ANEL
"Hi, Valier! Ako pala si... si Anel."
Nginitian ko ang batang si Anel habang nakakapit siya kay Bradley Peter. Pinapakilala niya na ako sa batang lalaki dahil ngayon lang ito nagising sa siesta niya, almost dinner na.
He turned away from me and hid his face. Natawa ako. Ayaw niya pang makipag-usap sa akin.
"Mahiyain lang talaga si Valier, Anel. Masasanay rin siya sa 'yo," bulong niya sa akin at tinapik ang balikat ko.
"Sana nga," sabi ko. Kinalabit ko ang maliit na siko ni Valier. "Uy, bati tayo, ha? Kailangan ni Ate Anel 'tong work, e."
He pouted. Umiling siya sa akin sabay hila sa pantalon ni Bradley, tapos nagtakip uli ng mukha "Alis na tayo, Kuya BradPete..."
Inamoy ko ang kili-kili. Baka mabaho ako kaya ayaw niya sa 'kin? "Hindi naman ako mabaho, Valier?"
Umiling siya sabay tago uli kay Bradley. Natawa na lang kami. Nahihiya pa talaga siya sa akin pero hindi naman daw nagtatagal ang adjustment period niya.
Well, iyon ang sabi ni BradPete.
"Anel, kain na muna siguro siya sa baba. 'Yung gamit mo pala ay pinahatid ko na sa kwarto mo," sabi niya. "Come, Val."
Pinanood ko silang umalis sa harapan ko at naiwan akong nakatulala sa kwarto ni Valier.
I looked around. Itong buong kwarto niya? Bahay na namin ng parents ni Angge. As in. Kasyang-kasya ang tatlo pang kwarto dito sa kwarto ni Val, tapos may malaking bintana pa sa dulo na ang view raw ay sa garden.
Hindi naman siguro masama kung makikisilip ako? Saglit lang naman.
Pasado alas siete na ng gabi. Nakauwi na nga si Angge at naihatid na ang mga gamit ko.
Sumilip ako sa bintana at nakita ang malawak na garden sa baba. Ang daming bulaklak saka sa gitna, may fountain na may malamlam na pailaw. Ang magical! Parang sa fairytale?
Tanaw rin ang pila-pilang sasakyan mula rito. Napailing ako.
Grabeng yaman naman ng pamilya nila. Kahit siguro habangbuhay akong magtrabaho, hindi ko mararanasan itong ganito kayaman.
Napaisip din ako sa kung bakit naging single dad si Leon kung ganito siya kayaman. Ano pa kayang puwedeng idahilan ng ex niya para iwanan siya? Did he cheat on her?
Teka lang.
Ako? I pray na hindi ako ang dahilan ng break-up nila. Lumapit din naman si Leon sa bar noong break na raw sila ng ex niya.
Sana totoo. Ayaw kong maging dahilan ng pagkasira ng relasyon ng ibang tao.
Isa pa...
Napamahal kasi talaga ako kay Leon noon, kaya nga bitter ako. Ang bitter ko dahil paasa siya!
Tanga nga lang din ako. Bakit nga naman mahuhulog nang totohanan sa isang prosti si Leon, 'di ba?
Baka nga kapag tapos namin sa private room ay naliligo siya sa alcohol sa pandidiri sa akin. Baka nasusuka siya pagtapos o kaya gusto niyang suntukin ang sarili niya kasi pumapatol siya sa tulad ko noon.
Pero... pero 'di naman masamang mangarap, 'di ba?
Bahala na.
Basta, sobrang sama ng loob ko sa kaniya na gaganti ako. Kung pa-fall siya, e mas pa-fall ako. Kahit nakakadiri siguro ako sa isip niya, magtiis siya. Mahuhulog siya sa akin, I am claiming it—tapos hindi ko sasaluhin.
Sinara ko na ang kurtina ng bintana para dumiretso sa kwarto ko nang paglingon ko ay nauntog ako sa isang matigas na bagay.
"Aray!" tili ko. Nag-angat ako ng tingin at napatili uli nang malamang kay Leon ako bumangga. Sa dibdib niya! "Ikaw?!"
Sumimangot siya. "Anong ikaw? Bahay ko 'to."
Umismid ako. Pakialam ko naman kung bahay niya 'to. "B-Bakit ka nandito? Nasa baba si Valier... nagdi-dinner."
"Hindi naman ang anak ko ang pinunta ko rito," sagot ni Leon.
Sinubukan kong takasan siya pero hinarang niya ako. Sinubukan ko uling lampasan siya pero sinangga niya ako gamit ang malaking katawan niya.
Nag-init ang pisngi ko sa ginawa niya. "A-Ano ba, may aasikasuhin pa ako."
"You're Andie, right?" he said, almost like a whisper.
Napayuko ako at umiling. "H-Hindi nga. Hindi ko 'yan kilala—ahhh!"
I screamed when Leon grabbed me by the waist turned me backwards. Mabilis niyang hinuli ang mga kamay ko sabay hinawi ang buhok ko hanggang sa hindi na natatakpan ang batok ko.
"Really? Cause I knew Andie had a similar tattoo," malamig niyang sabi. "Angel wings."
"Bitiwan mo nga 'ko," protesta ko sabay wakli ng kamay niya. Napaatras na naman ako at inayos ang buhok ko. I tried to look at him, tried to look tough. "E-E ano naman sa 'yo k-kung... kung ako nga 'yon?"
Hindi siya makapaniwala. Napakagat siya sa ibabang labi niya at umiling. "Ano naman sa akin?"
"Oo!" sigaw ko. "Bakit ba may pakialam ka? E..."
He stepped closer to me. "What?"
Napalunok ako. "E hindi ka naman naging totoo sa akin no'ng u-unang nagkakilala t-tayo."
Umiwas siya ng tingin. Noon ko nakita na hindi talaga siya nagpakatotoo sa akin. Hindi niya ako matingnan sa mata, e.
Umiling ako. "B-Bakit ngayon may pakialam ka na? Hindi naman ako nandito para magmakaawa s-sa 'yo n-na balikan ako."
Napalunok na naman ako dahil parang may bumabara na sa lalamunan ko.
"H-Hindi ako magmamakaawa sa 'yo, 'no," bulong ko. Pinilit kong makahinga nang maayos at lunukin ang luhang namumuo sa akin. "B-Bahala ka sa buhay mo, b-basta pasasahurin mo ako rito, ayos na. K-Kailangan ko lang ng trabaho..."
He fell silent. Nakatingin lang siya sa akin. "You left the club?"
Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. "Ayan ang c-concern mo? H-Hindi man lang... w-wala man lang sorry?"
"Sorry, I-I just—"
Nilampasag ko siya at nagpunas ako ng luha. Bwisit siya! Inisip niya pa 'yung trabaho ko sa bar kaysa sa katotohanang pinagtripan niya ang feelings ko noon?!
Bwisit siya! Wala man lang konsensiya!
"'Wag mo na akong kakausapin!" hiyaw ko habang naglalakad palabas ng kwarto ni Valier.
"Andie, sandali—"
Nilingon ko siya sabay dinuro. "At 'wag mo nga akong tawaging Andie! Anel ang pangalan ko!"
"Fine, Anel," he said calmly. He stared straight into my crying eyes and followed me to where I was standing.
Nag-ugat na ang mga paa ko sa sahig na hindi na ako nakalaban nang lumapit siya sa akin. Tinitigan niya ako sa mga mata.
Nawala 'yung lalaki na suplado kanina. Para siyang maamong tupa ngayon, malayo sa Leon na kilala ng lahat.
"Anel, I'm sorry," he whispered. Napapikit siya at napapisil sa gitna ng mga mata niya. "It's just... it's just that..."
"A-Ano?"
"Something came up that day," he answered. "Something..."
Napatango ako. "Okay, forgiven, thank you sa napakaganda mong explanation."
"What do you want me to say, then?" Leon asked me, sounding frustrated. "What do you want me to do that time?"
"Come to me, apologize to me, explain to me!" sigaw ko. Napalingon ako sa likuran ko, natakot na baka may makarinig sa akin. "Sana nagpaliwanag ka kasi Leon... kasi... k-kasi hinintay kita noon."
Natawa ako. Pekeng tawa habang totoong lumuluha. Nakakainis. Ganoon lang ang sasabihin niya sa akin?
"Hinintay k-kasi kita, e," iyak ko. Hindi ko na napigilan. Tinuro ko ang dibdib niya. "N-Naniwala kasi ako sa 'yo. Tinawanan m-mo siguro ako no'n, 'no?"
Umiling siya. "Anel—"
"Natawa ka siguro kasi paniwalang-paniwala 'yung tangang prosti sa lahat ng sinabi mo sa kaniya," tawa ko sabay singhap dahil hindi na makahinga sa bigat ng dibdib. "S-Siguro bobong-bobo ka sa 'kin, 'no? K-Kasi talagang n-napamahal ako sa 'yo no'n..."
Umiling na naman siya at pilit hinuhuli ang mga kamay ko. "Anel..."
Nagpunas ako ng luha. "G-Gaano katagal nga 'yung kalokohang 'yun? Two months? Three?"
"Two months," Leon replied. "Two months, three days... seventeen hours."
Napahalakhak ako sabay iling. Nagpunas pa ako uli ng luha at saka tinuro uli si Leon. "'Wag mo nang pekein na may pakialam ka sa pinagsamahan natin doon, Leon."
"Anel—"
Umiling ako. "Tama na. I-Iwan na natin sa nakaraan 'yan... wala namang patutunguhan kung pag-uusapan pa. Nangyari na. Naloko mo na 'ko at natawa ka na sa akin, sapat na 'yun."
Tinalikuran ko na siya at doon humikbing muli.
Ngunit bago pa ako tuluyang makalabas, may sinabi pa sa akin si Leon na lalong nagpaiyak sa akin.
"Anel, it was real. Everything I said to you, all were real. Totoo ang pinagsamahan natin."
Sinungaling.
"Sinungaling ka," bulong ko at mabilis na lumabas ng kwarto at padabog na sinara ang pinto.