Kabanata 10

1511 Words
Pailing-iling na tumingin sa akin si Nelson na sinabayan pa niya ng nakakapangasar niyang ngisi at tila gustong sabihin na sa kanya parin umaayon ang tadhana, na kahit anong iwas ko, na kahit ano'ng gawin ko ay palagi magtatama ang landas namin dahil nasa iisang klase lang naman kami at halos nasa iisang mundo lang naman kami ng ginagalawan. "Tsk..tsk.. Sa susunod kase ay hawakan mong mabuti ang papel na 'yan at baka 'di mo mamalayan na nasa ibang kamay na 'yan" sinipa niya palapit sa akin ang papel gamit ang kaliwang paa niya. "Salamat," maikli kong sabi at saka ko siya tinalikuran at nagmadaling bumalik sa upuan ko. Napakunot-noo akong binaling ang tingin sa katabi ko, nakangiti ito na animo'y walang kasalanan, napabuga nalang ako ng hangin at kinuha ang bag ko at basta nalang sinalpak doon ang hawak kong papel. Naiinis naman ako sa ginagawang panonood ni Ion sa akin, kung alam lang niya kung gaano katindi ang kaba ko noong napunta ang liham ni Niklaus sa masamang tao tulad ni Nelson. "Bakit ba nandito ka? Hindi naman dito 'yung upuan mo?" napabuga lang siya ng hangin at natawa sa nasabi ko. "May regla ka ba ngayon, pre? Napakasungit mo naman!" napabuga lang ako ng hangin sa ilong, ayaw kong patulan ang pangangasar niya dahil doon siya magaling. "Oo, nga pala. Bakit hindi ka pumunta sa libing ni Niklaus?" napansin ko ang pagbaklas nito sa mga ngiti sa labi niya. "A..ko? Uhm... " napakamot siya sa kanyang kaliwang kilay, "Kase hindi ako pinayagan ni mommy, gano'n lang kasimple?" kibit-balikat pa niyang sabi na may kasama pang pagsenyas ng dalawang kamay. "Okay, sabi mo, eh" Kusa tuloy itong umalis pagkatapos kong magsalita, napakibit-balikat nalang ako at kinuha ang libro ko sa Physics, napangiwi ako nang maalala na hindi pala ako nakagawa ng assignment kagabi, tiyak kapag nagtawag ng individual at pinarecite ng mga sagot nila ay malilintikan ako, napahilamos nalang ako sa aking mukha at walang nagawa kundi mangopya nalang ng gawa ng katabi ko hangga't wala pa 'yung teacher namin. Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako uwi ng bahay kahit na ang dating rotation ko ay dumiretso ng computer shop kahit na nakasuot pa ng uniporme, hindi ko naman pinapansin ang tawag at text ni Tian sa phone ko dahil nagmamadali akong umuwi para lang magpatuloy ng pagbabasa ng mga liham ni Niklaus, naudlot pa naman ang pagbabasa ko kanina sa room at muntikan pang mapunta sa masamang kamay ang mga liham na ginawa niya. Tinanggal ko ang pagkakabutones sa polo ko at naghubad ng sando ko ng puno ng pawis dahil sa sobrang init, naghanap ako ng matinong t-shirt sa loob ng damitan ko at napili ko 'yung kulay dilaw na may nakapintang mukha ni spongebob. Mas pinili ko nalang na maghubad ng suot kong slacks at hindi na maghanap ng short dahil nakaboxer naman ako atsaka nasa loob lang naman ako ng kwarto ko. Humiga ako sa aking kama na nakasuot nag medyas at tanging sapatalos lang hinubad at basta nalang tinapon ito sa lapag, pagkatapos ay kinuha ko ang aking bag at kinuha sa loob non ang papel na may laman ng liham ni Niklaus, napakamot ako ng ulo at napangiwi nang makitang gusot-gusot ito at halos mapunit na dahil sa nadaganan ito ng mga laman ng aking bag. Wala naman akong choice kundi magpatuloy nalang itong basahin ng ganoon ang itsura. Madali lang naman pahupain ang galit ni Victoria basta't marunong kalang maglambing, hinayaan ko nalang siya sa mga gusto niya at hindi magbigay ng kahit na anumang komento dahil baka humantong lang ito sa away. Nagpatuloy ang relasyon nila ni Harris, mukhang nage-enjoy naman itong kausap ang lalaki, tago lang ang relasyon ng dalawa at tanging kaunti lamang ang nakakaalam. "Alam mo bang magaling kumanta si Arthur?" wika nito habang abala sa pagkain ng dala niyang baon. "Hindi, 'di naman kami nag-uusap non atsaka palaging tayong dalawa lang ang magkasama" sagot ko naman. "Parang gusto kong marinig ang boses niya, ano kayang feeling ng kantahan niya, no?" Bukambibig ng babaeng to si Arthur pero boyfriend naman niya ang pinsan nito, alam mo naman pala, Victoria, sa simula't sapul kung sino ang gusto mo, dapat 'di mo na pinaasa itong isa. Alam mo ba ang pakiramdam nang gamitin ka lang? 'Di mo rin ba naisip na pwedeng magalit sa'yo 'yung taong gustong-gusto mo kapag ginamit mo lang 'yung pinsan niya? Oo, tama kayo ng iniisip na kahit na si Harris ang boyfriend niya pero ang laging laman ng bibig niya ay si Arthur, marahil, napapadalas ang tanong ni Victoria kay Harris tungkol sa pinsan nito, kaya marami na siyang nalalaman tungkol dito. Tumagal ng isang linggo ang relasyon ni Victoria kay Harris wala naman akong naririnig na away nang dalawa, dahil sa katunayan panay parin ang kuwento nito tungkol kay Arthur at hindi tungkol sa relasyon nila ni Harris. Nagutom ako parang gusto kong kumain, ano kayang masarap kainin? Magluluto nalang ako ng pancit canton, matagal-tagal narin akong hindi nakakain non, siguro mga dalawang araw na, hinahanap na siya ng tiyan ko. Tumayo ako sa pagkakasalampak ko sa kama at inilapag sa kama ang papel at lumabas ng kwarto. Pakamot-kamot pa ako ng ulo habang nababa ng hagdan nang makita ako ni mama, huminto lang siya ng saglit at nilagpasan ako matapos ako tingnan mula ulo hanggang paa. Umupo ito sa sofa at nagbukas ng telebisyon, pumunta naman ako sa refrigerator para kumuha ng malamig na tubig. Guminhawa ang pakiramdam ko matapos kong uminom kahit papaano ay naibsan ang pagod ko galing eskwela, hihingi sana ako pambili ng pancit canton kay mama pero bigla akong tinamad magpainit ng tubig kaya umakyat nalang ako ng kwarto at nagpatuloy nalang sa pagbabasa ng liham. Nararamdaman ko ang inis at pagkairita ni Victoria sa t'wing pinipilit ni Harris na sabay silang umuwi galing eskwela, gusto parin kase nito na itago ang kanilang relasyon kahit na tutol na dito ang kanyang nobyo. Wala naman nagagawa si Harris dahil seryoso ito sa nararamdaman niya para sa aking kaibigan na salungat naman sa nararamdaman ni Victoria. Ito ay one-sided love story, 'di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman kung sakaling ako ang nasa kalagayan ng lalaki, hindi pa naman kase ako nakakaranas ng ganitong klaseng love story pero alam kong masakit na hindi kayang ibalik ang pagmamahal na ibinigay mo para sa taong gusto mo, 'yung parang bumili ka at anagbigay ka ng bayad pero wala kang nakuhang sukli bagkus nag-abono ka pa. One-sided love story? Parang ako at ikaw Niklaus, kung nandito ka man at nanonood habang binabasa ko ang liham na ginawa mo ay gusto ko lang sabihin na "gusto kita, gustong-gusto kita, simula palang ng first year tayo!" Iyan ang mga bagay na gusto ko sanang sabihin sa'yo matagal na pero hindi ako magkaroon ng lakas ng loob. Nagpatuloy ang tagong relasyon nila madalas ay nakikita kong dumadaan si Harris sa pasilyo ng aming silid para lang nakawan ng tingin ang kanyang nobya, madalas ko itong napapansin dahil hindi na kami lumalabas at dumadaan sa pasilyo ng silid nila. Huminto ito simula nang magkaroon ng relasyon ang dalawa. "Natatakot ako, Niklaus, gusto ko na siyang hiwalayan pero naaawa ako sa kanya, alam mo bang kapag wala akong reply sa mga text niya pinapasahan niya ko ng load, gumagawa talaga siya ng paraan para lang makausap ako" ramdam ko ang pagkabalisa niya dahil panay ang pagkagat nito sa kanyang mga kuko sa daliri. "Sinabi ko na sa'yo eh, masyadong mahirap takasan 'yung pinasok mong gulo" sabi ko. "Dapat pala nakinig ako sa'yo, nahihirapan na ako! Gentleman naman siya, mabait at malambing pero hindi ko talaga siya type, I try to love him but I can't" napapasabunot pa sa kanyang buhok na wika niya. Inaamin ko na unang araw ng pasukan isa ako sa mga nagandahan kay Victoria pero hindi kase siya ang gusto ko kundi si Niklaus, napansin ko nga ang pagiging malapit ng dalawa dat, nasaksihan ko ang pagkakaibigan nila dahil nasa iisang section lang kami pero ang hindi ko maintindihan ay bakit biglang nagbago ang lahat? Lumipas pa ng ilang araw ang relasyon nila at mas lalong nastress doon si Victoria, gusto na niyang makawala sa isang relasyon na siya rin naman ang naging dahilan, madalas iritable at palaging nakasimangot. Hindi ka kase marunong makinig, ayan tuloy nahihirapan kang plantsahin 'yung gusot na ginawa mo, bawat desisyon na ginagawa ng isang tao ay palaging may consequents, minsan nakabubuti, minsan nakakamasama naman, pero kahit na ano pang maging consequents matuto kang tanggapin at harapin ito. Hinila ako ni Victoria palabas ng room at napadpad kami sa library na kasing laki lang ng aming room, doon ay pumasok kami at nagpanggap na magbabasa ng libro, umupo kami sa bandang dulo kung saan pwedeng walang makarinig sa amin. "Nakipagbreak na ako kay Harris!" muntikan ko ng mabitawan 'yung librong hawak ko dahil sa mga narinig ko. "Paano ka naman nakipagbreak kay Harris?" tanong ko. "Through text, I can't face him! Nakokonsensiya ako." hindi kang siya ang nakokonsensiya maging ako na alam ang tunay na kwento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD