Napasinghap ako sa kaniyang ginawa. Parang ang sikip ng daloy ng puso ko ngayon at nahihirapan akong huminga. Hindi ko ito naramdaman dati kay Paul John at aaminin kong kay Rowan ko lang naramdaman ang isang bagay na 'di ko kayang ipaliwanag. "Babe... can i... kiss you?" Nanlaki ang mata ko at bigla akong napalunok. Nag-init ang buo kong mukha at ang t***k ng puso ko ngayon ay singbilis ng tumatakbong kabayo. Papayagan ko ba siya? b***h na kung b***h. w***e na kung w***e pero pinangarap kong matikman ang labi niya. Ang kamay niyang isa ay nasa aking bewang. Ang isa naman ay nasa pisngi ko at marahang hinahaplos `yon. Napakurap-kurap ako sa kaniyang ginawa. Anong gagawin ko? Pipikit ako, o pagmamasdan siya habang hahalikan niya ako? 'Yung panghuli ang pinili ko. Pero nung papalapit na ang

