Kabanata 9

1557 Words
Sa likod ng unang pahina. Itinupi ko sa apat ang papel saka ko inipit sa English Book, napatingin ako sa aking alarm clock at napasapo nalang ako sa aking noo, dapat pala nakinig ako kay mama kanina na mala-late na ako, masyado kase akong nawili sa kababasa sa liham ni Niklaus. Nakikita ko siyang kapana-panabik dahil may mga nalalaman ako tungkol sa kanya na hindi ko nalaman noong nabubuhay pa siya. Hinanap ko sa aking cabinet ang nakaplantsa kong polo at slacks, pagkatapos ay kumuha ng pares ng medyas at brief at boxer, patakbo kong kinuha ang tuwalya kong nakalapag sa sahig at saka patakbong lumabas ng kwarto para maligo. Palaging ganito ang sistema ko tuwing papasok ako, kapag alam kong mahaba pa ang oras ko ay nagpapakahayahay lang ako at parang walang hinahabol na oras, saka lang ako kikilos kapag alam kong wala nang natitirang oras at kapag mahuhuli na ko sa eskwela. Paulit-ulit lang ang cycle ng buhay ko at madaling makabisado, dalawang minuto para sa pagligo at gano'n din sa pagsisipilyo. "'Yan ang sinasabi ko sayo, nak, kanina nang pinuntahan kita sa kwarto mo parang wala kang esk'wela tapos ngayon naghihikahos ko sa oras atsaka mo lang maisip na kumilos. Paano nalang kapag nagkatrabaho ka na? Gan'yan bang asal ang ipapakita mo sa boss mo?" ayan na si mama kapag nakikita niya talaga akong aligaga at hindi mapakali at parang naghahabol sa oras ay sinasabayan pa niya ko ng talak. "Sige, ma, alis na ako" paalam ko sa kanya saka ko siya iniwan na panay parin ang panenermon. "Kapag ikaw talagang bata ka! malaman-laman ko na may bagsak ka, naku! Isusumbong talaga kita sa papa mo!" napakamot nalang ako ng ulo dahil lumabas pa siya talaga ng pinto para sa pahabol niyang sermon. Dalawang sakay ng jeep bago ako nakarating sa aking paaralan, nakita ko ang mga kapwa ko mag-aaral na tumatakbo at nagmamadaling makapasok bago sila harangin sa tarangkahan ng masungit namin gwardiya. Isa sa mga pinakakinaiinisan ko sa paaralang ito ang mga gwardiya na palaging humaharang aa amin na tila sila ang nagma-may-ari ng paaralan. Alam ko naman na nasa pampubliko akong paaralan nag-aaral pero wala ba kaming karapatan na mahuli kahit ng isang minuto sa klase, napaka walang hustisya naman non. Mapalad ako na hindi ako ngayon nahuli sa klase, nakaabot pa ako sa flag ceremony na ngayon ko lang naalala, kung hindi ko pa makikita ang mga nakapilang mga first year at graduating na tulad ko. Patakbo akong umakyat sa building kung saan naroon ang aming silid-aralan, nakasukbit pa kase ako ng bag kaya mas mabuting iwan ko muna sa loob. Habang patakbo at nagmamadali ay nakasalubong ko si Victoria, nagkatitigan kami at binigyan niya ko ng pambating ngiti, ginantihan ko 'yon ng awkward smile. Kung alam lang niya na kasama siya sa liham na isinulat ni Niklaus sigurado ako na hindi na ito makakangiti ng ganoon uli. Pumasok ako sa loob ng silid at ipinatong sa aking upuan ang aking bag. "Tyron," tawag nito na kaagad ko naman nilingon. "Hmmm.." "Uhm.. Ku... kumusta nga pala... ang libing ni Niklaus?" napakagat siya sa kanyang kuko pagkatapos niyang masabi ang litanyang iyon. "Bakit nga ba hindi ka pumunta sa libing ni Niklaus?" tanong din ang nabitawan kong tugon matapos kong marinig ang sinabi niya. Tumingin siya sa suot niyang pink na wristwatch, "Oh, Isang minuto nalang mags-start na 'yung ceremony. So-sorry, mauna na ako" Sinundan ko nalang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng silid, napansin ko naman ang bigla niyang pag-iwas sa tanong ko, bukod pa na bigla siyang pinagpawisan matapos niyang marinig ang naging tanong ko sa kanya. Nakakapanghinala! Pakiramdam ko tuloy may itinatago siya? At kung meron man ano ang sikretong itinatago niya? Kaunti lang sa mga kaklase ko ang pumunta sa libing ni Niklaus, siguro bilang lang sa daliri ang nakilibing, sobra akong naawa para sa kaibigan ko dahil maging ang adviser namin ay hindi man lang dumalaw sa burol o nagbigay lamang ng simpatiya sa magulang ng dati niyang estudyante. Alam kong maraming kapintasan ang kaibigan ko pero alam kong hinahangad naman din niya ang presensiya ng mga kaklase niya kahit sa huling araw nito sa lupa, pero parang balewala lang sa kanila ang nangyaring pagkamatay ni Niklaus, kung alam lang nila ang tunay na naging dahilan ng pagkamatay nito ay malamang makokonsensiya ang lahat sa mga ginawa nilang panghuhusga at hindi pabibigay ng tawad dito. "Bro, nakikiramay ako sa kaibigan mo.... ay mali ako... kase hindi lang pala kaibigan ang turing mo sa kanya. Sayang! Hindi natuloy ang pag-iibigan niyo" tinanggal niya ang pagkaka-akbay sa balikat ko at bahagyang ginulo ang buhok ko bago ako nito iwan. "Ano'ng ginagawa mo, Nelson?" panunuway ng girlfriend niyang si Nathalie. "Babe, nangungumusta lang ako, parang 'di mo naman ako kilala" umismid ito at hinipan ang tainga ni Nathalie saka bumalik sa pila nito sa likod. Napakuyom nalang ako ng kamao habang matalim ang tingin kay Nelson, alam kong mas malaki ang pangangatawan niya sa akin, alam ko din na marami siyang tropa at kasali siya sa isang fraternity. Pero, hindi ko mapigilan na magalit at mainis sa asal nito, wala na nga si Niklaus pero pakiramdam ko ay hindi parin siya ligtas sa basagulerong lalaking ito. "Ayos ka lang?" pangungumusta ni Nathalie sa akin na umalis pala ng pila niya. "Kaya ko ang sarili ko, 'wag kang mag-alala" ngumiti ako ng pilit para sumang-ayon siya. "Pagpasensiyan mo na, ako na huminingi ng tawad sa gagong 'yon" ngumiti muna siya bago niya ko tinaluran at bumalik sa pila niya. Matapos ang flag ceremony ay bumalik na kami sa aming silid at umupo sa kanya-kanya naming upuan, nang magtama ang mata namin ni Nelson ay umismid ito at naglakad papalapit sa akin na nakapamulsa, mayabang ang pagkakalakad nito at tila nanghahamon ng away. Hindi naman ako nagpasindak sa mga titig at mga siga niyang asta. "Nababaliw ka na ba?" hinarangan siya ni Nathalie bago siya makalapit sa akin, kinuwelyuhan niya ito atsaka tinulak palayo. Hanggang sa napalayo na siya ng girlfriend niya sa akin ay matalim parin ang mga titig nito sa akin, naiirita namin si Nathalie sa nagiging asal nito, maging ako ay nagtataka kung bakit mainit ang dugo niya sa akin, walang sumasagi sa ideya ko kung bakit. Maliban nalang kung may kinalaman din ito kay Niklaus, sabagay, posible naman talaga, pero— ano naman kaya ang dapat kong malaman sa kanya? Isa lang naman siyang siga, basagulero at walang pakialam sa grades kung bumagsak. Kinuha ko ang aking bag at pinatong sa aking hita, binuksan ang zipper nito at kinuka ko ang aking libro kung saan ko inipit ang papel na may nilalaman na liham ni Niklaus. Naging mag-text-mates si Victoria at pinsan ni Arthur, ang sabi sa akin niya sa akin kaya lang pumayag itong maging textmates sila ng pinsan ng super crush niya na nagngangalang Harris Velasquez dahil malaki ang tiwala niya sa kan'yang plano na magsisilbing tulay lang ito para mapalapit siya kay Arthur. "Sigurado ka ba sa gagawin mo?" nag-aalala kong sabi, marami kase pwedeng posibleng mangyari sa naiisip niyang plano. "Hundred percent, sure!" buong tiwala mong sabi na parang wala kang takot at 'di mo naisip ang pwedeng maging consequents sa gagawin mo. Hindi ba niya naisip na pwedeng masaktan 'yung pinsan ni Arthur sa gagawin niya? Gagawin lang niya talagang tulay si Harris para lang makalapit sa taong gusto niya? 'Di kaya parang sobra naman 'yon? Nagdaan ang ilang araw ay nagulat ako sa rebelasyon ni Victoria, "H'wag kang maingay pero sinagot ko na 'yung pinsan ni Arthur?" nagulat ako sa mga sinabi niya, lumabas kami ng room para makapag-usap kami ng maayos. "Akala ko ba si Arthur ang gusto mo?" sumagot ka naman ng— "Oo, pero mapilit kasi si Harris, e," nakanguso pa niyang tugon, napayakap nalang ako sa kaibigan ko. "Harris pala nga pangalan non, bakit 'di mo nalang kaya aminin sa kanya na 'yung pinsan niya ang gusto mo at hindi siya?" tanong ko sa kanya na bigla nalang niyang kinairitahan. "Sabihin mo nalang kaya na malandi ako, na manggagamit ako parang gano'n narin kase ang punta non" Napatingin ako sa bangko ni Victoria, abala ito sa paglalagay ng pulbo at pananalamin, ngayon ko lang napansin na parang masyadong obssess sa panlabas na kaanyuhan ang isang 'to, kailangan ay palagi siyang maganda sa paningin ng ibang tao dahil iyon na ang kinasanayan nila o nakasanayan niya? Hindi ko 'yon inaasahan na gano'n ang magiging reaksyon niya, na masasamain niya pala ang naging tanong ko. "No, no, no, Victoria" sabi ko. Niyakap ko siya para pahupain ang galit niya sa akin, "Ikaw kase, e" nakanguso pa niyang sabi na parang bata. Madali naman pahu— Napanganga nalang ako ng tangayin ng hangin ang papel na hawak ko, pumunta ito sa likod at napalingon naman ako sa lalaking naniko sa akin na naging dahilan kung bakit ko nabitawan ang papel na hawa ko, si Ion pala 'yon. Nagtaas ito ng dalawang kilay matapos magtama ang aming paningin. Napatayo ako sa aking inuupuan at mabilis na hinanap ang papel na 'yon, yumuko ako at sinilip ang bawat ilalim ng bangko kung saan banda tinangay iyon. Napatigil ako sa isang bangko na pamilyar sa akin, kasalukuyan niya itong tinatapan ng kanyang suot na black shoes. Pagtingala ko ay nakakalokong ngiti ang binitiwan nito sa akin, napangiwi ako. Nalintikan na.... Sa minamalas ka nga naman oh, kay Nelson Drueco pa napadpad ang papel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD