Pangalawang Pahina Kinuha ko sa ilalim ng kama ko ang kahon na may nilalaman na liham ni Niklaus, hindi ko inaasahan na matatapos ko ang unang pahina ng kanyang liham, nakaramdam ako ng pananabik sa susunod na magiging kwento ng susunod na pahina, pakiramdam ko mas nakikilala ko siyang lubos dahil sa mga sulat niya at may mga nalaman akong ngayon ko lang nadiskubre. Kinuha ko ang lahat ng papel sa kahon at inilagay sa pinakadulo ang natapos ko nang pahina, kinuha ang nasa unahan at muling binalik ang mga papel sa loob. Sinarado ko ang kahon at muling binalik ito sa aking pinagtataguan na nasa ilalim lang ng aking kama, wala naman akong dapat ikabahala dahil hindi naman nagingialam ng mga gamit ko si mama, alam niya ang kahulugan ng salitang privacy. Pero, minsan ay kumakatok at bigla na

