapangalan sa akin. "Nandito na po siya, young master Throne." Sabi ng butler ko. Inutusan ko siyang papuntahin si Dr. Min gamit ang pangalan ni mommy. Bumukas ang pintuan at nakita ko si Dr. Min. Natigilan siya at halatang gulat na gulat nang makitang hindi si mommy ang nandito. "Ikaw pala young Master Throne." Sabi ni nang makahuma na. Huminga ng malalim at kalmad

