"Masaya ka ba ngayon?" tanong ni Devin habang nakakulong ako sa kaniyang bisig. Pinagmamasdan namin ang papalubog na araw habang nasa veranda kami ng bahay nina Jesse. May kaya ang pamilya niya kaya naman mataas ang bahay nila. "Oo naman. Sobra," sabi ko. Hindi maalis ang mga ngiti ko sa labi. Mas hinigpitan ko ang yakap sa kaniya para maramdaman niya kung gaano ako kasaya ngayong kasama ko siya. "Ako rin. Sobrang saya ko na ayos na tayo at ang pamilya mo. Hindi ko alam na may ganoon pala kayong problema samantalang ang pinoproblema ko lang ay kung paano ka mapapasaakin." Hinampas ko ang tiyan niya dahil sa sinabi niya at saka natawa. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o seryoso siya pero hindi ko maiwasang hindi kiligin sa mga sinasabi niya. Mababaw man pero siya lang ang nakakagawa

