02

1996 Words
ANEL "Beg for it." Nagpaulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya sa akin. Ngayong nakaharap na siya, alam kong siya nga ang lalaking iyon. Iyong big time client sa bar na ayaw magpakita ng mukha kahit anong mangyari. Napakasinungaling niya. Noong nasa bar siya palagi, halos tatlong buwan na siya lang ang gusto niyang kliyente ko. He paid me double for a night just to be with him and him only. I was a fool. Naniwala ako na gusto niya talaga ako at mahal niya na raw ako. Tangina, lasing lang yata siya no'n. At tanga rin akong naniwala ako. Paano niya ako mamahalin kung sa dilim niya lang ako nakikita? "Ano ho?" pabalang kong tanong. His thick eyebrows furrowed. Sinimangutan niya ako. "It was a joke." His eye look shifted into something dark. Tinitigan niya ako nang mariin saka tinagilid ang ulo niya. Sumandal siya sa mesa sa tapat niya saka nagtaas ng kilay. "Have we met before?" I swallowed. I swallowed hard. Sinundan ko iyon ng mabilis na iling. "Never, sir." "Are you sure?" he asked again. "Never," pagsisinungaling ko. Tumango lang siya sa akin at binuksan ang isang folder sa mesa niya. He then sat on his swivel chair, grabbed a fountain pen, and started flipping the pages inside that folder. Pinagmasdan ko lang siya habang ginagawa niya iyon. Tinitigan ko iyong name plate na marmol sa mesa niya kung saan nakasulat ang buong pangalan niya. Viero Leon del Vasquez. Ganda ng pangalan, pangit naman ng ugali. Naikuyom ko ang palad ko habang tinititigan siya. Bumabalik sa akin ang lahat ng pagpapaasa niya at ang huling gabi na hinintay ko siya sa bar... pero hindi niya na ako sinipot uli. Ever. "Anel, bakit nandito ka? Nasa loob ang clients," saway sa akin ng manager namin noon, that night he asked me to wait for him in the parking lot. Sabi niya ay susunduin niya ako. Sabi niya ay magpapakilala na siya nang maayos sa akin... ang sabi niya ay iaalis niya na ako sa trabaho ko. "Hinihintay ko po rito si Sir," nahihiyang sagot ko kay Madam Jean. "S-Susunduin niya po ako." Napatakip siya ng bibig at binulong sa akin na galingan ko. Wala naman akong nasabi. Hindi naman na pagtatalik lang ang gusto ko sa kaniya noon. Nagustuhan ko na rin ang lambing niya at ang kagustuhan niya na tulungan ako. Kaya kahit mukha akong tanga sa parking lot pasado alas otso nang gabi, hinintay ko siya. Hinintay ko nang hinintay hanggang pumatak na ang alas dose, ang ala una... alas dos, alas tres... wala. Hindi siya dumating. Hindi niya ako sinipot. Umuwi akong malungkot, broken, at nalilito. Hindi ko naman alam kung paano siya ico-contact. Labi niya lang ang kilala ko, wala nang iba. Hanggang ngayon, dala ko 'yun. 'Yung sakit na mapaasa at higit sa lahat, 'yung maparamdam na importante ka na sa buhay niya... hindi naman pala. "Ano pa pong gagawin ko rito?" tanong ko sa kaniya. Sinamaan ko rin siya ng tingin. Kailangan ko ang trabahong ito pero ipaparamdam ko sa kaniya na inis ako sa kaniya. He doesn't have to know that I was his bedmate for months at that bar. Hindi niya naman malalaman, pero ipaparamdam ko sa kaniya ang galit ko na pinaasa niya ako at binigyan ng signs na hindi naman totoo. Sir Leon stopped writing and he looked up to me. "Ano bang gagawin mo rito? Umalis ka na. Go talk to Bradley about your schedule and tasks." "P-Po?" "You're hired," walang ganang sagot niya. Nagpatuloy na siya sa ginagawa niya at minuwestra ang pinto sa likuran ko. Nakakapikon! Hindi niya na sinabi agad? Pinagmukha niya pa akong tanga rito. Ugali niya ba talaga 'yan? Ang magpahintay ng tao? "Okay po," inis kong sagot. Inirapan ko siya, hindi niya naman nakikita. "Tone down your attitude," saway niya sa akin. Nagulat ako roon. Nakayuko lang siya pero nalaman niyang inirapan ko siya? Hindi na ako sumagot. Wala akong pake sa kaniya. It has been months and my feelings for him have died down. I was about to leave that hellroom when he called me out. "Hindi ka ba marunong magpasalamat?" malamig na tanong ni Sir Leon. Mabilis ko siyang nilingon sabay pilit ng ngiti. F*ck you. "Salamat ho." Naningkit ang mga mata niya. He leaned on his chair's backrest, and played with his pen. "What's your name?" For a while, inisip kong sabihin ang code name ko sa bar. Andie. I wanted to let him know na ako 'yung babae sa bar, pero hindi na. Bakit pa? I forced a smile. "Anel." He simply nodded and went back to his papers. Hindi man lang siya naintriga? Am I not familiar to him? That man! Sinara ko ang pinto sabay mabilis na bumaba ng hagdan. Inis na inis ako habang naglalakad. Sa dami-dami ng tao sa mundo, 'yung parokyano ko pa talagang paasa at sinungaling ang magiging amo ko? Kairita! Pero kailangan ko ng trabaho. Malaki raw ang sahod kaya gagawin ko 'to. Pero gagantihan ko siya. Mamantsahan ko ang mga damit niya, kung pwede e pipigaan ko ng kalamansi ang kape niya sa umaga. Basta! Gagawa ako ng paraan para maging nakakairita ang buhay niya sa bahay na 'to. He made me look like a fool, and I'm gonna make him one too. "Oh, Anel! Kumusta?!" salubong sa akin ni Angge sa baba. Naroom din si Bradley Peter. "Tanggap ka?" "Oo raw," sagot ko naman. Biglang pumalakpak si Bradley Peter. Akala ko nga ay natuwa siya pero may lumapit na dalawang lalaki sa kaniya at inabutan niya ng kapirasong papel. "Pick up her things sa address na 'to. Sa kaniya raw ang unang kwarto." "Teka, ano? Pupunta kayo sa bahay?" gulat na tanong ko. "Kukunin ang gamit ko? Bakit?" Si Angge ang sumagot. "Dito ka na titira habang nagtatrabaho ka rito, An. Saka ako ang nagsabi sa kanila about sa kwarto mo." "Lahat ng gamit, secretary?" tanong ng isa sa dalawang lalaki. Brad nodded. "Yes, please. Pakiayos ang pagkuha." Bago pa makaalis ang dalawa, hinila ko ang kamay ng isa. "T-Teka po! 'Wag niyo pong buksan 'yung pulang box doon, ha..." Angge heard it. "Bakit? Anong mero'n do'n?" I whispered to her. "M-Mga th*ng ko... l*ngerie..." "Oh!" nasabi niya na lang at humalakhak. Umalis na ang dalawang lalaki para kunin ang mga gamit ko. Si Angge naman, naiwan sa sala dahil nilibot ako ni Bradley. He showed me my room. Isang kwarto iyon sa second floor na doble ang laki sa kwarto ko sa bahay nina Angge. May sarili iyong banyo, matinong higaan, TV, at may view ng hardin. Parang hindi pang-kasambahay. "Ilang babysitter na ang dumaan sa inyo?" I asked Brad. Brad laughed. "39." "Ha?!" "Yes," sagot niya. Lumabas kami sa babysitter's room dahil papunta na kami sa kwarto ng batang aalagaan ko na si... "Valier is a challenging kid. Malikot at sobrang adventurous." "Ilang taon na ba si Valier?" tanong ko naman. We walked past several rooms, some of which were closed. "Valier is 2 years old," Brad replied. "His mom left Boss Leon and him two months after he was born." Nangunot ang noo ko. The story was... it was sort of familiar. Noong nagkikita kami lagi ni Leon, or Sir Leon, nabanggit niya isang beses na single siya dahil iniwan na siya ng ex niya. Ang tanga ko talaga. Hindi ko naisip na nagpapalipas lang siya ng oras sa akin noon. "Nasaan na siya?" pahabol kong tanong. "Mahirap ikwento," sagot ni Brad. "Ayaw rin ni Boss Leon na pinag-uusapan." "Okay," tugon ko. "Bwisit siya." "Ha?" "A-Ah! Wala!" tanggi ko. Tumigil kami sa tapat ng isang kwarto sa second floor. Nasa dulo ito, sa kabilang dulo ng kwarto ko. "Valier is sleeping, pero silipin mo na ang kwarto niya at ang mga gamit," paalala sa akin ni Bradley. He pushed the door open and I expected to see a crib with a baby inside, pero hindi. Ang naabutan namin... "B-Boss Leon!" bati ni Bradley. Anong ginagawa niya rito?! Akala ko ba nasa opisina siya?! Karga-karga ni Sir Leon ang isang batang lalaki. The kid was sleeping but he has tear marks on his cheeks. Nagising siguro at inaalo ng magaling niyang ama. For a second... they looked adorable. Leon looked adorable. Saglit lang. "S-Sorry, Boss. Hindi ko alam na nandito ka po, should we come back later?" "No, let her stay. I'll tour her here," mahinahong sagot ni Leon. What?! "Okay, Boss. Bababa na po ako. Anel, ikaw nang bahala rito. I'll prepare your schedule," sabi ni Bradley at bago pa ako makaprotesta, bumaba na siya. Naiwan kaming dalawa ni Leon sa kwarto ni Valier. Tahimik lang kaming dalawa habang nililibang ko ang sarili sa dami ng laruan ni Valier at malalaking storybook. "My son likes bedtime stories," panimula ni Sir Leon. Diretso na, wala nang hi o hello. Tinuro niya ang mga libro sa gilid. "He likes to play cars too. Dito lang siya madalas sa kwarto, pero minsan gusto niya sa garden. I want you to keep up with that." "Noted," mabilis kong sagot. "Noted, sir." Leon gave me an amused look. "And I don't want my kid around gadgets. Kung may boyfriend ka, sabihan mo na h'wag tumawag sa oras ng trabaho. Nagkakaintindihan ba tayo, Anel?" "Wala ho 'kong boyfriend, walang kwenta ang mga lalaki," pabiro kong sabi. "Nagkakaintindihan po tayo, sir." Tinanguan niya ako. He then turned around to grab something from the cabinets, while I glanced at Valier sleeping peacefully. Ang cute niya. Biglang may inabot sa akin si Leon. Tatlong balot ng maid uniform. "Wear that," tipid niyang sabi. Inayos niya ang manggas ng long sleeves polo niya. "And tie your hair up." "B-Bakit kailangan pa pong magpusod?" protesta ko. Hindi naman ako pangit 'pag nakapusod pero... pero may tattoo ako sa batok. The angel wings on my nape. I am sure he knows about that. "Bakit naman hindi," malamig niyang sagot. Napalunok ako. "A-Ayaw ko lang na nakapusod, sir. Hindi komportable—" His expression turned dark again. "Why?" "Kasi—" "The tattoo, isn't it," Leon said blankly. "Angel wings." Nanlaki ang mga mata ko. Napaatras ako at muntik mabitawan amg mga hawak na uniporme sa gulat. "You are her," Leon exclaimed. "Andie." Mabilis akong umiling at nagpilit na ngumiti. Sa loob ko, grabe na ang takot at t***k ng puso ko. Hindi ako makahinga nang maayos at gusto ko na lang magtatatakbo paalis. Kilala niya ako?! Paano?! "H-Hindi ko alam ang sinasabi mo," mabilis kong sabi. "Punta na ho ako sa kwarto ko para maghanda—" "Don't lie to me." Leon grabbed my arm and turned me to his direction. Bigla niya akong sinandal sa pader at ikinulong sa mga bisig niya. Nabitawan ko na ang mga hawak ko sa tindi ng titig niya sa akin. Parang malulusaw ang mga tuhod ko. Paano niya ako nakilala?! "You are Andie," bulong niya at hinaplos ang buhok ko. "I can't be wrong. Kilalang-kilala ko ang boses mo." For a second, I felt longing. Tenderness. I missed this feeling from him but I remembered that night again, the night before I never saw him again. Mabilis akong natauhan at tinampal ang kamay niya. Dali-dali kong pinulot ang mga nalaglag kong damit saka inayos ang sarili ko. "Hindi ho ako 'yon, pasensiya ka na," usal ko, pinipigilang maiyak. Dumiretso na ako sa pinto. Nakakainis. Akala ko naka-move on na ako, pero pa'no? He left me hanging... Bago ko pa mabuksan ang pinto, may sinabi pa siya na nakapagpatigil sa akin. "I'm sorry." Hindi ko na siya nilingon at lumabas na lang. Tangina! 'Wag kang iiyak, Anel! Malakas ka! Kailangan mo ng trabaho, 'wag mo na siyang intindihin! He just lied to you, used you! Wala na siya dapat sa 'yo! At isa pa... Anel, gaganti ka. You will make him feel what you felt that night he ghosted you. Hurt him the way he hurt you. Paiibigin mo rin siya pero hindi mo sasaluhin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD