"Maraming salamat po sa pagtanggap, Tita. Kailangan ko na rin po kasing umalis. Maaga pa ang trabaho ko bukas," pagpapaalam ni ate. "Ganoon ba? Sige! Pwede ka namang bumalik kahit kailan mo gusto." "Si Cerina lang, Tita? Hindi ako welcome?" tanong ni Kuya Fret habang madramang nakahawak sa dibdib niya. "Syempre, ikaw rin! Ikaw nga itong ngayon lang nagparamdam kaya welcome na welcome ka!" sabi ni Mame sabay yakap sa kanilang dalawa. Natawa silang lahat sa inasta ni Mame. Para kasing teenager. Mauuna umuwi sina Kuya Fret at Ate Cerina dahil tulad ng sabi ni Ate, may trabaho pa siya bukas at sa Maynila naman ang uwi ni Kuya kaya kailangan ng pahinga. Pagkasabi ni Kuya noon ay hindi agad ako naniwala. Sa tingin ko, gusto niya lang masolo si Ate ngayong hapon. Ayaw lang niya sabihin dahi

