Sa likod ng unang pahina. Itinupi ko sa apat ang papel saka ko inipit sa English Book, napatingin ako sa aking alarm clock at napasapo nalang ako sa aking noo, dapat pala nakinig ako kay mama kanina na mala-late na ako, masyado kase akong nawili sa kababasa sa liham ni Niklaus. Nakikita ko siyang kapana-panabik dahil may mga nalalaman ako tungkol sa kanya na hindi ko nalaman noong nabubuhay pa siya. Hinanap ko sa aking cabinet ang nakaplantsa kong polo at slacks, pagkatapos ay kumuha ng pares ng medyas at brief at boxer, patakbo kong kinuha ang tuwalya kong nakalapag sa sahig at saka patakbong lumabas ng kwarto para maligo. Palaging ganito ang sistema ko tuwing papasok ako, kapag alam kong mahaba pa ang oras ko ay nagpapakahayahay lang ako at parang walang hinahabol na oras, saka lang

