Nang huminto ang sasakyan ni Devin ay mas lalong lumakas ang t***k ng puso ko. Parang gusto kong mag-back out kahit na nasa labas na kami ng malaki nilang gate. Hindi na ako nagulat nang makita ko kung gaano kalaki ang bahay nila. Para itong mansyon pero hindi naman nakakatakot tulad ng nasa isip ko. Maganda ang exterior ng lugar at nakakamangha ang garden nilang kita kahit na nasa labas ka pa lang. Marami akong nakikitang mga nagtatrabaho sa loob. Ang ilan ay naglalakad lang at ang ilan ay nagdidilig ng halaman. May ilang gwardiya rin ang nakatoka sa loob. Ang ilan ay nakatayo sa bawat sulok ng garden tapos may gwardiya sa gate. "Kuya, mga kaibigan kami ni Lyra. Inanyayahan niya kami rito," sabi ni Devin sa gwardiya. Hindi pa muna kami pinapasok ng gwardiya at may tinawagan muna sa te

