Point of View: Andrea Raizen Narvaez "Devin!" agad na bulalas ko nang makita ko siya. Tumakbo ako palapit sa kaniya at saka ko siya niyakap nang mahigpit. Sinuklian naman niya iyon nang mas mahigpit na yakap. Hindi na namin pinansin ang mga kasama namin. Ang mahalaga ay mayakap namin ang isa't isa. "Andrea..." mahinang sabi niya at saka ako hinalikan sa tuktok ng ulo ko. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng masaya sa nangyari. Ayos lang siya at ni wala man lang siyang galos sa katawan. Mukhang hindi naman siya sinaktan nina Jack. "Mabuti naman at ayos ka lang," sabi ko at tumingin sa mukha niya. Hindi pa rin ako umalis sa yakap niya. "Hindi ka man lang ba sinaktan nina Jack?" Kumunot ang noo niya dahil sa tanong ko. "Hindi si Jack ang kumuha sa 'kin." Hindi ko rin maiwasang hindi m

