Pangalawang Pahina
Kinuha ko sa ilalim ng kama ko ang kahon na may nilalaman na liham ni Niklaus, hindi ko inaasahan na matatapos ko ang unang pahina ng kanyang liham, nakaramdam ako ng pananabik sa susunod na magiging kwento ng susunod na pahina, pakiramdam ko mas nakikilala ko siyang lubos dahil sa mga sulat niya at may mga nalaman akong ngayon ko lang nadiskubre.
Kinuha ko ang lahat ng papel sa kahon at inilagay sa pinakadulo ang natapos ko nang pahina, kinuha ang nasa unahan at muling binalik ang mga papel sa loob. Sinarado ko ang kahon at muling binalik ito sa aking pinagtataguan na nasa ilalim lang ng aking kama, wala naman akong dapat ikabahala dahil hindi naman nagingialam ng mga gamit ko si mama, alam niya ang kahulugan ng salitang privacy. Pero, minsan ay kumakatok at bigla nalang siyang pumapasok sa loob ng kwarto ko ng walang paalam, siguro gusto niya lang i-check ang kanyang anak.
Maligayang pagdating sa pangalawang pahina ng aking liham, sana nga lang ay hindi ka nababagot habang binabasa mo ito dahil masyado yata itong mahaba para maging isang liham. Nasaan na nga ba tayo ulit? Nasa maliit palang na detalye tayo ng aking kwento, kung saan ang isang tulad ko ay naging bahagi ng isang one-sided love story o 'di kaya pwede siyang tawagin na 'Fake Love Story.'
Sabagay, niloko ni Victoria si Harris kahit na simula't sapul palang ang pakay niya talaga ay ang pinsan nito, sa tingin ko pwede naman na ikonsidera 'yon na 'Fake Love Story' kagaya nga ng sabi ni Niklaus.
Alam niyo ba na matapos ang break-up ni Harris at Victoria ay kumalat ito sa buong campus ng school, nagulat ako at maging si Victoria. Wala kaming ideya kung paano kumalat iyon, basta't ilang oras pagkatapos namin pag-usapan ang tungkol sa break-up ay napansin nalang namin ang mga tingin ng mga kapwa ko estudyante kay Victoria.
Sabi nga nila walang sikretong 'di nabubunyag, kahit anong tago mo, lalabas at lalabas ang lahat ng mga tinatago mong sikreto, minsan, sa hindi mo pa inaasahan na pangyayari. Katulad nalang ngayon, wala akong ideya na si Victoria pala ay ginamit lang ang pinsan ni Arthur, sa pagkakatanda ko nga kumalat ang isyu sa hiwalayan na Victoria at Harris, siguro, wala lang akong pakialam non kaya hindi ko pinansin ang tungkol sa tsismis na 'yon.
Marami palang mga matang nakatingin at tengang nakikinig sa bawat kilos ni Victoria, isa kase siya sa pinakasikat na babae sa Matatag National High School kaya kaunting mali lang nito ay marami nang nakakapansin, siguro tumagal din ng ilang araw bago nakalimutan ng campus ang tungkol sa break-up nila ni Harris kaya hindi nagtagal ay dumami ang manliligaw nito pero hindi kabilang doon ang taong pinakagusto niya si Arthur Velasquez.
Maganda at sexy naman talaga siya, sorry, Niklaus, maging ako ay sumasang-ayon na din tuloy.
Alam mo ba 'yung pakiramdam na kahit anong gawin mo, hindi mo makuha ang pinakagusto mo? Iyan ang eksaktong nararamdaman ni Victoria, nasa kanya na ang atensyon ng halos lahat ng kalalakihan, halos kulang na nga lang ay magtulakan para lang makuha siya pero bigo silang masungkit ang puso nito dahil nasa isang lalaki lang ang atensyon nito. Ang lalaking hindi man lang siya magawang mapansin na pinsan ng dati niyang nobyo.
Hmm... parang nakarelate ako ng kaunti sa tanong na 'yon, may mga pagkakataon kase noon na ako 'yung nasasandalan ni Niklaus kapag may mga problema siya, lahat ng mga hinaing niya sa mundo parang sa akin niya binubuhos kapag nag-uusap kami.
Nagyaya si Victoria na mag-mall kami pagkatapos ng klase, tutal dalawang sakay lang naman mula sa aming paaralan ang SM Bacoor kay hindi na ako nakatanggi, gusto niya raw bumili ng bagong make-up sa Watsons. Napatingin ako sa laman ng wallet ko noon dahil hindi naman gano'n kalaki ang baon ko sa pang-araw-araw, sapat na may tirang tatlumpung piso pagtapos ng buong araw ng klase. "May bibilhin ka ba?" ngumiti lang ako sa naging tanong mo, "Wala, naman." sagot ko nalang. May kinuha kang face powder at pinatingin mo sa akin kung maganda ang brand na 'yon, nasupresa ako sa presyo na mahigit isandaang piso 'yon. "Parang gusto ko tong bilhin, parang hindi siya madaling malusaw, sobrang init kase sa room tapos tsambahan pa sa magandang pwesto kung saan may electric fan. What do you think?" itinapat niya sa kanyang mukha iyon na parang nag-e-endorser, tumango nalang ako bilang sagot.
Naihi naman ako, saglit nga lang, Niklaus at babalikan ko nalang ang pagbabasa. Ipinatong ko sa kama ang papel at agad akong patakbong pumunta sa baba at pumunta sa cr para umihi. Pagkatapos ko ay agad din akong umakyat at dumiretso sa loob ng kwarto para magpatuloy sa pagbabasa.
Matapos niyang mabili ang lahat ng ng kailangan niya sa watsons ay nagyaya naman siyang pumunta kami sa isang kilalang fast food, umangal siya na puro nalang daw siya diet, sabi niya kung hindi lang siya mabilis tumaba, siguro nakakain na niya lahat ng gusto niya. Ikunumpara niya ang kawatan ko sa katawan niya, naiingit siya sa pagiging slim ko, 'di niya alam ako dapat itong mainggit dahil mukha nga akong nene, wala ngang kakorte-korte 'yung katawan ko hindi tulad ng kanya. Naghanap siya ng upuan na pwede naming maupuan, sabi niya oorder lang siya ng makakain at doon lang muna ako at maghintay, napatingin ako sa wallet ko, walang kalaman-laman, napatingin ako sa paligid ko lahat sila kumakain ng mga inorder nila, naglaway tuloy ako.
Hindi hamak na mas mganda nga ang buhay ko kaysa kay Niklaus pero kahit kailan hindi nagreklamo siya narinig nagreklamo, nang makapasok nga ako sa loob ng kwarto niya inaamin ko naliitan at namangha din naman, hindi kase gan'on ang itsura ng kwarto ko, puro poser ng mga sikat na artista ang nakalagay sa dingding ng bawat kwarto niya. Ang totoo niyan dalawa nga silang naghahati sa maliit na kwartong 'yon, kasama niya doon ang bunso niyang kapatid na babae.
Mga ilang minuto ay may dala nang pagkain si Victoria, na-excite ako dahil bihira lang naman kami ng mga pamilya ko kumain sa isang fast food kung sakaling may sobrang pera lang si papa sa trabaho niya, inilapag ni Victoria ang mga inorder niya, isang spaghetti, french fries, burger at coke float. Naghintay ako hanggang sa matapos siyang kumain siyang kumain na yayain niya ko kahit 'yung burger lang pero parang pinatakam lang niya kong titigan siya at panoorin na ubusin ang lahat ng mga inorder niya. Nasaktan ako dahil doon, naramdaman ko na parang imposibleng maging magkaibigan ang may kaya sa buhay at isang mahirap na tulad ko, may mga bagay talaga silang minsan hindi pagkakasunduan dahil sa pera at estado ng buhay.
Masasabi bang kaibigan 'yung mga ganyang tao? Hindi man lang marunong makiramdam, parang ipinagmukha pa niya kay Niklaus na kapos siya sa pera at samantalang siya ay nakaluluwag.
Pagka-uwi ko ay may mga bagay na pumasok sa isipan ko, nakita kong kumakain ang bunso kong kapatid at sumunod sa akin sa iisang hapag-kainan, masaya silang nagsasalo sa pritong tilapia na niluto ni mama na abala na ngayon sa panonood ng telebisyon. Hindi na ako nagbihis ng suot kong uniporme at agad nalang nagsandok ng kanin at nilangakan ang ulam, sabay-sabay kaming kumain ng mga kapatid ko. Hindi naman importante kung masarap ang kinakain niyo at kung saan kayo ang kumakain, iba parin kase ang pakiramdam kapag kasama mo ang pamilya mo kumain, mas nakakabusog.
Bahagya akong napangiti sa mga nabasa ko, mabuting tao talaga si Niklaus, alam ko 'yon dahil naging mabuti siyang kaibigan sa akin. Alam kong puro kapintasan at masasamang bagay nalang ang nakikita nila sa kaibigan ko pero nagkakamali sila doon, siguro, may mga mali lang siyang naging desisyon sa buhay at dahil sa mga pagkakamaling iyon ay nahusgahan siya.
Syempre, hindi naman nasira ang pagkakaibigan namin ni Victoria dahil sa hindi niya ako nilibre sa isang sikat na fast food, nagpatuloy parin ang pagkakaibigan namin at kung iniisip niyo na parang naging patay-gutom ako ng mga sitwasyon na 'yon, hindi ko na mababago ang pag-iisip niyo dahil iyon na ang pagkakaintindi niyo. Bakit hindi tayo magpasok ng isa pang tauhan sa liham ko, sigurado ako na maraming nakakakilala sa kanya dahil dati siyang kabilang sa star section, mahinhin na babae, may kalabuan ang mga mata at may—
Huminto ako sa pagbabasa ng marinig ko ang pag-ring ng cellphone ko, kinuha ko sa bulsa ng slacks na tinapon ko lang sa sahig ang tumutunog kong phone, binasa ko ang pangalan ng nasa screen, nanginig ang mga kamay ko at halos mabitawan ko ang hawak kong phone. Sino ba naman kase ang hindi matatakot kung tawagan ka ng taong patay na?
Ring.... Ring....
- Hello?
- Si Tyron ba 'to?
- Ako nga po.
- Uhm... mama ito ni Niklaus, si tita Marites mo, may gusto lang sana akong ibigay sa'yo.
- Kaya po pala, kinabahan po ako, kala ko 'yung anak mo na po ang tumatawag sa akin.
- Pasensiya na, ginamit ko lang 'yung phone niya dahil hindi ko naman alam kung saan ka nakatira kaya tinawagan nalang kita.
- Ano po bang ibibigay niyo sa akin? Ako nalang po pupunta diyan, tita, nakakahiya naman po at baka maabala pa kayo, magbibihis lang po ako.
- O, sige anak. Tungkol nga pala sa ibibigay ko—
- Po?
- Gusto ko lang ibigay 'yung huling hiling na anak ko na dapat matagal ko nang ibinigay sa'yo.
Lost Signal...